Chapter 18. Changing

2139 Words
P  H  O  E  X  E . . . "Ang lalim naman yata ng iniisip mo?" Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa tabi ko. It was Manuel, he looks ready to leave. His black hair looks so bright on light, it sparkled. Kapansin-pansin din ang sugat niya sa kaliwang bahagi ng kaniyang labi. Where did he get those scar? "Nagaalala lang ako kay Scarlet at Lina. Mahirap magadjust sa mga ganitong sitwasyon." sabi ko at umiwas ng tingin. "You know when I first saw you, I feel like there's something dark you were hiding around us. Like there was a dark reason why you joined our little campaign." He said lighting a ciggaratte in front of me. "Is the reason I told you last night is not a dark reason?" he removed the ciggarette in his mouth and blowed a thick gray smoke in his front, avoiding me. Ngumiti siya sa akin, he pat my shoulder and put the ciggarette in his mouth again. "That's just my gut. I knew it, I was wrong all the time. Anyway, hinatid ba kayo ng kuya ni Scarlet?" he asked. Bigla naman akong kinabahan at naghinala. Mula nang makarating kami ni Scarlet dito, siya palang ang nagtanong non sa amin. "Wala akong nakitang sasakyan sa labas."  "Mabilis ring umalis 'yung kuya niya," sagot ko, I swallowed the lump in my throat. I can't be nervous, he's Scarlet's friend. "Ahh, but you didn't even told me about what happened last night when I called you." He let go of my shoulder and smoked again. He looked like he was waiting for my answer but I didn't speak. Wala akong dapat na sabihin sa kaniya. "Next time, if you really care, show it. Silence would do nothing." nagkibit balikat siya at naglakad palabas. "Let's go, they are waiting for us." nakapamulsa siyang lumabas habang hawak naman ng isa niyang kamay ang dala niyang bag. Sinundan ko lang siya, dala-dala ang bag ko. Kumunot ang noo ko at hindi ko maiwasang hindi macurious kung anong nalalaman ni Manuel. Nang makalabas kami nakita ko na nakabukas ang van, at pinapasok nila dito ang kanilang gamit. Napatingin naman ako kay Lindsay at kay Manuel. They greeted each other with a quick kiss and tight hug. Iniwas ko ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil masyado silang PDA. Pumasok na kami sa van. Pero ngayon ay katabi ko sila Maggie at Lindsay. Pinapagitnaan nila ako kaya hindi ko maenjoy ang view sa labas. Nagsimula ng umandar ang van at naakatahimik pa rin ng magbabarkada. Sumama rin si Scarlet at nagdala ng mga gamit. Sinabi nito na makikituloy siya kila Manuel at Lindsay dahil may sarili na silang bahay. Minsan nacucurious din ako sa magkasintahang iyon. Dahil sa sinabi ni Scarlet, mas lalong nagalala 'yung mga kaibigan niya kaya nagayos din ng kaniyang gamit para umalis. Napatingin ulit ako sa kaniya at nakita ko na may malalim itong iniisip. Gusto ko mang tanungin pero mukhang hindi ito ng oras para magtanong. Mabilis ngunit maingat sa pagmamaneho si Kuya Gerin. Walang nagtangkang magsalita, maski si Lina na nagising na. Mabuti na lang at nahimatay lang ito dahil sa sobrang kaba, hindi dahil sa paghyhyperventilate. Kungdi baka mamatay ito, hindi dahil sa kutsilyo, kungdi dahil sa kakapusan sa paghinga. Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti dahil buhay si Lina at hindi nangyari ang nasa panaginip ko. Can I count that for a lucky nightmare in my memory? *** Inalalayan ko si Lina na hanggang ngayon ay mabagal pa rin ng paglalakad. Ibinaba kami ni Kuya Gerin sa tapat ng apartment na tinutuluyan namin at ito kami ngayon, nagaalalayan. "Good morning! Anong nangyari sa iyo, Hija? Mukha kang pinasabugan! Haggard!" bati sa amin ng manong guard. Pinagbuksan niya kami ng pinto ng gate. Nakatingin ito kay Lina na parang nasawi. Napansin ko naman na nagiba ng ekspresyon nito at sumilay sa kaniyang mukha ng ngiti. "Bangag lang po, hahaha!" napangiti naman ako ng magawa pa nitong tumawa. Nakatayo na rin siya ng maayos pero nakikita ko pa rin sa kaniya na hindi pa rin makapaniwala. Binitawan ko na siya at hindi na inalalayan dahil nagsimula na itong maglakad patungo sa hagdan habang ako ay nakasunod lang sa kaniya. Bawat paghawak niya sa hawakan ng hagdan ay humuhugot ito ng malalim na paghinga. "Okay ka na ba?" nagaalalang tanong ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling mahimatay siya sa hagdan. Bak hindi ko siya masalo at baka bumagsak ito. Duguan! Okay, that's absurd. "Alam mo na may mahuhulog na kutsilyo doon?" tanong niya at hindi sinagot ang tanong ko. Inaasahan ko na maitatanong niya iyon, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong isasagot. "Nakita ko dahil sa pagreflect ng ilaw sa sinulid. Hindi ko talaga alam kung bakit kita binato, basta na lang gumalaw ang katawan ko. Sorry kung napalakas." pagamin ko. Iyon naman talaga ang nangyari. "Kung hindi dahil sa iyo, malamang ay patay na ako. So, thank you." pinilit nitong ngumiti, kaya napangiti din ako. "Akala ko matrautrauma ka at akala ko rin na magbrebreak down ka ulit kapag gising mo." sabi ko. Napansin ko naman na nauuna ako ng limang hakbang sa kaniya kaya naman bahagya ko siyang hinintay. "Okay ka na ba? I mean, kagabi. Sorry kung hindi naging maganda ang camping. Sana pala hindi ka na sumama." tanong sa akin ni Lina sa aking tabi habang tinititigan ko ang aking relo. Nagliliwanag na at nasa tabi ko ngayon si Lina. Buhay at masigla. She didn't die. We changed her fate. Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti habang nakatingin kay Lina. "No, don't regret it.  In that little camp night, I met so many people. That's my first time to meet a group of people. Thank you sa pagsama sa akin, naenjoy ko naman kahit papa'no." Ngumiti naman ito. Nang makarating na kami sa floor ng aming kwarto ay dumaan na kami sa hallway. "Can you handle it alone?" "I can, and I should. Ako lang ang tutulong sa sarili ko." Hindi ko maiwasang hindi mapahanga sa katapangan ni Lina. Noong nakaraan lamang ay napagbintangan at inusig ng mga pulis dahil sa krimen na nangyari sa coffee shop. At ngayon naman ang muntikan niya ng pagkamatay. Malamang ay nakakatrauma iyon, pero ito siya ngayon nagagawang ngumiti.  We bid goodbyes at each other as we swung our door's unit open. *** Unknown:Any nightmares? You:Hindi ko matandaan Unknown:See you at the coffee shop then You:Okay Sakto namang nakarating na ako sa university. Ipinarada ko ang aking bisekleta sa pinakadulo ng parking lot. Habang nilolock ko ang kadena ay muntik na akong mahagip ng kung ano. Mabuti na lamang at tumayo ako ng tuwid. Sinamaan ko naman ng tingin ang bagay na muntik ng makasagasa sa akin. At iyon, nakita ko ang kambal na nakasakay sa kanilang motor. Tumatawa pa sila habang nakatingin s direksyon ko. Sabay nilang tinanggal ang kanilang helmet. Noong gawinbnila iyon, para akong nanood sa tv dahil masyadong perfect at synchronize ang kilos nila. "Pangalawa na 'yan," I hissed. Naalala ko pa ang unang araw ng pagkikita namin. Muntik na rin nila akong masagasaan non. At gaya noong araw na iyon, tatawa rin sila. Napatigil naman ako ng mapansin parang nangyari na naman ulit ang pangyayari. Siguro dahil ganun din ang kinilos nila noong una ko silang nakita? "At may pangatlo, pangapat, panglima, panganim, pangpito, pangwalo, pangsiyam—" "AHAHAHA! Nakaharang ka kasi, Phoexe." pagputol ni Arius kay Sirius na nagbibilang na. Inirapan ko na lang sila at tuluyan ng nilock ang aking bike. Tumalikod na ako at naglakad papalayo. Mukhang nakasunod naman sila sa akin dahil naririnig ko ang hagikgik nila sa aking likuran. "Ang pangit niya umirap." kumento ni Sirius pero hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy na lang ang aking paglalakad. "Oo nga, nakakainis 'yung irap niya. Pero mas nakakatawa 'yung irap ni Scarlet, parang tumitirik na ang mata dahil sa sobrang inis sa atin! AHAHAHAHA!" Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa nakakalokong tawa ni Arius. Hindi ko naman talaga ugaling umirap kay malamang ay hindi naman masyadong halata 'yung akin. Kaya lang may pagkakataon na maiinis ka na lang at mapapairap. Pumasok na kami sa unang subject sa aking schedule. Magkaklase nga pala kami sa biology class. At ngayon nasa likuran ko sila, naghahagikgikan na akala mo nga babae. Mukhang nagugustuhan din nila ang atensyon na nakukuha nila sa aming kaklase dahil nga sa kambal sila at may itsura. Napatingin naman ako sa bakanteng upuan sa aking kaliwa. Iyon dapat ang magiging upuan ng babaeng nagpakamatay sa room 401, siya dapat ang seatmate ko. Pero ngayong wala na siya sa mundong ibabaw, wala akong kashare sa aking table. Pasalamat na lang talaga s kaniya at malaya ako sa puwestong ito. Nagpapasalamt din ako dahil sa sabi-sabing malangsa pa rin sa room na dapat Biology room namin, nalipat ang Biology class sa first floor ng building, temporarily. Narinig ko naman na tumunog ang aking phone kaya binuksan ko ito. I received a message from Nanay Berling. LolaNay Ber: Hello, Phoexe! Naasikaso ko na ang documents sa Coffee shop. Inabot ng isang linggo, jusko! Pero ngayon nagbukas na, kaya meron kang duty mamayang gabi ah. Pakisabihan na rin si Lina. Salamat! Inasikaso pala nito ang issue patungkol sa namatay na babae na nalason daw. Kahit na minsan nakakainis ang matandang ito, may sense of responsibilities naman ito at hindi nagpapabaya. Wala pa ang prof namin, kaya gamit ang lapis na nakuha ko sa aking bag ay gumuhit ako ng mukha ng tao. Hinayaan ko lang ang kamay ko sa ginagawa nito. Maya-maya pa ay nakakalikha na ako ng mukha ng lalaki. It was so perfect but I don't know who is he. Ganon lang talaga ako, hindi ko kilala ang mga drinadrawing kong portrait. Napasubsob na lang ako sa aking lamesa sa sobrang pagkabagot. Sana dalawin ulit ako ni Epiales para naman magkainteres ako sa paligid ko. Dalawang araw na simula nang nangyari kay Lina, wala akong natanggap na balita kay Scarlet o sa mga kaibigan nito. Hindi ko rin siya madalas na nakikita sa apartment. Ni hindi ko nga alam kung pumasok na ba siya. Napaismirk naman ako nang maalala ko ang huling message sa akin ni Henry. Pagkatapos talaga ng araw na 'yon, halos naging alarm clock ko na ang mga message niya. Lagi niya akong tinatanong kung may napanaginipan ako, hindi rin naman siya sumasagot sa mga follow up questions ko. Kadalasan kasi ang sinasabi ko lang ay wala, pero ngayong sinabi ko na wala akong matandaan, mukhang makikita ko ulit siya mamaya. Siguro alam niya na rin na bukas na ngayon 'yung W.U cafe kaya doon niya sinabi na magkita kami? Ano kayang reaksyon niya kapag nalaman niyang siya ang pumuputol sa mga panaginip ko? Dead face. -_- Seriously, siguro wala talaga siyang pake. Pili lang ang gusto niyang mabasa sa isip ko, wala siyang pake sa iniisip ko sa kaniya. Napatigil naman ako sa aking pagiisip tungkol kay Henry at isang katanungan ang biglang nagsink in sa utak ko. Bakit ko iniisip si Henry? Bumangon ako sa aking pagkakasubsob at tinignan ko naman ang paligid, wala pa rin yung prof namin kaya maingay pa. Unti-unti na akong naiinis kaya namn sinulyapan ko ang aking relo pero hindi ko pa ito nababasa nang may biglang pumasok sa room, ang aming prof na babae at isang estudyanteng lalaki. Nang sandaling pumasok sila hindi ko matanggal ang tingin ko sa lalaki. May parisukat itong salamin at nakaayos din ang kaniyang itim na buhok. Singkit ang mata niya na mukhang naging malaki dahil sa salamin niya. Maayos din siya kung manamit ng aming uniporme, mukha siyang matalino. "Good morning Class, This is Lawrence Kyle Ximenes. Your new classmate. Is there any vacant chair?" Wala sa sariling napatingin ako sa scratch paper na pinagdrinawing ko. Siya 'yung lalaki sa nadrawing ko kanina. Maamo ang mukha niya dito. Nakita ko na ba siya dati? Papaanong naidrawing ko siya kung ngayon ko lang siya nakita? Hindi ko rin siya napanaginipan, hindi ko maalala. Wala akong maalala na kilala ko siya. Napatingin naman ulit ako sa aking paligid at doon ko lang napansin na papunta sa katabi kong upuan 'yung lalaki. Agad kong nilukot ang scratch paper na drinawing ko at binulsa ko iyon. Nagsimula na ang klase at tahimik lang din siya sa aking tabi. Mukhang wala siyang interes sa akin at ganoon din ako. Hindi ko maibigay ang buong atensyon ko sa klase dahil hindi mawala sa isip ko ang kababalaghang nangyayari sa akin ngayon. This is not just a coincidence. I didn't had a dream today. I don't remember anything but it felt like this day had come into my life before. But what if I really had a dream last night and I forgot all about it? This is not good, I think there's going to happen today. And I'm afraid of what's going to happen. I don't remember my nightmare! Hindi ko alam kung bakit ako hindi nagsasaya ngayon, hindi ko na matandaan ang napanaginipan ko. And that's normal for a human! Natigil naman ako nang may isang palaisipan na pumasok sa isip ko. . . Am I really afraid to be normal? My life is changing. . . . . . UNEDITED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD