Chapter 22. Make Me Believe

2125 Words
P  H  O  E  X  E . . .  Sirius pushed the button for the fourth floor. Until the elevator's door closed, it was very silent. Gusto kong makausap sila Arius para sabihin s kanila ang napanaginipan ko. Lalo na't may kinalaman sa kanila iyon, kailangan ko silang makausap. Pero nandito si Lindsay, baka mamaya magduda ito. Si Lindsay 'yung tipo ng babae na kahit maingay at madaldal, makikita mo na matapang at mapagmasid ito. Katulad ni Manuel, pakiramdam ko may ibang iniisip rin ito tuwing kaharap niya ako. Marahil sinabi ni Manuel sa kaniya na may kakaiba sa akin. Minsan napapaisip ako kung ganon din ang tingin nila kay Scarlet. Nagisip ako ng plano kung papaano ko makakausap ang kambal nang walang kahit anong pagduda mula kay Lindsay. Alam ko ring suportado ako ni Scarlet kung ano man ng gagawin ko. "Nagcutting classes kayo?" tanong ko sa kambal na napatingin sa akin. Maski si Lindsay ay napasulyap sa amin kahit na nasa harap namin siya. "No, the classes were suspended." sagot ni Arius kaya naman napakunot ang noo ko. "Bakit daw?" "The case of the psycho girl was already solved. Kaya walang pasok dahil magiging mainit na issue iyon sa balita." nagulat ako sa sinabi ni Sirius. It was already solved? Papaano? Ano kayang ginawa ng mga pulis? What if they made it look like a suicide, just like what Epiales wanted? Malaki ang hinala ko na may kinalaman din dito si Henry, pero hindi ko alam kung paano. Nasa ibang bansa siya para raw sa isang exam. Naalala ko ang pagiging kalmado nito kagabi. Kaya ba hindi na siya masyadong nagsasabi sa akin tungkol kay Epiales dahil tapos na ang kaso? Pero sasabihin niya agad sa akin kapag nahuli na ito. Bakit di niya sinabi sa kin kagabi? Henry, what are you thinking? O baka naman hindi niya talaga alam? "Diba, naintindihan mo 'yung lesson sa Chemistry noong nakaraan? Can you teach us? Hindi namin maintindihan ang chemical bonds na gagamitin sa activities this sem." tanong ni Arius habang nagkakamot ng ulo. Nakatitig lang ako sa mata niya, at mukhang ganon din siya. Mukhang may ibig siyang sabihin.  I bit my lip. Ni hindi nga ako nakikinig, paano ko malalaman at maiintindihan iyon? Pero magandng tsansa ito para makausap sila. Mukhang may gusto rin silang sabihin sa akin. Alam kong may ideya sila na wala akong alam sa mga sinasabi nila. Hindi ko maiwasang mapasmirk dahil sa nangyayaring pagpapanggap. Kasinungalingan at dadagdagan ko pa ulit ng kasinungalingan. "Sure, wala naman akong gagawin ngayong araw. Bukod sa pagbisita sa kanila." "So, anong oras?" "3PM." The elevator rang, and the door slides opened. Nasa fourth floor na kami kaya lumabas na ng dalawang kambal. Pero bago sila tuluyang makalabas ay may sinabi pa sila. "Room 409, just knock twice." sabay pa silang kumindat sa akin bago tuluyang nagsara ang pinto.  The elevator went silent, and the sound of the plastic everytime we move was the only thing I could hear. -5th floor- "Kaklase mo?" I nodded at Lindsay's question. Hindi kasinungalingan iyon, kaklase ko talaga sila. "Mag-ingat ka lang. Sa tingin ko mahirap kasama ang mga iyon." matabang na sabi ni Lindsay kaya napakunot ang noo ko. "Kilala mo sila?" "I saw—" "Shut up, Lind." Scarlet cut her off. At bakas sa mukha niya ang pagkainis. Hinawi niya pa ang pula niyang buhok kaya nagingay nanaman ang plastik na hawak niya. Ngumisi naman si Lindsay sa naging reaksyon ni Scarlet. Pinagpatuloy nito ang sasabihin kahit binantaan na siya ni Scarlet. "Kagabi, nagulat ako ng wala si Scarlet. Tapos—" "Tumahimik ka, Maria Lindsay Carvajal!" naiinis na sabi ni Scarlet. Kahit na naguguluhan at nacucurious ako, natatawa ako sa itsura ni Scarlet. "Hahahahahaha! Tapos bumalik si Scarlet sa unit ko. Hinihingal siya. Tapos ang sabi niya..." hinawakan ni Lindsay ang kamay ko tapos parang ginaya niya ang itsura ni Scarlet. Nang makita ni Scarlet ang ginagawa ni Lindsay ay nagtakip na ito ng mukha. "'G-gago 'yung kambal na 'yon.'    Yon ang sabi niya! HAHAHAHAHAHA! Hinihingal pa siya non, iyon ng pangalawang beses na marinig kong magmura si Scarlet. Nakakagulat nga at nagkwento ito na nakita niya daw ang kambal na iyon. Para daw silang mga nakadroga dahil namumula na daw sila sa katatawa. Muntik pa nga daw siyang hawakan, HAHAHAHAAH!" At iyon humalakhak na si Lindsay habang si Scarlet parang sasabog na sa pula. Sino nga naman kasi ang hindi maiinis sa pangaasar ng kambal na iyon? Maski ako ay nasaksihan ko kung paano sila kumilos. Para silang mga baliw, at gagawin talaga nila ang isang bagay kapag curious na curious sila. Mukhang trip nilang asarin si Scarlet dahil sa reaksyon nito. Kahapon narinig ko sila na pinagtatawanan nila ang irap ni Scarlet. Hindi ko alam kung kailan sila nagkaganon. Noong una kong makita ang kambal, as usual para silang nakatakas ng mental hospital. Pero nakakatakot ang itsura nila kapag nagseryoso na. Lalo na si Arius noong walang malay si Sirius, at kapag sikreto na nila ang may kinalaman. Doon na sila magseseryoso. "Seriously, Scarlet? Takot na takot magpahawak!" humalakhak lang si Lindsay kaya patuloy na maingay sa buong elevator. Hindi ko na rin maiwasang hindi matawa dahil sa itsura at kwento nito. Malamang matatakot nagpahawak si Scarlet kay Arius dahil alam na nito ang mangyayari. Mukhang iyon ng dahilan kung bakit ganon na lang ang tuwa ng kambal sa pangaasar sa kaniya. Poor Scarlet. Nagbukas na ang elevator at sinundan ko lang si Lindsay na tinutukso pa rin si Scarlet. Hindi naman ako makapagfocus sa pinaguusapan nila dahil iniisip ko pa rin ang mga nalaman ko. Ang daming nangyari. Sa unang pagkakataon, nakita ko ang nakaraan. At hindi lang iyon parang may kinalaman iyon sa akin. Kung sila Arius at Sirius nga ang tinutukoy na kambal sa panaginip ko, bakit pakiramdam ko may mali? Naalala ko ang huling sinabi ng babae. "I will reverse the time, if something happen." Reverse the time? Their mother has an ability of manipulating time? Wow, that was almost impossible! And if I heard it right, her name is Jewel. If that was really their mother, what is the connection of manipulating the time in making someone fall asleep or making an illusion through skin? Or maybe their abilities were inherited on their father? "So protect us okay? Stay with her." Her. Who is she talking about? I saw her tummy, it was not that big, I didn't notice that she's already pregnant. And base on the situation, they make love in that room. But they already knew that the girl would give birth a twin. They predicted it. The guy knew that it was a twin, and the girl agreed. Hindi kaya magulang ng kambal ang nakita ko? "Phoexe?" Napatingin naman ako kay Lindsay nang tawagin niya ako. Hawak na nito ang pinto ng isang kwarto. At doon ko lang napagtanto na ako na lang pala ang nasa labas. Agad naman akong pumasok, habang si Lindsay ay binitawan na ng pinto. Kaya sinarado ko ito ng maayos. Totoo nga ang sinabi ng guard. Ibang-iba na ang pagkakadisenyo nito. Mas maliwanag dito kumpara noong nasa panaginip ko. Sa panaginip ko ay halos maluwag pa at marami pang pwedeng ilagay na furnitures. Pero ngayon, maraming nadagdag na furnitures. O dapat bang sabihin na naiba lang ang disenyo kaya naging masikip? Sa bawat dingding may mga pictures doon nila Lindsay at Manuel. At may maliit na terrace rin kung saan makikita mo ang buong bayan. Ang ganda. Sumunod lang ako kay Scarlet na naghahanda na ng pagkain. Ang dala pala nito ay ang take out ng Pizza hut. Napansin ko rin na walang lutuan dito, may isang malaking higaan lang at banyo. Meron ding lamesa at apat na upuan. Bukod doon, puro bags at maleta na lang ang nakita ko sa buong room. Kaya siguro nagmukhang maliit ay masikip dahil sa mga gamit nila Manuel. Teka, bags? At maleta? Nang sandaling umupo na silang dalawa ay umupo na rin ako. Nagsimula na silang kumain kaya hindi ko na maiwasang hindi magtanong. "Kailan kayo nagsimulang natulog dito?" diretsyong tanong ko kay Lindsay na ngumunguya ng Pizza. "Nagbook kami ng room for about 3 weeks ago. Magulo kasi sa condo namin ni Manuel, kaya nagbook siya para sa amin ni Scarlet." sagot nito. Hindi sila dito mismo nakatira, pero dito sila natutulog. Wala sa sariling napatingin ako sa mga pictures na nakadikit sa dingding. May mga hugis pa ito ng mg hearts, at ilang collage na nagpaganda dito. "Akala ko matagal na kayo dito." sagot ko naman. "HAHAHAHAA! Madalas kasi ako na walang ginagawa. Kaya ayan napagtripan kong dumihan ang dingding. Paniguradong magdagdag nanaman kami ng panibagong pagbayad." sagot naman niya kaya tumango na lang ako. Inalok naman ako ni Scarlet na kumain at malugod ko itong tinanggap. Hindi pa rib nakahiwalay sa akin ang bag ko dahil hindi ako mapalagay na ibaba ito. Mabuti na lang at busy sa pagkain si Lindsay, hindi niya ito napansin. "Matagal ko nang tinatanong sa sarili ko ito, pero hindi ko pa natatanong sa iyo, Lind." nakakunot ang noo ni Scarlet habang nakatingin kay Maggie na patuloy lang sa pagkain. "Magtatanong ka ba? Sige lang. Wag lang 'yung masyadong personal." ngumunguyang sabi ni Lindsay at uminom ng drinks. "Anong trabaho ni Manuel? Diba nakagraduate na siya?" nakuha naman non ang atensyon ko kaya nakinig akong mabuti. Nacucurious din ako kay Manuel simula noong mapansin ko na iba ang tingin nito sa akin. Para bang may hinahanap siya sa akin. Iba, ibang-iba. "Actually, he's still studying under a private proffesor. I heard that he is aiming for a job called nanotechnologist someday. Kitang-kita naman sa kwarto nito na maraming kung ano-ano." paliwanag nito habang iniikot ang plastic fork sa spaghetti nito. "Like what?" tanong naman ni Scarlet at uminom din ng drinks. I took a bite from a hawaiian pizza. It was my favorite flavor of pizza, especially the pineapple. "Wires? Documents. Microscope. Drugs. Wait, he's not what you are thinking about, okay? May lisensya naman siya sa paggawa ng mga gamot." "What?! Gumagawa siya ng gamot?" tumango naman si Lindsay bilang sagot sa tanong ni Scarlet. "Shut up," hindi makapaniwalang sabi nito at sumandal sa upuan. "Wow, nakagawa na ba siya ng bagong gamot? Project ba nila ngayon iyon?" Maski ako ay hindi makapaniwala. Kung titignan, mukhang 24 years old lang si Manuel. Pero inaaral niya na ng mga ganoong bagay? Mahirap makahanap ng ganoong trabaho dito sa Pilipinas dahil hindi naman ito "in demand". Hindi ko rin madalas naririnig ang trabahong iyon. O di kaya naman ganon na lang sila kayaman at may oportunity ring naghihintay sa kaniya. Baka naman nasa lahi na nila iyon? Siguro kung iisipin ng mga ordinaryong tao, ang trabahong iyon ay matatawag lang na Scientist. Kaya pala ganon si Manuel kung tumingin, masyadong curious at mapagmasid. "Yup! Alam ko may nagawa na siya, kaso nireject dahil hindi naman daw ito makakatulong sa lipunan. Pero this week, parang may iba siyang pinagkakaabalahan." kumagat ulit siya sa pizza na hawak niya bago niya pinagpatuloy ang kaniyang kwento. "Minsan ay naitanong niya sa akin kung naniniwala daw ba ako sa sixth sense." Kapwa kami natigilan ni Scarlet nang sabihin iyon ni Lindsay. Bigla akong kinabahan, sumulyap ako kay Scarlet at nakita ko kung paano din ito tumingin sa akin. Iniwas ko agad ang tingin ko dahil baka mapansin kami ni Lindsay. Hindi pwedeng makahalata siya. "You know. Lahat ng tao ay may five senses. Seeing, hearing, feeling, smelling, speaking. But there's above that. Something na wala ang lahat, mga piling tao lang. Iyon ang paliwanag sa akin ni Manuel. Kayo ba, anong isasagot niyo?" ngumunguyang sabi ni Lindsay at binaba ang natirang pizzang hawak na ito sa box. Hindi kaagad kami nakasagot at pakiramdam ko magdududa na si Lindsay kung walang sasagot sa amin. Kaya naman sumagot na ako.  "Meron pa ring bagay na hindi maipaliwanag ng siyensya, Lindsay. Minsan may ibang tao na maniniwala kapag may pruweba. And I think I would believe a thing if I saw it or there's an evidence." And yes, I believe it. I saw it, and I can feel it. Because I have sixth senses, at hindi madaling mabuhay nang meron iyon. Hindi madaling mabuhay sa mundo na bangungot. Tumango naman sa akin si Lindsay at pinatong niya ang kaniyang dalawang siko sa lamesa habang pinapagpag ang kamay. Habang ang mukha niya ay nilagay niya sa dalawang palad niya. "Alam nyo ba ang sagot ko sa kaniya?" sabay kaming umiling ni Scarlet at hinayaan namin siya magkwento. . . "Naniniwala ako na patutunayan mo sa akin, Manuel. Make me believe." Atsaka siya tumili ng impit at biglang namula ang pisngi niya. Tinakpan niya pa ang mukha niya, nagkatinginan naman kami ni Scarlet at mukhang parehas kami ng iniisip. Kailangan naming lumayo sa kanila. Masyadong risky kung patuloy kaming didikit sa kanila. Isa pa, 'yon ang tinutukoy sa panaginip ko. Kailangan ko na talagang makausap ang kambal. Sila lang ang makakasagot kung totoo nga ang mga hinuha ko. Alam kong may gusto rin silang sabihin. Malakas ang kutob ko na tungkol ito sa university na pinapasukan namin, tungkol sa kaso ng nagpakamatay na babae. I can feel that Henry said something to them that I didn't know. . . . UNEDITED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD