P H O E X E
. . .
Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Pero nang idilat ko ang mata ko ay puno ang una kong nakita. Bigla ko namang naalala kung anong nangyari kaya tinignan ko ang paligid ko. Nakasandal ako sa malaking bato. Napakapa naman ako sa dibdib ko ng wala akong maramdaman na sakit dito. Tinignan ko ang dibdib ko at may bahid ng dugo ang damit na suot ko. Wala na ang sugat, paano nangyari. . .
"Gising ka na pala," napatalon ako sa gulat ng may magsalita sa bandang kaliwa ko. Pero mas nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang nagsalita.
"Scarlet?" she's alive? Tumayo naman ako at sinilip ko ang malaking bato, meron pa ring dugo doon. Dugo ni Scarlet. Pero paanong buhay pa siya?
"Hi." walang ganang sabi niya, nakaupo siya sa tabi ng malaking bato habang hawak hawak ang kanang braso niya. Meron pa ring dugo sa may noo niya at hindi ko alam kung patay na ako o nanaginip lang.
Siguro nga patay na ako, hindi ko na nararamdaman ang sakit at buhay si Scarlet. Hindi ko pa rin maintindihan.
"We're dead, right?" hindi makapaniwalang sabi ko habang nilalapitan ko siya. Napansin ko naman na parang may mali sa braso niya. Doon ko lang naalala na, nabali pala ito ng ihagis siya ni Epiales.
Ngumiti naman siya sa akin atsaka tumingin sa malayo. Gabi na rin at madilim na sa lugar pero mabuti na lang at nasisinagan ng buwan ang kinatatayuan namin. "Sana nga namatay na lang tayo para hindi na natin nararamdaman ito."
Napatingin naman ako sa kaniya dahil biglang naging malungkot ang expression niya.
"Anong nangyari? Kilala mo si Epiales?" bigla kong natanong.
"I didn't know him. Pero kagabi ay sumugod siya sa kwarto ko at mabuti na lang at nanlaban pa ako. Nagtaka ako nang makita kong kamukha ko siya. At nagulat naman siya nang makita niya ang dugo ko... I wonder what it felt like when you're dead." kwento niya umupo ako ng dahan-dahan sa tabi niya. At kahit na ang dumi na namin ay ang ganda pa rin niya. Nangingibabaw pa rin ang pula niyang buhok.
"Yeah, it feels good. We're dead." natawa naman ako dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sa amin at nakakapagusap pa kami.
Napatingin naman siya sa akin atsaka umiling. "We're not dead. I healed your wound. Mabuti na lang at hindi masyadong malalim ang sugat mo."
Nagulat naman ako nang sabihin niya iyon. Heal me? Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Your head is bleeding, you spit blood. How come you're still alive and managed to save me?" naguguluhan kong tanong
Humugot muna siya ng malalim na paghinga atsaka ako sinagot. "My own blood heals my own wound. It closes my wound so fast and it was not normal, right? As long as my heart is still pumping, I can heal myself. Unfortunately, I can't heal a fracture. Damn, that person is really strong."
Hindi naman ako nakasagot sa sinasabi niya. It was just like Sirius but they have differences. Kay Sirius ay nakikita niya ang sugat niya pero hindi iyon nakikita ng ibang tao. So it takes time to heal. Pero kay Scarlet ay ilang segundo lang ay bumabalik ulit sa dati ang balat niya.
"How did you save me?" naiintriga kong tanong.
"I put three droplets of my blood in your wound and it encloses. Hindi ko alam na ganon rin pala ang ang epekto ng dugo ko sa iba. I don't know the science behind it. I still didn't know why it happen."
Natahimik naman ako ng sabihin niya iyon. Ilang minuto ang lumipas na katahimikan ang bumabalot sa pagitan naming dalawa.
Bigla naman kaming nakarinig ng paggalaw sa likuran namin kaya tumayo ako, pati na rin si Scarlet. Pero halatang nahihirapan siya dahil sa bali niya sa kamay.
Nang tumayo kami ay may nakita akong dalawang lalaki na nasa harap na namin. Naging alerto naman si Scarlet at ilalabas na sana niya ang dugo niya nang pigilan ko siya.
Tinalikuran ko si Scarlet at humarap kila Arius at Sirius na blanko na ang mga mata.
Narinig ko sa kanila na pinatay ng batang pula ang buhok ang magulang nila. Hindi ko pa alam kung anong gagawin nila kung sakaling makita na nila ang hinahanap nila pero masama ang kutob ko dito.
"Arius, Sirius, she's not—"
"Rest, Phoexe. We know that you're still hurt. And we thought that the girl is already dead. It's a miracle she's still alive." kinilabutan ako dahil sa narinig ko kay Sirius. His voice is so cold.
"A miracle that won't last." sabi ni Arius at mukhang handa na silang patayin si Scarlet
"Stop! You can't kill her!" sigaw ko sa kanila at nakita ko na nagbago ang expression nila. Mas lalo lang akong natakot sa itsura.
Pero kumunot ang noo ko noong sabay silang tumawa. Baliw. May sinabi ba akong nakakatawa? Ngayon ko lang sila nakita na gano'n tumawa kaya hindi ako sanay sa mga nakikita ko.
"We're not going to kill her. We're just going to bring her to Mr. Walter. Hahahaha! 'yung mukha niya talaga nakakatawa. Akala mo nakakita ulit ng kamatayan eh." natatawang sabi ni Arius, mas lalo pang kumunot ang noo ko dahil ngayon ko lang siya nakita na ganito kalakas tumawa.
But I know that he's still the Arius that I met. He simply insulted me! I crossed my arms.
"Why would you bring her to Mr. Walter? Is Mr. Walter a doctor?" tanong ko sa kanila ng nakataas ang kilay.
"Yes, that's his expertise." sabi ni Sirius at pinuntahan si Scarlet sa likod ko na nakaupo ulit. Mukhang pagod na pagod siya. Inangat naman ni Scarlet ang tingin niya kay Sirius at nakita ko namang ngumiti ito.
Umupo si Sirius para magkalebel lang sila.
"Hello, Scarlet." bati niya sa kaniya pero tahimik lang si Scarlet "Can you stand?"
Tumayo na lang si Scarlet at naglakad pero stiff pa rin ng kanang kamay niya at halatang nahihirapan siya.
"I'm okay, I don't need to see a doctor. I don't want them to see me." umiwas ng tingin si Scarlet at naglakad ulit papunta sa direksyon ng bahay niya. Pero bago pa siya makalayo ay hinawakan na siya ni Arius.
"Don't worry, Mr. Walter is a friend. And she's not going to be afraid of you."
Bigla siyang bumagsak pero buti na lang at sinalo siya ni Arius at binuhat ito. Nakadilat pa rin ang mata ni Scarlet pero pumipikit-pikit na rin ito. She's confused. Pero ilang segundo rin ay pumikit na siya.
"Careful not touch her right arm. She has a broken arm." sabi ko at nilapitan ko sila.
***
Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ay nakita ko na ang kotse ni Mr. Walter. Binuksan ni Sirius ang pangalawang pinto at nilagay nila doon ng dahan dahan si Scarlet. Pumasok na sila doon at nagulat ako nang bumukas ang unang pinto at nakita kong walang nakaupo doon.
"Hello, Ms. Eren. Please get in. We're in a hurry." sumakay naman ako sa passenger seat at doon ko lang napansin na wala dito si Henry.
Nang makasakay na ako ay pinaandar na ni Mr. Walter ang kotse. Tahimik lang kami hanggang sa hindi ko na nakayananang magtanong.
"Where's Henry?" sumulyap naman si Mr. Walter ng magtanong ako.
"He's trying to find Epiales' mind. Mr. Henry is not in a good mood, that's why he's not here." sagot ni Mr. Walter. Hindi ko naman tinanong kung bakit wala siya dito, hindi ko alam kay Mr. Walter kung bakit niya pa sinabi iyon. As if I had care.
Hindi na rin nagtagal ay huminto kami sa isang mansyon. Bumukas ang gate nito at pumasok ang kotse sa loob ng mansion. Isang mansion na kasing laki ng isang mall. It looks so plain, at mukhang mamahalin din ang mga gatewalls na ginamit dito. But the thing is, it didn't have any lights in front or even in the gate. Namangha naman ako dahil ganito talaga sila kayaman. Parang hindi kapani-paniwala na makakita ng ganito. Wala talaga sa itsura ni Henry na tumitira siya dito. Ngayon ko lang ulit ito napagmasdan dahil pre-occupied ako nang una akong pumunta rito.
Noong huminto na ang kotse ay bumaba na kami. Habang si Arius ay buhat-buhat si Scarlet. Sa huling pagkakataon ay tinignan ko ulit ang mataas na mansion. Ang ganda nito kaso gabi na at hindi rin nakabukas ang ilaw. Kaya naman nagmukha siyang haunted mansion.
"Follow me," sumunod naman kami kay Mr. Walter habang siya ay pumunta sa may gilid ng mansion. Doon ko lang napansin na may pinto doon.
Spooky...
****
Ang pagiging tahimik ni Henry ang pinakadelikado sa lahat. Nakakunot ang noo nito habang magkakadikit ang mga daliri, para siyang gumagawa ng triangle sa kamay niya. Nasa isang room kami na merong bilog na lamesa at limang upuan. Hindi ko alam pero nararamdaman ko ang tension sa katahimikan na bumabalot sa aming apat.
Si Scarlet ay nasa room ni Mr. Walter at ginagamot siya ngayon nito. Nasilip ko ang kwartong iyon at maraming mga aparatus at equipments tungkol sa paggamot doon. Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita tungkol kay Scarlet.
Pagkatapos non ay pinapunta kaming lahat ni Henry sa room na ito. Napakaplain lang ng room. Pero may maliit na chandelier sa gitna ng kisame na nagbibigay liwanag sa walang kabinta-bitanang kwarto.
"Para saan ang lahat ng ito?" pagsisimula kong tanong kay Henry. Bigla naman siyang tumitig sa kin kaya napataas ng kilay ko.
He's reading my mind again. Kaya naman napairap ako at inalala ang nangyari.
Inalala ko ang paguusap namin ni Epiales at kinikilabutan pa rin ako at hindi mapakali. I almost died at buti na lang hindi nangyari iyon.
Matapos ng ilang minutong pagtitig sa akin ay nagsalita na siya.
"Tsk," magkasalubong ang kilay nito. Ramdam ko ang galit niya but he maintain his expression.
Sumandal naman ako sa upuan at nagcross arm. Hinihintay kung ano pang sasabihin niya. Si Sirius naman nakapangalumbaba na sa mesa at tinatap ang daliri dito. Habang si Arius ay nakasandal sa upuan at meron bimpo sa mukha, mukhang natutulog siya.
"Kailangan na naming bumalik ni Scarlet sa kanila. Baka nagaalala na sila—"
"I told you to inform me," dahan-dahang lumingon sa akin si Henry. Naramdaman ko ang takot dahil masyadong kalmado ang boses niya. Beneath those calm eyes is a dark thoughts and emotions.
"Sinabi ko naman,"
"Yes, but you texted right exactly on time! You didn't even gave me time to consider it. Why did you hesitated to tell me?" nakakunot na ngayon ang noo niya sa akin.
"I didn't hesitated, nakalimutan ko lang na sabihin sa'yo."
"So you've decided to text me kung saan magagahol na?" hindi ako nakasagot sa sinabi niya.
Kasalanan ko ba?
"Yes," he said after he read my mind.
"Pero kung wala ako roon, hindi ko makikita si Epiales. He can do illusions! He can immitate someone. He even immitated you—"
"I didn't tell you that you shouldn't go there. What I mean was that you shouldn't do something that you know that is out of your control."
Iniwas ko ang tingin ko, ngayon na lang ulit ako nakarinig ng sermon. Mukha naman talagang galit siya sa'kin pero hindi ko inaakalang nanenermon pala siya.
"Can't we just talk about that Epiales than this?" Arius suddenly interfere on our conversation. Napatingin ako sa kanilang dalawa na bored na bored na sa amin.
"You also got a letter from him?" I asked, perplexed.
"No," Henry answered, "Epiales admitted to them that he killed their parents. No offense on what I am saying, I'm just stating the fact."
Tumango naman ang kambal. Siguro sa mga oras na 'to ay may nabasa si Henry sa isip nilang dalawa, kaya niya nasabi iyon. Katulad na lang kung paano niya basahin ang nasa isip ko. Mukhang alam niya ang lahat ng mga pangyayari kahit wala siya roon. Habang nakatingin ako sa kanila ay hindi mawala sa isip ko ang galit nilang mukha.
"What are you planning?" I asked again
"We want him to pay. He killed our parents," Sirius said.
"Yeah, and I think that woman were on our side, because he used her feature to kill our parents." Arius countered
"I could help you, a thankful for what I pleased you to do this day." I looked at Henry who are now calm in his seat. What did he plead to them?
"There's a possibility that she would really help us to find that man. I mean, she owes you right now for fixing her broken arm."
"We could just lay a trap like what Phoexe did."
"Yeah, a bait to catch him."
"I could provide anything. But we need to think about this."
Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila habang naguusap sila. I see something odd and I cannot tolerate being in this kind of situation. It's blackmailing. . .
"You know, I'm out of this." I said as I stand up. They all both looked at me.
"I don't really care if you catch that Epiales. And I really didn't agree to this. All I know was that Henry would inform me about him. I did not agree to take an action." tahimik lang sila habang nakatingin sa akin.
"I am really thankful that you saved us but you cannot blackmail me for doing something wrong." umatras na ako para umalis sa kwartong 'yon.
It felt wrong.
"I'm sorry but I couldn't help you."
. . .
Unedited