P H O E X E
. . .
I can't concentrate on a thing. I was in a bedroom, but only the light of the moon lights some parts of it. The place is unfamiliar, the ambiance is not that welcoming. I was in a hotel room, I don't know how or why I am here.
And just like what I look like in my previous nightmare, I am a pure invisible. I can't move, I don't have my body. I can't speak, there is no voice to use. But I have my eyes and my brain, my conciousness. And I knew that I'm in another nightmare again.
Natigil lang ang pagiisip ko nang biglang bumukas ng pinto. Pinto pala ito ng banyo. Lumabas dito ang isang babae na basa ang buhok at may suot na malaking polo. Pinupunasan pa nito ang kaniyang buhok gamit ang tuwalyang hawak niya. But because of the poor lightning at the place, everything was not that clear. It felt like it was already shaded by black.
"It was a twin." A male voice coming from the bed surpised me. He was naked under a blanket, he rested his head on his palm while looking at the lady in front of him.
"Of course." bahagyang ngumiti ang babae at binaba na nito ang tuwalya sa malapit na lamesa sa kaniya.
"Should we kill it?" marahas na lumingon ang babae sa lalaking walang pake.
"What?!" napahawak naman siya sa kaniyang tiyan habang hindi makapaniwala sa sinabi ng lalaki.
"You know the history—No, let me rephrase that—our history. We had powers that normal people can't have, Jewel. Those children are dangerous. We don't live on our own, there are people who are not like us. We are undiscovered. Those children might expose the identity of our kinds."
Who are these people? Bakit ko napapanaginipan ito? Mangyayari ba ito pagkagising ko? Paano 'to mangyayari sa buhay ko? Masyadong pribado ang lugar, papaano ako mapupunta sa lugar na ito?
"No! This is our child! Please don't do this. I know that they are dangerous but we have us. We will protect them from them. That's our purpose! We should protect them not to kill them."
Nakita ko kung paano lumambot ang ekspresyon ng lalaki. Umupo ito mula sa pagkakahiga. Revealing it's half naked body exposed. He doesn't care at all. But my eyes were glued at the face of the guy. It was familiar, like I'd seen him before. Who is he?
"Come here, my Jewel. I won't kill them. We will protect them just like what you said."
Lumapit naman ang babae at umupo sa tabi ng lalaki. They were facing each other with full of love
"I'll reverse the time if something happen. So you should protect us, okay? I love you. Stay with her."
The vibration and a familiar ring wakes me up. As I opened my eyes, I saw myself covered with my blanket. Kumunot ang noo ko nang mapansin kong basa ang pisngi ko. Hindi naman ako tulo-laway pero bakit basa?
Kumurap ako at doon ko lang napansin na umiyak pala ako. Parang biglang lumubog ang puso ko nang mapansin ko iyon. At hindi ko alam kung bakit.
My phone is ringing but it was not an alarm. It was ringing because of a someone that was calling.
I immediately wiped the tears off when I saw 'Unknown is calling.'. Agad kong naalala ang mga pinagsasabi ko kagabi.
'That deep conversation was what couples talked about.'
'Sana all, couple.'
Agad akong umiling para mawala sa isip 'yon. Teka, bakit ba tumatawag ng isang 'to? 7 AM palang ng umaga ah.
"Oh?" pambungad kong sagot, "Bakit?
"I'm just checking you if you were already awake." pinakinggan ko ang paligid niya at napansin ko na naglalakad nanaman ito dahil sa marahang paghinga nito at ang pagtunog ng sapatos niya.
I smirked. "You succeeded. Nagising nga ako. You interrupted my dream."
"Wow, a dream. Not a nightmare?" natigilan naman ako nang sabihin iyon ni Henry. Bigla kong naalala kung anong napanaginipan ko. That can't be a nightmare, I didn't saw death. But I saw two people talking about. . .
Agad kong kinuha ang lapis at sketch book ko na nasa ilalim lang ng kama ko. I draw the man and lady talking about their future children.
"Yes, I didn't saw a person being killed in my dream nor a corpse. I didn't saw any blood on the floor, but there was two people talking in fron't of me. It was my first time to dream that was not that clear. Like it was already shaded by black." Bigla akong kinabahan sa naramdaman ko.
Alam kong may mali! Pero hindi ko alam kung ano.
"What is it?"
"It's about a couple talking about their future children." pinagpatuloy ko lang ang aking pagdradrawing habang ang isa kong kamay ay nakahawak sa aking cellphone.
"Wow, sana all, couple." I heard his chuckle
"Henry! I'm being serious here."
Sa sobrang diin ng pagkakashade ko naging maitim ang aking larawan na naiguhit. Marahas kong binaba ang lapis sa lamesa at hinawi ko ang buhok na nakaharang sa aking mukha. I bit my lower lip as I look at the picture.
I shouldn't forget about their conversation. I shouldn't.
"Ms. Eren," he called. "I will be back after two days. Just save your thoughts and memories."
My tounged clicked.
"Why?"
"I'm in Philadelphia. Just taking an exam. Should I inform them about this?"
"No, I can handle it. This time, I'll be the one informing you."
"Goodluck," he said, not focusing on his tone.
Ibinaba ko na ang aking cellphone mula sa aking tenga at agad pinindot ang end call. Habang nasa isip ko ang conversation ng dalawang tao sa aking panaginip, itinype ko sa aking memo ang napagusapan nila.
Kung hindi niya ako kayang tulungan, tutulungan ko ang sarili ko. Hindi ko sila kailangan.
***
Nasisiguro ako na malapit lang dito ang hotel na nasa panaginip ko. Hindi naman ako nahirapang maghanap dahil nagiisa lang ang hotel sa lugar namin. May pasok pero wala akong planong pumasok. Tsk hindi ko nga nagawa ang assignment na tinutukoy ni Kyle.
Habang pumapadyak ako sa aking bisikleta inalala ko ang usapan nila.
"You know the history—No, let me rephrase that—our history. We had powers that normal people can't have, Jewel. Those children are dangerous. We don't live on our own, there are people who are not like us. We are undiscovered. Those children might expose the identity of our kinds."
Hindi ko maintindihan. Kadalasan sa mga nakikita ko sa aking panaginip, puro pamahiin at kamatayan. Pero bakit ngayon, parang may ibig sabihin ang panaginip ko? Bakit ganoon kadetalyado ang mga salita at paguusap nila? Madilim at malabo ang nakita ko sa mga oras na iyon. Pero ang mga sinabi nila ay malinaw na malinaw. Kung makikita ko rin ang eksenang iyon mamaya, bakit detalyado ang mga pangyayari?
May pinaguusapan sila patungkol sa history, at malinaw na pinaguusapan nila ay ang mga katulad ko. Ibig sabihin ba noon, may pinagmulan ang pagkakaroon ng ganito? Bakit parang ayaw nila ipaalam na may taong may iba pang abilidad? Sino ang makakaalam? Kambal, kambal ang anak nila. At sinabi rin nila na delikado ang mga kambal na may kakayahang hindi makakamit ng normal na tao.
Then that means, the Silvestre twin brothers, Arius and Sirius, are dangerous?
Gaano kadelikado ang pinaguusapan nila? Bakit pakiramdam ko may malaking dahilan pa bukod sa dahilang iyon?
Nakarating na ko sa Zinarah Hotel, mahahalata na luma na ito dahil sa matamlay na ang kulay ng pintura. Pero kahit ganoon, mukha pa rin itong matibay dahil sa walang bitak ang gusali. May 14 floors ito, simple ang pagkakadisenyo ngunit may dating. Hindi rin ito masyadong kapansin-pansin at mukhang nakakatakot tumira sa loob.
Pumasok na ako sa sandaling mailock ko na ang aking bike sa parking lot. Bumungad sa akin ang matandang babae na may suot ng mga unipormeng pang-guwardiya. May puti na ang buhok niya at may wrinkles na rin ang gilid ng mata nito.
"Good morning, Ma'am."
Pinagbuksan ako nito ng pinto pero bago ako tuluyang makapunta sa receptionist area. Nilabas ko ang aking sketch book at inilipat sa pahina ng drinawing ko kanina. Nagtanong naman ako sa guwardiya na nakatingin pala sa akin. Baka sakali lang naman na alam niya ang itatanong ko, mukha namabg matagal na siyang nagtratrabaho dito.
"Excuse me po, pwede po bang magtanong?"
"Sige lang, hija."
"Meron ho bang cctv sa bawat rooms ng hotel na ito?"
"Bakit?" nagulat ako ng batuhin niya rin ang tanong ko ng isa pang tanong. Talaga nga namang kaduda-duda na magtanong ng ganoon.
"M-may gusto lang po ako malaman." sagot ko. Gusto kong malaman na dapat ako lang ang makakaalam.
"Na ano?" hindi naman siya mukhang masungit siguro dahil ganon lang siya magsalita. Pero nakakatakot pa rin.
"Kung may ganitong set-up po ng furnitures sa isang room ng hotel?" atsaka ko naman pinakita ang aking sketch. Walang mukha ang babae at ang lalaki, ito ay blanko dahil hindi ko nasinigan ang mukha nila.
Tinignan naman ng matanda ang iginuhit ko, bahagya pang sumingkit ang mata niya para makita. Biglang kumunot ang noo niya at tumingin sa akin.
"Matagal na noong pinalitan ang set up ng mga furnitures sa bawat rooms. Kada 20 years kasi ay pinapalitan ang disenyo pati na rin ang mga furnitures sa bawat rooms. Hindi na rin ganito ang designs ng aming hotel dahil nga pinalitan na."
20 years? Ibig sabihin. . . 'yung nakita ko kanina ay nakaraan?
Papaanong. . .
"Bakit mo alam 'yan, Hija? May bibisitahin ka ba?" pagtatanong nung guard.
"Opo, sana. . ." bibisitahin ko sana ang dalawang tao na nakita ko sa panaginip ko. Pero hindi ko alam kung nandito pa rin sila. Base sa narinig ko ang bawat ayos ng mga kagamitan sa isang room ay pare-pareho lang, pati ang designs. Ibig sabihin nanganak na 'yung babae. . . Kamusta na kaya ang anak nila? Buhay pa kaya sila?
Hindi ako makapaniwala na ang napanaginipan ko ay ang nakaraan at hindi ang hinaharap. Sa unang pagkakataon, nakapanaginip ako ng ganoon. Alam ko sa sarili ko na hindi iyon mula sa alaala ko, at hindi rin naman ako nagkaroon ng amnesia mula pagkabata ko. Why did I dreamed about those conversation? What is the meaning of that? If that was the past, why do I need to know about that?
"Phoexe?" nagulat naman ako noong may tumawag sa akin. Pagkalingon ko sa pinto ng hotel ay may nakita akong dalawang babae na may hawak ng mga supot ng plastics.
Bakit nandito sila Scarlet at Lindsay?
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Maggie, agad kong tinago ang sketch book ko at inilagay ito sa aking bag. Sa kabila ng pagkagulat ko sa mga nangyayari sinagot ko sila sa pinakaunang dahilan na pumasok sa isip ko.
"Bibisitahin ko sana kayo, akala ko wala kayo dito." pagsisinungaling ko. Hindi ko nga alam na dito pala nakatira sila Manuel at Lindsay. Kung nandito si Scarlet, hindi pa rin siya nakakabalik sa bahay nila? Sinabi ni Scarlet na makikituloy siya sa kanila.
"Paano mo nalamang nandito kami?" tanong naman ni Scarlet. Mukhang kakagrocery lang nila dahil sa mga plastics na hawak nila.
"Lina told me." maikling sagot ko.
"Oh, hindi ba siya bibisita? Diba may pasok kayo? It looks like you have something important that's why you visit us." naalarma naman ako ng bahagyang sumilip si Lindsay sa bag ko. Mukhang nakuha naman ni Scarlet ang nangyayari kaya agad na itong nagsalita.
"I don't think so, mukhang tinatamad lang siya." nginitian ko naman si Scarlet dahil sa sinabi nito.
"You got it. Should I help you with those bags?"
Tinulungan ko sila sa pagbubuhat at kinuha ang ilang plastics na hawak nila. Sinundan ko lang sila sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa elevator. Mabuti na lang at walang tao kaya naman pumasok na kami dito. Pinindot ni Lindsay ang 7th floor at magsasarado na sana ang pinto nang biglang may pumasok.
Nagulat ako dahil nakita ko ang kambal na biglang pumasok sa elevator. Naka school uniform sila at mukhang silang nagcutting classes. Pero hindi sila masyadong nagulat, sumulyap ako kay Scarlet at kita ko ang pagkainis sa mukha niya. Dito rin nakatira sila Arius at Sirius? Base rin sa itsura ni Lindsay ay parang madalas niya rin silang nakikita. Dahil kung ito'y unang beses, mapapatingin siya sa itsura nila.
Hindi ko maiwasang hindi kabahan hanggang sa mapagdugtong-dugtong ko na ang mga sagot.
Dito nakatira sila Arius at Sirius, dito rin nakatira ang magasawa sa panaginip ko. Ang babae ay nanganak na at ang kambal na tinutukoy sa panaginip ko ay sila Arius at Sirius. Ang dalawang tao sa panaginip ko ay matagal ng patay. Pinatay ni Epiales ang kanilang magulang.
The reason why I dreamed about that is to prevent Arius and Sirius from exposing our kind, our history. But how am I going to protect them? Why me?
What really is our history?
. . .
UNEDITED