Victor Ace POV: Hinabol ko ang aking asawa na ngayon ang lumabas na ng venue. Pagdating sa sasakyan ay pinagbuksan ko ito ng pinto at saka ako mabilis na sumakay sa driver's seat. Kakabitan ko sana sya ng seatbelt ngunit nailagay na nya iyon. Bago ko pinaandar ang sasakyan ay dumukwang ako palapit sa kanya at akmang hahalikan sya sa labi ngunit umiwas sya kaya't sa pisngi tumama ang aking halik. Tangna talaga, yari ako, mukhang outside the kulambo ako nito mamaya. Habang nasa daan ay tahimik lamang kami, nakita ko na tila hinihila na sya ng antok kaya't alalay lang akong nagpatakbo ng kotse. Pagdating sa parking ng condo ay nagising na sya, hindi ko alam kung nagtulog tulugan lamang sya para hindi kami makapag usap o sadyang nakatulog sya. Habang nasa elevator ay hinapit ko ang bewang nya

