Chapter 19. Busy

2070 Words
P  H  O  E  X  E . . . Wala akong naintindihan sa bawat subject na pinasukan ko. Hindi ko na rin inintindi ang mga pangaasar sa akin ng kambal kahit ilang beses na nila akong kinukulit. Naging kaklase ko rin ang lalaking iyon sa isang subject at katulad noong nakita ko siya. Tahimik at walang imik lang siya sa mga taong napapatingin sa kaniya. Gusto kong maalerto kung mamatay ba ang lalaking iyon ngayong araw, pero parang hindi nakikisama ang utak ko. Pilit kong inaalala ang aking panaginip. But I see nothing, but black. Matapos ng klase ay hindi ko na ulit nakita ang lalaking iyon hanggang sa nagduty na ako sa coffee shop. Wala pa rin si Henry roon kaya mas lalo lang akong namroblema mag-isa. Mabuti na lang at nakasalubong ko si Lina noong Break time kaya nasabihan ko ito. Mukhang hindi pa rin siya nakakaget over sa nangyari sa bahay ni Scarlet. Oo at ngumingiti at tumatawa ito. Pero hindi na siya ganon kadaldal, di tulad dati. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko habang nagpupunas ako ng mga baso. Tama na nga ang pagiisip, Phoexe. Bahala na ang lalaking iyon kung mamatay man siya ngayong araw. Ano namang pake mo? Dati naman, hindi ka nagaalala kung may mamamatay. I sighed, yeah. Dati iyon, hindi na ngayon. Hindi ko alam na sa saglit na mga panahon ay magbabago ang pananaw ko sa buhay. Kung hindi lang talaga sa akin nagparamdam si Epiales o kung hindi ako kinausap ni Henry, edi sana ngayon hindi ako ganito. Edi sana ngayon, nakakapanaginip pa rin ako. Hindi ko na talaga maintindihan ang aking sarili. Dapat maging masaya ako dahil nagiging normal na ako! Dapat gumaan ang loob ko dahil sa araw na ito ay wala akong napanaginipan. Dapat wala akong iniisip ngayon kungdi kung paano ko masusurvive ang boring na araw na ito. Boring nga ba? "Nababaliw na ata ako. . ." wala sa sariling napukpok ko ang aking ulo. Kinakausap ko na nang magisa ang sarili ko. Baka hindi ako maging normal, magiging abnormal ata ako sa mga naiisip ko. Jusko, nagiging praning nanaman ako. Gusto kong mapairap sa mga naiisip ko. Hayss. "Iniisip mo pa rin ba 'yung nangyari kila Scarlet?" napalingon naman ako at nakita ko si Lina na nagkasilip sa may maliit na bintana kung saan isineserve ang mga kape. Nagtaka naman ako kaya hindi ko maiwasang hindi itagilid ang aking ulo. "Bakit mo naman nasabi iyon? Magpasalamat nga tayo at nakaligtas ka." nakita ko siya na bumuntong hininga. "Wala lang. Pakiramdam ko kasi naging pabigat ako sa inyo noong mga oras na iyon." hindi ko maipaliwanag ang itsura niya. She gave me a quick smile but her eyes were full of emotions. Binigay na nung matandang babae ang kape at inirapan pa kami nito dahil sa aming paguusap. Bago tumalikod si Lina ay nakita ko na bumuka ang bibig nito para magsalita. "b***h," she mouted when the old lady turned her back. Hindi ko na lang sila pinansin at kinuha ang tasa ng kape sa isang lamesa. Habang pinupunasan ko ang lamesa ay biglang nagring ang bell malapit sa may pinto. Senyales na merong bagong costumer. Napatingin ako doon, umaasang si Henry na pero mukhang mali iyon dahil nagtama nanaman ang aming paningin. Yung lalaking drinawing ko kanina. Nakajogging pants ito at nakat-shirt. Mukhang wala siyang planong magdine-in dito dahil sa itsura niya. Pero kahit na ganito siya manamit, mukha pa rin siyang maayos, malinis at maralino. Iyon ang pakiramdam na ibinibigay niya sa akin tuwing nakikita ko ang kaniyang itsura. Pumunta na siya sa counter kung saan naghihintay na si Lina na may ngiti sa labi, a welcome smile. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko pero ang lakas ng t***k ng puso ko dahil baka dito siya mamatay. Baka road accident, or arson? Or maybe food poison? Bahala na. Hindi dapat ako nagiisip ng kung ano-ano, dapat wala akong pake. Nang matapos na ako sa paglilinis ng mesa ay pumunta na ako sa may counter. Nilagay ko rin sa maliit na bintana ang tasa ng kape. Napansin ko naman na nawala sa counter si Lina kaya hinanap ko iyon. Nasaan na ang babaeng iyon? Sinilip ko sa maliit na bintana si Lina kung nadoon ito. Nakita ko siyang parang may hinahanap. "Ikaw 'yung seatmate ko sa biology class, diba?" napatingin naman ako sa lalaking naghihintay sa counter at nakatingin ito sa akin. Inayos niya pa ang salamin niya habang nakatingin sa akin. Tumango naman ako bilang sagot. Mabuti naalala niya ako, pangalan niya nga hindi ko na maalala. Matalino nga siya. "Nakopya mo ba 'yung assignment?" "Hindi," lutang ako sa mga oras na iyon. May assignment pala, hindi ko alam. "May partner ka na sa activity?" "Ha?" anong activity? "We're going to examine the cells of the onion root tip." "Oh." gusto kong pukpukin ang sarili ko dahil halatang hindi ako nakikinig kanina. Hindi ko alam na may ganon palang gagawin. Siguro nga hindi ako nagiging normal, malapit na akong maabno. Dumating na si Lina na may hawak na kung ano. Agad din naman akong nagkunwareng inaayos at binibilang ang mga cakes na nasold out. Which is minsan ko ring gawain dito. "Ito po ba iyon, sir?" napasulyap naman ako sa hawak ni Lina at nakita ko na may hawak siyang necklace na may pendant na hour glass. Ang ganda nito at antique rin dahil sa kulay nito na brown na nagpabigay luma sa bagay na ito. "Mabuti na lang bumalik ako. Salamat." kinuha iyon ng lalaki at sinuri niya pa ito sa pamamagitan ng paghawak ng pendant upang baliktarin ito. Doon ko lang napansin na parang may kakaiba sa buhangin sa loob ng maliit na pendant na hawak niya. May maliliit na buhangin na kulay itim, kulay abo, at kulay puti! Napakaganda! "Sa inyo po ba iyan Sir?" magalang na tanong ni Lina na mukhang naging interesado rin sa bagay na iyon. "No, my old friend originally owned this. It was left in my own hand after an incident." bigla namang nagbago ang itsura niya. Naging matamlay ang singkit nitong mata na kahit hindi ito pansin, hindi ito nakatakas sa aking mga mata. Sa pagkakataong ito, hindi ako natigilan ng mapansin ko na parang nangyari nanaman ito. Parang nakita ko ang lalaking iyon na ganon ang itsura niya. Parang nakita ko na sa aking panaginip na hawak niya ang kwintas na iyon at pinagmamasdan ang buhangin na naguunahan para makalabas sa maliit na butas patungo sa kabilang cell. "Then, it must be important to you, sir. Mabuti na lang at naitabi ko. Nakita ko na may gustong kumuha niyan mula sa lamesang iniwan niyo." Pumasok na ako sa kusina at hiniwalay na ang aking paningin sa pendant na hawak nung lalaki. Hindi na tama ang nararamdaman kong ito. Hindi na normal na parang nangyari na ito. No, this is not only dejavu. This feeling was way more far from that. Hindi ko na nakakayanan ang aking kuryosidad patungkol sa nararamdaman ko. Hindi naman ako ganito dati, simula lang noong nagkaroon ako ng interaksyon kila Henry, Epiales, Arius, Sirius at pati ni Scarlet nagkaganito na ako. May mali, at alam kong hindi na maganda ito. *** Hindi pa rin dumadating si Henry at mas lalo lang akong nafrustrate nang magsara na ang coffee shop. Habang hinihintay ko na mailock ng tuluyan ng matandang babae ang coffee shop ay kinuha ko ang cellphone ko para i-text si Henry. You: Where are you? Kailangan ko na ng kasagutan sa lalong madaling panahon. Baka may kinalaman ito kay Epiales, at kung sakali mang mabasa ni Henry sa aking utak ang nakalimutan kong panaginip. Baka malaman namin kung anong kasunod na gagawin ni Epiales. Matapos kong isend iyon ay nilapitan na ako ni Lina na magiging kasabay ko sa aking paguwi. Natakot na daw itong umuwi ng magisa o kahit magcommute. Kaya makikisabay ito sa aking paguwi. Hindi naman kami laging nagsasabay umuwi dahil kadalasan nakikita ko na pumupunta pa ito sa ibang lugar kahit na malalim na ang gabi. "'Yung matandang 'yon talaga, nakakairita! Sinabihan ba naman ako na papampam at bida-bida! Napakatsimosa talaga non! Alam niya 'yung pinagusapan namin tungkol sa naiwan ni Sir. Putek! Nangangasim ako tuwing umiirap siya." Eksaheradang humawak ito sa kaniyang noo at bahagyang minasahe ito. Mabuti na lang at nagiingay at dumadaldal siya ngayon. Sa ganoong paraan parang nabawasan ang pagiisip ko kung okay na ba siya. "Alam niya nga din ata ang pinagusapan niyo! Biruin mo, sinabihan ka rin niya ng ta-tanga-tanga! Hindi ka daw nakikinig sa klase niyo at hindi mo alam ang pinagsasabi ng lalaking iyon." napatingin naman ako sa kaniya nang madawit ako sa kwento niya. Tsk, napakatsismosa talaga ng matandang 'yon. Mukha namang palaka. Talagang nakakairita nga ang paraan ng paguutos at pagsasalita nito. Kaya pala ganito, kainis si Lina. "Lutang kasi ako sa mga oras na iyon," "Inggit lang niya kasi hindi siya ang cashier at server ng coffee shop natin. Palibhasa'y gurang na hindi na kaaya-aya sa paningin. Hindi ko talaga alam kung paano ko nakontrol at napigil ang sarili ko na huwag sagutin iyon eh." Nakinig lang ako sa mga hinaing nito sa matanda na walang ibang ginawa kungdi manlait. Pero nakakapagtaka nga dahil matamis ang mga gawa nitong cake. Dapat mapait, mapakla, at maalat iyon dahil sa ugali nitong masama. "By the way, ang ganda nung kwintas na hawak nung lalaki noh? Grabe makaold friend 'yung pagkakasabi niya. Parang galing pa iyon sa angkan ng old friend niya at naiwan iyon sa kaniya kaya ganon niya pakaingatan. Kinikilbutan nga ako sa paghawak doon. Grabe!" Muli akong napatingin kay Lina na niyayakap ang sarili habang hinahagod ang kaniyang mga braso na may nagsisitayuang buhok. "Ganon talaga, antique na kasi." maikling sabi ko. Nakarating na kami sa apartment at binati pa kami nung guard noong pinagbuksan niya kami ng pinto. Halatang inaantok at pagod na ito. Kung tutuusin kami lang ang hinihintay nito gabi-gabi bago niya tuluyang isinasarado ang gate. Pagod kong binaba ang aking bag sa mesa  at hinihintay ang pagsagot ni Henry. Ugh, naiinis na ako. Umupo ako ng saglit pero agad ding napatayo nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Unknown :I'm here outside. Kinuha ko ang susi at agad na lumabas ng apartment. Sinabihan ko na rin si Manong guard na ako na nagsasara ng gate dahil lahat ng tenants dito ay may spare key. Mukhang pagod na rin kasi si Manong kaya hinayaan ko na siyang umuwi. Katulad nga ng inaasahan ay nakaparada ang magarang kotse ni Henry. Agad akong pumasok doon at nakita ko rin agad si Henry ang nakaupo sa driver seat. Hindi ako nagsalita o binati man lang siya. He looked tired, his eyes were encircled in dark as they looked at me. Pinaandar niya na ang kotse, hindi ko alam kung saan pa kami pupunta dahil gabi na talaga. Hinayaan ko lang siya na basahin ang nasa isip ko. "Who's that Kyle?" he finally asked. "I don't know. May nakita ka bang panaginip sa isip ko?" "I've seen none." he said calmly. Napahawak ko sa mukha ko at hindi ko na alam ang gagawin. Maya-maya rin ay tumigil ang kotse sa isang 24 hours convenient store. Bumalik siya nang meron nang isang cup noodles, grapes at dalawang bote ng tubig. Binigay niya sa akin 'yung noodles, "Salamat," kahit wala ako sa mood kumain. Kinain niya na lang 'yung binili niyang fresh grapes. "You know," he started, "That's a good news though, you didn't have a nightmare for awhile." He smiled at me but I don't know if I could ever give back the same. "How about Epiales?" I asked. "Scarlet was now on her friend's protection due to what she said. Arius and Sirius were both busy on focusing on their studies." he said and munched another grapes. "Hindi naman halata," "I've been reviewing for my finals. And you didn't have any nightmares. Fortunately, Epiales became inactive. I think he's kinda busy from something. Either way, that's only my speculations." iniwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya nang marinig ko 'yon. "There isn't much thing to do at this moment but to focus on our own bussiness." "Right," pagtango ko kahit na hindi ko alam kung makakapagfocus pa ako dahil hindi ako sanay na walang bangungot. Nakaramdam ako ng disappointment sa sinabi niya, akala ko matutulungan niya akong mawala ang iniisip kong 'to pero mukhang nadagdagan pa ata dahil pareho kaming walang magawa. Inubos ko ang binigay nito sa akin at halos naubos niya na rin ang kinakain niya. Tahimik lang kaming dalawa pero ang daming pumapasok sa isip ko. Hindi rin naman nagtagal at umalis na rin kami sa lugar na 'yon. Everything felt normal, now that we're not talking about Epiales, nor heavy situation and difficult logics. It's started to get boring between us and. . . I suddenly hate being normal. . . . Unedited
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD