Ayla Grace POV: Nang makaalis si Victor papunta sa Wooden Target ay tinawagan ko agad si Janice, isa sya sa mga NBI asset na nakilala ko noong nadakip si Mr. Chan. Hindi naman ako interesado na makipag kilala noon sa kahit na sino dahil kailangan ko pa ding ipanatili ang aking sikretong pagkatao. Subalit tila magaan ang loob ko sa babaeng iyon kaya't nakipag kwentuhan na din ako sa kanya. Bago kami naghiwalay ng araw na iyon ay binigyan nya ako ng kapirasong papel na may nakasulat na numero, " Baka kailanganin mo ko, I'm just one text away", wika nya na nakangiti. At hindi nga sya nagkamali dahil ito na ang pagkakataon na kakailanganin ko sya. Magaling din kasi mag transform ang isang iyon, dahil sya ay tibo pero maganda, kapag tawag ng pangangailangan ay kayang kaya nya magpanggap na bab

