P H O E X E
. . .
Hindi ko alam kung saan pa kami pupunta, huminto ang sasakyan niya sa parking lot ng isang mall. Hindi ko napansin 'yon. At para naman hindi ako magmukhang nakasunod sa kaniya, sinabayan ko ang paglalakad nito.
"What now?" I asked after the revelations that he said earlier.
"I don't know." pinilit ko na hindi matawa sa sinabi niya.
"You know, I could just go home. Hindi ko naman obligasyon na samahan ka sa pupuntahan mo o hindi mo rin naman ako kailangang ihatid kaya uuwi na ako." sabi ko dahil gusto ko na talagang magpahinga. Hindi na rin kasi mawala ang kaba sa aking dibdib, hindi ko alam.
"Ihahatid na kita." he insisted.
"Hindi na, mukhang may pupuntahan ka pa."
"Do you think sinama kita rito para samahan ako?" nakikita ko na na gustong-gusto niyang tinatagilid ang ulo niya tuwing nagtatanong siya.
Parang ang cute lang, kahit pa ba na nakatitig lang ito sa akin sa paraan na magmumukha siyang creepy sa paningin ng iba.
"I supposed so. Hindi naman ako nainform na pupunta ka dito, edi sana bumaba na ako sa kotse mo."
Hindi siya sumagot at maya-maya pa ay pumasok na kami sa National Bookstore. Kumuha pa siya ng basket at pumunta sa stationery station. Nakasunod lang ako sa kaniya, napansin ko na kumuha siya ng yellow paper pad, sketch pad, bond papers at kung ano-ano pang mga papel na nakuha niya.
Kuha lang siya ng kuha at hindi man lang tinitignan kung maayos ba 'yon. I unconciously grab the brand that I usually bought for sketch pads. Pinakita ko sa mismong harap niya 'yon kaya napatingin ito sa akin.
"Mas maganda 'to," sabi ko pa, "Kung magssketch ka rin, ito ang advisable kong sketch pad. Mas madaling gumuhit, tapos kapag binura mo hindi bumabakat at madulas lang. Atsaka it's thick, compared to that one you are holding right now."
Inagaw ko ang hawak nitong sketch pad at binalik iyon sa stall. "Atsaka kapag bumibili ka, tignan mo kung anong mas maganda. Kaya nga maraming brands na pagpipilian."
"See? Ang daldal mo ngayon, kahit hindi ko naman hinihingi ang opinyon mo." nakangising sabi nito.
"Tsk, bahala ka sa buhay mo. Mayaman ka naman." I frowned and walked away.
Nagbabalak pa sana akong pumunta sa station para makabili ng sketch pencil nang maramdaman ko na bumigat ang pantog ko. Tumingin pa ako sa kung saan si Henry pero wala na siya don. Bahala na, magsi-cr lang naman ako.
Lumabas ako ng NBS at naghanap ng banyo, nagtanong pa ako sa female guard. Halos ilang minuto rin ako sa banyo bago ako naghugas ng kamay at lumabas. Napahinto pa ako dahil nakalimutan ko kung paano ako babalik sa NBS. Ang alam ko pa naman ay dulong-dulong part 'yon ng mall. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at naaliw na rin dahil sa mga nakikita ko. Napapahinto pa ako kapag may nakakakuha ng atensyon ko, usually art materials ang hinihintuan ko.
Damn, nasan na ba ako?
Napagdesisyunan ko nang magtanong, tinamad na rin ako dahil wala pa akong nakikitang guard sa paligid. Tumigil muna ako ng saglit at pinipili kung sinong tao ang pagtatanungan ko.
"Believe me, I saw her. The child who killed our parents!"
Napaatras naman ako nang may marinig akong bulungan.
"Paano ka nakakasigurado? 10 years old palang tayo noon." hinanap ko kung sino ang nag-uusap. Pagkalingon ko sa aking likuran ay nakita ko lang ang shelf ng mga art materials.
"She still have those red hair like it was natural. Nakita ko siya kanina. Hindi mo lang nakita dahil busy ka sa pagdridrive?"
Red hair? The child who killed their parents? What exactly am I witnessing? Them, talking about the red hair girl who killed their parents. Ano bang pake ko? As if namang magrerevenge sila. Duh. That's absurd. Siguro kailangan ko nang maglakad palayo.
"Wait," nagulat naman ako ng maramdaman kong nakatingin sila sa direksyon ko kaya naman kaysa magtago pa ay nagpanggap akong tumitingin sa art materials. Sht, nakita nila akong nakatingin sa kanila?
Nilibot ko ang mata ko at nagpanggap na may hinahanap. Nagulat naman ako nang maalala ko ang dalawang lalaking naguusap. Sila 'yung kambal na nakita ko kahapon, 'yung walanghiyang nakasakay sa motor na muntik na akong masagasaan at tinamaan pa ako ng helmet na dala nila. Mukhang nagulat din sila nang makita ako kaya naman agad silang umalis doon. Nakahinga ako ng maluwag at tinuon na lang ang aking pansin sa brush na nakita ko.
"Excuse me?"
"Huh?"
Lumingon ako sa aking kanan at nakita ko roon ang isang lalaki na nakasandal sa may steel shelf. He gave me a smug look and it was really annoying.
"My name is Sirius, and you are?"
Luh, mukha ba akong interesado sa kaniya? I am pretty sure that I am making a frown face right now, eyebrow arched.
Pilit akong ngumiti pero alam kong nakita niya na sarcastic 'yon. Just wanted him to know that silence means I don't care. Ayokong mapagtripan dahil mukhang game siya sa larong 'yon.
Tumalikod na lang ako at aalis na sana pero agad din akong nakaatras dahil muntik na akong mabangga sa kung sino.
"I know you heard us."
Ang akala ko pa ay nagteleport 'yung Sirius sa likod ko pero 'yung kambal niya pala 'yon. Ano bang meron sa dalawang 'to?
"Alam mo, wala naman akong pake sa narinig ko kaya bye." tinapik ko pa ang balikat niya para padaanin niya ako pero hindi.
Instead, he removed my hand on his shoulder, making a contact through our bare skin. Hindi naman gaanong kalakas ang pagkakaalis niya ng kamay ko pero parang naramdaman ko na bumigat iyon at lumamig. Bahagya pang nanginig ang tuhod ko.
What the hell?!
Hindi ko alam parang paulit-ulit kong naramdaman sa kamay ko ang maliit na pangyayaring iyon. Napapikit ako dahil bigla akong nakaramdam ng antok. Anong nangyayari sa akin?
"Sh*t, bakit mo siya hinawakan? You know you can't touch anyone without your gloves!" mariing sabi nung Sirius habang inaalalayan akong tumayo.
"I didn't meant to."
"Wow, dude. You can make someone fall asleep?" I said in exxageration although I don't know what was really happening on me. Napapikit ulit ako ng maramdaman ko ang pagkaantok. Pero nakayanan ko namang tumayo.
"You know..." hindi makapaniwala niyang sabi. Nagulat din ang kakambal niya at nagstiff ang pagkakahawak niya sa akin.
"Huh?"
Ilang minuto silang nakatitig sa akin. At sa paraang iyon ay nagising ang diwa ko. Parehas silang nakatingin sa akin at hindi ko mabasa ang nasa isip nila. Nagsisimula na akong kabahan.
Iniisip ko kung anong mali sa nasabi ko kaya ganyan ang mukha nila. Maliban na lang sa narinig ko kanina, hindi ba sila marunong makatanggap ng joke?
Was what I said wasn't a joke?
I just said that he can make someone fall asleep. . . That's only my expression. But what if that's not an expression to them?
I flinched on their stare.
"You can't tell everyone or anyone about this." The one with dark brown hair, Sirius, hissed. I winced when his grip at my forearm tightened.
"A-ano? Sinabi ko na sainyo wala akong pake sa narinig ko. Just let me go." pinilit ko na tanggalin ang kamay niya sa aking palapulsuhan pero parang may mali sa katawan niya. Hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa akin kaya kinagat ko ang aking labi para hindi sumigaw.
At sa pagkakataong ito, kinurot ko ang kaniyang kamay para masaktan siya. Pero parang ako lang ang nasaktan dahil ang tigas ng balat niya. What the heck!
"Enough, bro." nilayo naman siya nung kakambal niya at nang sandaling bitawan niya ang aking kamay ay nagviolet ang balat ko doon. Hinawakan ko iyon at hinimas para mawala ang pamumula nito. Ngayon naman ay gising na gising ako sa sakit.
"Anong nangyayari dito?" napatingin naman kami doon sa matandang babae na nakasuot ng uniform ng mga staff dito.
"Wala po. Nagtanong lang po siya kung nasaan 'yung. . ." pagdadahilan nung Arius.
"'Yung NBS po," pagtutuloy ko at ngumiti.
Kinabahan naman ako bigla dahil napatingin siya sa palapulsuhan ko. Medyo nagulat pa ako nang nakita kong hindi pa rin nawawala ang pamumula noon.
"Napa'no 'yan hija?" tanong niya kaya sumulyap ako sa kambal.
Umiling naman ako dahil hindi ko alam kung anong idadahilan ko. Lie, lie! "T-tumama lang po sa kanto, hehe." tsaka ko tinuro yung kanto ng shelf
"Mag-ingat ka sa susunod." Tumango naman ito at umalis na. Humugot muna ako ng malalim na hinga bago ako tumingin ulit sa kanila.
"Was that enough to trust me? Nagsinungaling ako para sa inyo kahit na hindi ko alam kung anong kinagagalit niyo sa akin." I hissed in low tone.
Wala silang ibang sinabi.
Ihihiwalay ko na sana ang tingin ko sa kanila nang biglang magbago ang itsura nung lalaking may itim na itim na buhok. Bigla kong nakita na nasusunog ang mukha niya at sa sandaling segundong iyon tila ba narinig ko siyang sumigaw.
Kaya naman sa sobrang gulat ko ay napatingin ulit ako sa kaniya. Pumikit ako at bumalik na ang kaniyang itsura. Guni-guni?
"M-mag-ingat kayo." paguulit ko. This time I was not irritated, it was more like a warning to them.
***
Nang makabalik ako sa NBS ay nakita ko si Henry na nakatayo sa tapat at merong nang dalang malaking paper bag.
"I was about to leave,"
"Talaga? Di ka naghintay?"
"Saan ka pumunta?"
"Nag-cr lang ako." napatingin naman ito sa palapulsuhan ko kaya napataas ang kilay niya.
"Talaga?"
"Tumama lang 'to sa kanto—"
"There's no point in lying though, I can see it." nakangiwing sabi niya at naglakad na ulit.
"Nagtanong ka pa kung naririnig mo naman sa isip ko." matabang na sabi ko at binalik ang atensyon sa king paglalakad.
"I just love to observe human's loyalty and trust."
"Sinungaling ako at di loyal kaya iuwi mo na lang ako sa unit ko."
Nakarating rin naman agad kami sa kotse nito, nilagay niya sa likod ang mga binili niya at umalis na kami sa mall na 'yon.
Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang nangyari kanina. Hindi ko napansin na kanina ko pa pala hawak ang palapulsuhan ko habang dinadama ang pagkamanhid non.
"Spill it out." I heaved a deep sigh.
"Wala."
Hindi rin naman nagtagal ay nakabalik na kami sa tapat ng apartment ko.
"Salamat sa paghatid." hindi ko na hinintay ang pagsagot niya at lumabas na. Narinig ko na sumabay rin siya sa pagbaba kaya naman tumingin ako pabalik.
"Oh," napatingin naman ako sa paper bag na parang inaabot niya sa akin. 'yung paper bag ng mga binili niya kanina.
"Anong meron diyan?"
"Sketch pad,"
"Anong ginagawa mo?"
"Giving it to you," I frowned at him.
"Patawa ka talaga noh? Pera mo 'yan."
Nagkibit balikat na lang siya sa akin. I pushed it away from me. We're not even friends para ibigay niya sa akin 'yon. Dapat nga ay binigay niya na lang sa akin 'yung bag ko, pero nilibre niya pa ako ng pagkain sa restaurant na 'yon tapos ibibigay niya sa akin 'yon? Hell dude, that's romantic.
"Umuwi ka na lang," sabi ko at tumalikod. Binuksan ko mag-isa ang stainless na pinto at hindi na kumatok pa.
'Anytime, Ms. Eren.'
Hindi ko pa tuluyang nasasara 'yung gate nang marinig ko 'yon sa isip ko. Dali-dali akong lumingon pabalik at pinigilan ang gate.
"Was that you?!" sigaw ko pabalik at tinuro pa ang sintido ko.
"Secret." tipid itong ngumiti bago pumasok sa magara niyang kotse.
"Hoy!" I tried to call but his car already moved away.
I pursed my lips before shaking my head. He really is my kidnapper.
Natatandaan ko na ang boses niya, siya rin 'yung narinig ko sa isip ko noong hinila niya ako sa madilim na eskinita. That 'Don't move, lady.' words that I heard that night was probably him. Hindi man lang niya sinabi na kaya niyang makarinig ng iniisip ng tao at makipag-usap sa isip ko. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon pero mas lalo lang akong nacurious sa buhay niya.
***
Halos magdidilim na rin nang makauwi ako sa mismong unit ko. Binuksan ko ang t.v. para manood pero habang naglilipat-lipat ako ng channel ay napatigil ako nang makita ko ang Breaking News.
Ang unang nagproseso sa isip ko ay ang nasusunog na lugar. 'Yong supermarket na pinuntahan ko kahapon, it was currently burning right now. Nakinig lang ako sa balita at nakumpirma ang mismong lugar dahil sa reporter. Halos magulo ang video at maingay kaya nairita na ako atsaka ni-mute ang t.v.
Naalala ko ang napanaginipan ko, napasandal ko sa sofa dahil doon. Mabuti na lang, inuwi na agad ako ni Henry. Ayokong masangkot don. Bigla namang pumasok sa isip ko ang itsura nila Sirius atsaka nung kambal niya, were they also a victim on that fire?
Well, atleast, namatay sila nang walang nakakaalam ng sikreto nila bukod sa akin.
Sakto namang tumunog ang cellphone ko sa aking tabi, Unknown is calling. . .
Sinagot ko agad 'yon at umubo para hindi ako magmukhang kinakabahan.
"I'll pick you up at 6AM tomorrow." Henry immediately said that almost makes me choke on my own saliva.
"Luh, ano ba kita?" diretsang tanong ko
Narinig ko ang mababang pag-tawa nito dahil sa sinabi ko. "Seryoso 'yon."
Then he immediately hang up, I cursed at myself then dialed his number again. Pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko, inis akong nagtipak sa cellphone ko para magsend ng text sa kaniya.
You:Ang aga non, tulog pa ako.
Seen
You:bakit ba?
You:Kapag di ka sumagot, di talaga ako magigising
You: Hoy
Unknown:Matulog ka na
You:Tsk, di ka sana makatulog
. . .
UNEDITED