"JESUS Christ, Allie! What the heck are you wearing?!" bungad sa akin ni Belle. She almost spilled the juice she's currently drinking, the moment she laid her eyes at me.
I smiled at her tsaka umikot na parang model. Suot ko ang bagong bili kong leopard print na mini skirt at tube. Of course anyone who will see my outfit will drop their jaws! Ang ganda ko kaya!
"Duh, Belle! You told me na there's going to be a party later, right? And that guy named..." I immediately stop and think, trying to recall that guy's name again.
Nakita ko kung paano nagsalubong ang dalawang kilay ni Belle habang tahimik akong pinagmamasdan. She then put down her glass sa bar counter at nag-crossed arms pa!
"For pete's sake, Allie. His name is Justice! Ang hirap sa 'yo, sagana ka sa pa-seductive mong porma, kulang ka sa memory plus."
I rolled my eyes at her. Kairita rin minsan magkaroon ng kaibigan na sobrang talino e. As in, tipong tuwing maglalapit kayo? Nagmumukha kang tanga. Grabehan to the highest level!
"Hindi ako ulyanin! Sadyang matalino ka lang," pagtataray ko. I then flipped my perfectly curled hair tsaka siya tinalikuran.
Muling naupo si Belle sa wooden stool ng mismong bar counter tsaka tumutok sa kanyang cellphone. Nanliit ang mata ko sa kanya pero hindi na niya ako pinansin pa.
Itong babaeng 'to, pansin kong lagi na lang may ka-text. Ang tanong, sino naman kaya? E bukod kay Harry Potter at Percy Jackson, wala nang ibang pang lalaki ang kayang umagaw ng atensyon ng isang 'to.
Perks of being a bookworm.
I shook my head tsaka tumingin sa salamin. I can smell something fishy pero bahala na muna siya riyan. I have more important things to accomplish and that's to seduce that commoner named—ah basta! Si commoner na gwapo!
"Where the heck is Clarkson at bakit parang hindi ko siya masyadong nakikita these past few days?" I asked Belle while I'm busy scanning myself on the mirror.
"Why are you asking? Miss mo na?"
My eyebrow arched heavenwards matapos ng naging sagot ni Belle. My goodness! Seryoso siya?!
"Belle! What the heck are you saying? My god! Don't say ridiculous things na pwedeng ikasama ng pakiramdam ko. Utang na loob—"
"Then don't ask me! Malay ko kung nasaan ang malandi mong fiancé. Baka nauna na sa party o busy humarot kung saan. Basta! Ang sakit niyo sa ulo!"
Natigilan ako sa pagtitig sa aking mala-diyosang reflection sa salamin at mabilis na binalingan ng tingin si Belle. Itong babaeng 'to, minsan hindi ko maintindihan kung ka-edad lang ba namin siya ni Clarkson o para siyang si Esther ng "The Orphan". Tipong gurang na pala, nagpapanggap lang na bagets—in short, malapit na sa menopausal stage. Laging sobrang init ng ulo.
"Bakit ang taray mo ngayon? Namatay na ba 'yong bida sa binabasa mo at feeling depressed ka, ganern?"
Sumimangot ang pagmumukha ni Belle tsaka ako tinitigan. Problema ng isang 'to?
"I feel bad about our mission today kapag gan'yan ang isinuot mo—"
"Ano ba'ng mali sa suot ko? I look hot and sexy as always! Pero syempre mas iba ngayon," I said. "Look, ikaw na mismo ang nagsabi na nandoon ang commoner na 'yon sa party, right? So, I came prepared!"
I saw Belle slapped her face as if I said something stupid. I throw her a sharp stare at her while holding back, not to throw a fit.
What the heck is her problem?
"Hoy, Belle," I called her. "What on earth is your problem at parang pinagsakluban ka ng langit at lupa? Pati beauty ko nadadamay—"
"Kayo ni Clarkson ang problema ko!" sigaw niya sa akin. "You both want to end this engagement pero you don't take things seriously."
She even stood up and walked straight to me. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko which made took a step backward.
"I mean, sige nga? How can you say na magagawa mong akitin si Justice sa suot mong 'yan when he's going to that party as a server and not as the host! Kaloka! Ayoko na sa earth!"
I was dumbfounded with Belle's sudden outburst. I mean, may pinagdadaanan ba ang isang 'to at parang nasobrahan yata sa kape? Napailing na lamang ako. Baka nga too much coffee kaya ganito.
"Hello ladies nandito na ang—what the hell, Allie?!" bungad ni Clarkson sa may pintuan. He even covered his eyes using one hand, pero makikita pa rin na sumisilip-silip ang gago.
"Asshole!" bulyaw ko sa kanya pero wala pa rin siyang pakielam. I even put on my coat just to cover myself once again.
Mahirap na. Baka mamaya, nagpipiyesta na ang mukha ng bwiset na 'to.
Pinanlisikan ko siya ng tingin at mula roon ay nabuo ang nakakalokong ideya sa aking isip. Nagsimula akong maglakad palapit kay Clarkson habang unti-unting tinatanggal ang belt ng aking black coat. Napansin ni ungas ang paglapit ko kaya naman nagsimula siyang umatras habang nakataas ang dalawang kamay sa harap ko.
"A-Allie, kung ano man ang binabalak mo? Itigil mo na kung ayaw mong—"
"Magsisi? Why would I regret when you're enjoying the view?" I said in a very seductive way.
I again took a step forward towards Clarkson and saw how his pale face turned into a deeper shade of red. Pero hindi pa ako natapos doon. I even enveloped both of my arms around his neck and leaned closer, closing a few inches of our distance.
"A-Allie..."
Mas lalo pang lumawak ang ngisi ko when Clarkson closed his eyes and waited for my next move. I was about to burst into laughter nang bigla na lamang may tumamang malambot na bagay sa likuran ko.
"What the f**k?!" Nilingon ko 'yong bumato sa akin at nakita ko ang matalim na tingin ni Belle. "What the hell is your problem—"
"Ang laswa niyong tingnan!" aniya. "Puwede? Kapag gagawa kayo ng milagro, get a room and stay out of my sight. Kadiri kayong dalawa!"
Before I could even say anything ay mabilis na siyang nag-martsa palabas. Naiwan kami ni Clarkson sa loob ng private villa ni Belle. My eyebrows automatically arched when I shifted my gaze beside me. Ang hinayupak na Clarkson, nakapikit pa rin ang mga mata.
Feeling santo ang hinayupak!
Muli kong nilapitan si Clarkson tsaka hinampas sa mukha niya ang bitbit kong coat na mabilis naman niyang ininda.
"Hoy! Imulat mo na 'yang manyak mong mga mata dahil tapos na ang fantasy mo. Gago!"
Seryoso akong tinitigan ni Clarkson habang paulit-ulit na hinihimas ang braso niyang hinampas ko. Pinanliitan ko siya ng mata pero hindi man lang nagbago ang reaction niya.
"Anong tinitingin-tingin mo riyan?" mataray na sabi ko. Muli kong isinuot ang aking coat dahil nagsisimula na akong lamigin.
Clarkson pouted his lips, "bakit ba ang hilig mo sa pisikalan? Kawawa ang gandang lalaki ko sa 'yo..." He wasn't able to finish his sentence dahil mabilis kong hinubad ang suot kong heels at ambang ihahampas sa kanya 'yon. Tarantang napaatras si gago habang nakataas ang dalawang kamay sa ere.
"Para nagbibiro lang e! Diyan ka na nga!" ani Clarkson tsaka kumaripas ng takbo palabas.
Napailing na lang ako after what happened. I checked myself again on the mirror, making sure that I am still drop dead gorgeous.
"I need to end this annoying bet in one swoop," I said on my mirror's reflection. "Brace yourself commoner. Aphrodite's descendant is coming your way..."
IT was past nine in the evening nang marating namin ang venue ng party. The flashing lights were dancing to the beat of the music. Madilim ang paligid pero buhay na buhay ang gabi.
"There you are!" bati ni Sabrina, ang host ng party. She walked straight to us and welcomed me with a peck on my cheek. As much I wanted to wipe off her filthy touch on my pretty face, alam kong hindi 'yon classy.
Mabilis kong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa si Sabrina. This b***h really knows how to make herself feel like a queen. Well, sorry na lang siya dahil ako lang ang reyna ng buong campus.
She smiled at us tsaka otomatikong dumako ang tingin niya kay Clarkson na nasa tabi ko. A mischievous grin showed upon my face.
"I'm so glad you've made it to my small party!" aniya, ang malalagkit na tingin ay hindi pa rin inaalis kay Clarkson.
"Nice party!" ani Belle. "I'm parched, guys. Mauna na ako sa inyo, okay?"
Hindi ko na nagawa pang pigilan si Belle dahil nauna na siya papunta sa bar counter ng bahay nina Sabrina. Muli akong napatingin kay plastic b***h na ngayon ay nakikipaglandian na ng tingin kay Clarkson.
Seriously?!
Nilingon ko si Clarkson and gave him a sight of disbelief, "ang landi mo na naman! Umayos ka nga!"
He just shrugged at me.
"So! Do you want to dance, Clarky?"
Halos masamid ako sa sarili kong laway nang marinig ko ang way kung paano niya tinawag si Clarkson. I know for a fact that she likes this bastard. Kaya naman kahit hindi kami talaga in good terms ay wala siyang choice kundi ang imbitahan kami sa party na 'to. How desperate.
"Uh, sorry but I am with my fiancée," ani Clarkson na siyang nagpangisi sa akin.
I leaned towards Sabrina and whispered something, "nice try, girl. But you need to try harder next time. Nagmumukha kang desperada."
I saw how her eyes shoot wide open. Ngumisi ako sa kanya tsaka ko pakaladkad na hinila si Clarkson at tuluyan na namin siyang nilagpasan. I flipped my hair at dire-diretsong naglakad papunta sa bar counter kung saan naroon si Belle.
"You can let go of my hand now, manyak!" singhal ko kay Clarkson dahil masyado na niyang feel ang paghawak sa kamay ko.
"Wow ha! Hiyang-hiya ako na ikaw mismo ang nagpumilit na hawakan ang kamay ko kanina," reklamo niya sa akin. "Gamit na gamit mo talaga ang kagwapuhan ko—aw!"
Muli niyang ininda ang braso niyang sinapak ko. Pinanlisikan namin ng tingin ang isa't isa bago kami kinurot pareho ni Belle.
"Aray naman!" Clarkson and I said in unison.
"Mamaya na kayo mag-away, puwede?" ani Belle. "Allie, I saw Justice a while ago. Go freshen up and get this deal done tonight—"
"Ano naman ang binabalak niyong gawin sa gagong 'yon?" sabat ni Clarkson na siyang nagpatingin sa aming dalawa ni Belle.
Kumunot ang noo ko, "ikaw ang nakaisip ng strategy na 'to kaya manahimik ka nga riyan!"
Naupo si Clarkson sa katabing bar stool ni Belle. He gulped down a shot of tequila bago ako muling tiningnan.
"Aren't you going overboard this time, Allie?" he said. "You came here, dressed like that just to seduce him?"
Pareho kaming napatitig ni Belle sa kanya. Problema ng isang 'to? Kung makaasta, akala mo, tatay ko.
I crossed both of my arms as I stared at him. "Hoy, Clarkson. Anong inaarte mo ngayon? Hindi ba't kayo ni Belle ang nakaisip sa dare na 'to para makuha mo ulit si Aome?"
Mabilis na nag-iwas ng tingin si Clarkson. Isang shot pa muli ng tequila ang nilagok niya bago umalis at magpatianod sa mga sumasayaw sa dance floor. Napailing na lang ako sa inasta niya. Abnormal talaga kahit kailan.
"Don't mind him," ani Belle. "There's your target, Allie. Go do your thing and I'll be right here."
Sinundan ko ng tingin ang direksyon na nginuso ni Belle. From there, I saw that commoner. He's dressed in a waiter's uniform pero I might say, he's smoking hot in that outfit.
"Remember, Allie. His name is Justice, okay? Huwag mong kakalimutan. Utang na loob!"
I just smiled at my friend as I take off my coat. Isang lingon pa ang ginawa ko kay Belle bago naglakad palapit kay Justice.
Wearing my most seductive smile, I am claiming it. This commoner is going to fall head over heels at me.