“HEY, Justice.”
The commoner immediately turned his head at me at ang kaninang masaya niyang aura ay napalitan ng pagkainis. Well, what can I expect when the last time we saw each other, hindi naging maganda ang pagtatapos nito.
Who cares?
Lumapit ako sa kanya habang kapit ko sa dalawang kamay ang blueberry cheesecake na naging dahilan kung bakit ako na-late kanina at kung paanong muntik ko nang masakal si Clarkson.
“Hindi mo na ba ako naaalala?” I said. “Nakakatampo naman—”
“Kilala kita,” aniya. “Pero wala akong oras makipag usap sa 'yo.”
He was about to turn his back at me nang mabilis ko siyang hilahin sa braso, dahilan para matigilan siya sa paglayas niya. Bwiset na lalaking 'to! Hindi niya ba alam na Diyosa ang dinededma niya sa mga oras na 'to?! Tss. Poor being, hindi marunong mag-appreciate ng totoong ganda.
“Justice, wait—"
“Ano bang gusto mo?” Bakas ang pagkainis sa boses niya pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. I gave him my sweetest smile habang pilit na pinipigilan ang sarili na huwag siyang ingudngod sa dala kong cake.
Suck it up, Alison. Ngiti lang hanggang keri pa ng beauty mo. Kapag nakuha mo ang puso ng lalaking 'yan, paluhain mo hanggang maubos ang gandang lalaki niya! Punyeta.
“Ikaw,” I said nonchalantly tsaka siya kinindatan.
Nakita ko kung paano siya nabigla sa sinabi ko, nakuha pa niyang mapaatras dahil sa nangyari. Ha! I knew it. Even a blind man can’t resist my charm and beauty. I'm pretty sure that even the Greek Gods would bow down upon my feet once they set their eyes on me.
Muli kong pinagmasdan ang lalaking nasa harapan ko. By the looks of him, I bet he’s still stoked on what I just said. Never naman naluma ang banat kong iyon kahit sa mga naging past flings ko. So, the mere fact that his response is pretty much the same as the other guys, sigurado ako na magiging madali lang ang mission na ito.
“Para sa akin ba 'yan?” tanong niya habang nakatingin sa hawak kong cake. I smiled at him as I nod my head, making my inner self jump in triumph. The game is just starting pero mukhang uwian na agad dahil mananalo na ako.
In your face, Belle!
“I baked that especially for you.”
“Salamat,” malumanay na sagot niya at tsaka ngumiti. Doon na unti-unting napawi ang ngisi ko and for some reason, hindi ko alam kung bakit parang nag-iba ang ihip ng hangin.
Like, s**t na 'yan. Bakit ang gwapo niya bigla noong ngumiti siya?
Hindi ko na halos namalayan na tinalikuran na niya ako at naglakad palayo sa akin. It was like I was caught off guard without prior notice. Muli ko siyang sinuri nang mabuti. By just looking at him, I can tell that he stand about 5 feet and 11 inches. His natural dark hair a bit disheveled but he still looked freakishly handsome. He’s moreno but not too tanned and his plump lips… I wonder how would it feel to kiss those—s**t. Ano ba itong iniisip ko?
Hindi ako marupok!
Pasimple kong sinampal ang aking sarili sa kung anong kalokohan na naisip. Nang medyo kumalma'y siyang pagbalikwas ko mula sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang ingay na tila may ibinatong bagay sa 'di kalayuan.
“Ang swerte naman ng basurahan, may libreng cake,” bungad ni Anabelle mula sa aking likuran. Hindi ko na siya nakuha pang tingnan dahil hindi ko magawang itikom ang nakaawang kong bibig. y
The assurance of my victory that’s slowly building up inside me a while ago got shuttered into pieces nang makita ko mismo kung paano pa tumingin sa direksyon ko si Justice matapos niyang itapon sa basurahan ang cake na binigay ko kanina lang. Marahan pa siyang umiling bago ako nginisian. Nang makita niya kung paano ako nabigla sa nangyari ay tsaka siya muling tumalikod at naglakad papasok ng isang classroom.
“Who does he think he is?!” galit kong utas matapos kong balingan si Anabelle na nakatayo na sa aking tabi.
“Ang katapat mo?” she said. I was about to answer back at her nang mapansin ko ang mga matang kanina pa nakatingin sa amin. Inilibot ko ang aking tingin and saw almost everyone whispering to each other, as if something happened for the first time in history. Damn it!
Pakaladkad kong hinila si Belle pabalik ng special hideout namin para roon na ipagpatuloy ang pag-ra-rant ko. Mahirap na, I have my own reputation in this school and the mere fact that this is the first time na may namahiya sa akin ay parang katapusan ko na. Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pinto ng nasabing hideout ay agad na tumambad sa amin si Clarkson, kasama ang isang babae na magkahalikan sa sofa.
“Oh my god!” gulat na sabi ni ate girl. Feeling nagulat pa pero damang-dama niya ang make-out session nila ng gago kong kaibigan.
“Girl, wala sa mood ang prinsesa kaya you better leave now or else…” ani Belle.
Sandali pang napatitig sa amin si ate girl bago ito bumaling ng tingin kay Clarkson na tila naguguluhan sa nangyayari. I am not jealous or something pero gusto kong manapak ng isang haliparot at isang malanding lalaki.
“Sorry, babe but my fiancée is here—”
“You guys were engaged?!” gulantang na tanong ni ate mong girl. “B-but I thought you were just close friends and you guys only talk to each other occasionally?”
I let out a frustrated sigh at tsaka pinanlisikan ng tingin itong babaeng kung umasta akala mo'y nuknukan ng ganda. Humakbang ako palapit sa kanila at prenteng inilagay ang isang kamay sa aking baywang.
“b***h, if I kill you right now, would you be dead-dead or just not breathing?!” After I said those lines na napulot ko lang din naman sa mundo ng t****k, ay mabilis pa sa alas kwatro ang ginawang pagkaripas ng takbo ni ate mong girl palabas ng hideout namin.
Anabelle and Clarkson both clapped their hands in unison. Matalim ko silang tinapunan ng tingin pero imbes na tumigil silang dalawa'y sinabayan pa nila ito ng paghagalpak ng tawa. Sa sobrang inis ko'y padabog akong naupo sa mahabang sofa.
“Problema mo?” rinig kong tanong ni Clarkson pero hindi ko siya pinansin.
“Itinapon ni Justice sa basurahan 'yong cake na binili niya kanina,” sagot ni Belle na kasalukuyan nang nakaupo sa isang bar stool na nasa kaliwang bahagi ng kwartong ito. Abala sa pagkalikot ng cellphone niya.
Muling humagalpak ng tawa si Clarkson sa naging pahayag ni Belle. Sa sobrang pikon ko'y kumuha ako ng unan mula sa sofa at marahas itong ibinato sa kanya. Pero kung talagang minamalas ka nga naman, mabilis na nakaiwas si gago.
“Shut up, asshole!” I yelled. Kung pwede ko lang basagin ang mukha ng lalaking ito, gamit ang takong ng sapatos ko'y kanina ko pa ginawa. Pabagsak siyang naupo sa tabi ko habang patuloy pa rin ang tawa na parang demonyo.
“Are you calling off the deal, Allie?” sabi ni Clarkson. I turned my gaze at him tsaka muling sumimangot.
“Hell no! Why would I call off the deal?”
“Good. I’m just making sure. Ayaw mo naman sigurong matuloy ang kasal natin, hindi ba?” he said, his lips curved into a devilish grin bago ako muling tiningnan. Muli akong kumuha ng unan at kaagad itong inihampas sa pagmumukha ni Clarkson.
“Kadiri ka!” reklamo ko habang panay na naman sa pagtawa ang gago.
Every time I am reminded by that arranged marriage, hindi ko maiwasan na masuka. Hindi ko talaga ma-imagine! Sa sobrang dami na ng nakalandian ng mokong na 'to, ano na lang ang mangyayari sa reputation ko bilang goddess? Oh my gosh!
“Clock is ticking, Allie. The sooner na bumalik sa akin si Aome, the earlier we can call off the wedding—”
“Leche ka, Clarkson!” inis na sagot ko. “Kung ikaw kaya ang lumandi kay Aome para mas win-win situation sa iyo? Kunin mo ang virginity, gano'n!”
“Whoa there, Allie,” aniya. “That’s beyond the line. Hindi lahat ng babae ay pang-kama—”
Kaagad na kumunot ang noo ko sa naging explanation ni Clarkson. Hinubad ko ang sapatos ko at mabilis na inihampas iyon sa kanya pero mabilis siyang tumayo para lumayo sa akin.
“Hindi ka ba kinikilabutan sa mga sinasabi mo, Clarkson?” naiinis na sabi ko. “Like, what did you just say? Hindi lahat ng babae ay pang-kama? Really now. E halos lahat nga ng hotel dito sa Luzon suki ka na!”
“Hoy, masyado kang mapagbintang!” he said. “Hindi pa lahat ng hotels nalibot ko. May mga ilan pa na hindi ko napupuntahan—”
“Anak ka ng kalandian!” bulyaw ko. “Grabe kang lalaki ka! Tao ka pa ba? O kalandian na tinubuan ng tao?”
Clarkson slightly open his mouth to say something pero kaagad din niyang tinikom iyon. Pinanliitan ko siya ng mata tsaka marahang hinilot ang aking noo. This is only the beginning pero stressed na agad ang beauty ko.
“Accuse me all you want pero huwag mong idamay si Aome,” seryosong sabi ni Clarkson and he stormed out our hideout.
Halos mapanganga ako sa inasal ni Clarkson. I looked at Belle at maging siya ay nakatingin din sa may pintuan, slightly shocked from what happened.
“Looks like you crossed the wrong line, Allie,” ani Belle. She stood up from the bar stool at naglakad palapit sa akin. I pouted my lips then flipped my hair.
“Hayop na 'yan, ano bang meron sa Aome na 'yon bukod sa singkit niyang mata—”
I wasn’t able to finish my sentence nang muling pumasok si Clarkson sa loob ng hideout namin. By looking at him, daig niya pa ang hinabol ng kung ano sa itsura niya ngayon. He was catching his breath when he looked at us.
“What the hell is your problem?” I asked. “You look like shit.”
“Tangina, nasa hallway iyong isang batalyon ng mga ex ko and they’re after me!”
“Confirmed,” ani Belle. “Isa kang kalandian na tinubuan ng tao, Clarkson. Manahimik ka diyan, duwag!”
Napapikit ako sa sinabi ni Clarkson. Lecheng 'yan, akala ko naman kung ano na. Hindi ko na siya pinansin at mabilis na inabala ang aking sarili sa pag-iisip kung ano magiging susunod kong tactic para sa Justice na 'yon.
“I told you, Allie,” sabat ni Belle. “Commoners are not easy—”
“Duh! I knew it na, Belle!” I said to cut her off. “You don’t have to shove it on my face. Nakakairita!”
I bit my fingernails then walked back and forth. This is the first time I got humiliated by a guy—most especially, a commoner! Hindi ito kayang tanggapin ng pride ko bilang diyosa. I have to do something!
“So, epic fail ang pabebe plan?” Clarkson said. “Looks like, we need to move on to the next one. Want me to teach you?”
Tumigil ako sa paglalakad then squinted my eyes at Clarkson. Kung kanina ay para siyang bata na nakakita ng multo sa sobrang putla, ngayon ay balik na naman siya sa dati niyang anyo—malanding impakto.
“Learn how to fight first bago ko ipagkatiwala ang bagay na ito sa'yo,” I said. “Malanding impakto!”
“Gwapo ako, and that’s what matters—Ow!”
“Nag-aaway na naman kayong dalawa!”
Hindi ko na pinansin pa sina Clarkson at Belle. Ipinagpatuloy ko ang aking malalim na iniisip after I threw my other shoe at Clarkson’s arm.
“What are you planning to do?” Belle asked as she tapped my shoulder. I turned my head at her then smiled.
“Well, the first plan didn’t work,” I said. “Mukhang kailangan kunin sa santong paspasan ni Justice for him to bow down like a beggar.”
Nakita ko kung paano kumunot ang noo ni Belle but I just gave her my most sweetest smile. Ngiti ng isang diyosa na may binabalak na maganda.
“Don’t tell me, you’re going to—”
“Don’t worry, Belle,” pagputol ko sa sinasabi niya. I even placed my finger on her lips to stop her from blabbering nonsense concern.
“Wholesome ito.”