Caleb
I hate this! I don't want to do this. But I don't have a choice. I have to do this for the sake of the company. For the sake of my family.
Even if it means I have to hurt her.
My chest hurt just thinking about harming her and making her cry.
I sighed, bago ako bumaba ng eroplano.
This is it. I have already arrived here in the Philippines, with the excitement of seeing her but with a heavy heart at the same time.
Hindi ganito ang plinano ko. Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Biglang nagulo ang lahat.
Ngayon, nasa isang sitwasyon ako na kahit sa panaginip hindi ko pinangarap na mangyari.
Pero kailangan ko'ng gawin. Kahit pati ako masasaktan. Wala ng atrasan 'to. Kailangan ko'ng mag-sakripisyo.
I really have to do this.
Sana lang after this mapatawad niya pa rin ako. And I'm hoping that maybe someday may chance pa rin kami.
Eucha
Ano ba ang mayroon sa araw na 'to? Bakit pakiramdam ko, may mangyayari. Pero hindi ko alam kung ano.
Hindi ko rin alam kung positive o negative ang nararamdaman ko'ng kaba.
Basta ang lakas ng t***k ng puso ko. At hindi mawala ang kaba sa dibdib ko, mula pa paggising ko kaninang umaga.
Sana naman positive 'to 'di ba?
"Eucha, ikaw na lang ang makipag- meet sa supplier ngayon please... Ang sama talaga ng pakiramdam ko, eh." Pagmamakaawa ni Gab sa akin. Nag-puppy eyes pa ang loka.
Maaawa ba ako sa kaniya? Sa pagkakatanda ko kasi, 'nung araw na tinamad ako'ng makipag-meet sa supplier, hindi niya ako pinagbigyan, eh.
"Pagbigyan mo na siya. Sa favorite coffee shop mo naman makikipag-meeting 'yung supplier, eh," pangungumbinsi rin ni Enzo sa akin.
"Tsk! Sige magkampihan pa kayo. Ano'ng laban ko 'di ba? Dalawa kayo, eh. Mag-isa lang ako." Nakasimangot na reklamo ko sa kanila.
Ito na siguro 'yung ibig sabihin ng kaba na nararamdaman ko. Pagkakaisahan ako ng dalawa na 'to.
"Alam ko naman na hindi mo ako matitiis, eh. Alam mo namang may dysmenoria ako 'di ba?" Naka-pout na kumapit pa si Gab sa braso ko.
"Oo na! Pasalamat ka mahal kita, noh." Kunwaring napipilitan kong pagpayag.
"Asus! Ang sabihin mo. Libre ang kape at blueberry cheesecake mo today. Galante pa namang manlibre 'yung supplier na 'yon," wika ni Enzo.
"Pumayag na nga ako 'di ba? Kapag kayo nag-date humanda kayo sa akin." Banta ko sa kanila habang nag-aayos ako para makagora na.
"Paano kami magde-date? Eh, halos hindi na nga makatayo ang babe ko sa sakit ng tiyan niya, no," pagrarason pa ni Enzo.
"Tse! Puson ang masakit sa akin hindi tiyan, noh!" Sabay irap ni Gab sa boyfriend niya.
"Isang kiss ko lang babe mawawala na 'yan." Sabay kindat ni Enzo kay Gab.
"Kaumay, ah! D'yan na nga kayo." Binitbit ko na ang bag ko saka nilayasan ang dalawa. Bahala silang maglambingan.
My favorite frappe and blueberry cheesecake, here I come!
Excited ako na pumara ng jeep papunta sa sakayan ng fx na papunta naman sa coffee shop na meeting place namin ng supplier.
At thank you sa frappuchino at blueberry cheesecake. Nawala sa isip ko 'yung kakaibang nararamdaman ko.
Okay naman ang meeting namin ng supplier. Nagkasundo kami sa demand ng isat-isa.
Isa sa natutunan ko about business, dapat marunong kang makisama, mahaba ang pasensya mo at pang-unawa mo. Para magkasundo kayo ng mga business partners mo and etc.
Pabalik na ako ng shop ng mag-ring ang phone ko.
Enzo calling...
Ano naman kayang kailangan ng bestfriend ko?
"Yeoboseyo?..." Tanong ko in korean accent.
"Woah! Who are you? Hindi korean ang bestfriend ko," pang-aasar ni Enzo sa kabilang linya.
"Tse! Ano na naman ang kailangan mo? Pabalik na ako d'yan." Pagsusungit ko pa kay Enzo.
"Dumaan ka muna sa park. Doon sa may fountain. May makikipag-meet sa'yo," utos ni Enzo sa akin. Ano na naman ang trip nito?
"Ayoko. Pabalik na ako d'yan." I said to him. Hindi ako uto-uto, noh.
"C'mon, Eucha! This is not a joke. Importanteng tao 'yung ka-meet mo roon. Ite-text ko na lang sa'yo 'yung description niya okay? Naghinhintay siya roon kaya pumunta ka na, okay? Bye!" Saka ito nawala sa linya. Hindi man lang ako hinintay makasagot.
"Hello?... Enzo? Enzo! Binabaan ako? Asar naman, eh! Ano'ng gagawin ko ngayon? Pupunta ba ko?" Inis na ibinalik ko sa bag ko ang cellphone ko.
No choice na ako kung hindi ang pumunta sa park malapit sa shop namin.
Hindi naman siguro ako ipapahamak ng bestfriend ko. Pagabi na pa naman.
Sumakay na ako ng jeep. At habang palapit sa park. Lumalakas ang t***k ng puso ko. Bakit ba ako kinakabahan ng ganito? Ano'ng mayroon?
'Nung nakababa na ako ng jeep saka tumunog ang cellphone ko. Binasa ko ang text ni Enzo.
Lumapit ka sa may fountain. He is wearing white polo na blue ang collar. Then naka-pants siya na kulay beige or cream.
Napatingin ako sa suot ko. Ayos, ah. Pareho kami ng kulay ng damit. At wait! Lalaki ang imi-meet ko?
Kinakabahang naglakad ako papunta sa may fountain. Nang malapit na ako, may nakita ako na lalaking nakatalikod. Matangkad ito tulad ni...
Teka! Parang pamilyar siya, ah. Pero hindi, eh. Imposible.
Napigilan ko ang paghinga ko nang makita ko na unti-unti siyang humarap sa kinaroroonan ko.
Oh-my-geeh. Is this for real?
Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyan na siyang makaharap sa akin.
Totoo ba 'to? He's here? In front of me? Hindi ba ako nananaginip?
Ngumiti siya at unti-unting lumakad palapit sa akin.
Can someone slap me in the face right now? Para masiguro ko na hindi ito isang panaginip. Na totoo nga na nandito siya ngayon sa harapan ko.
"C-caleb..." Tulala at nabubulol na sambit ko sa pangalan niya nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Face to face.
"Yeah. It's me. Girlfriend." Nakangiti niyang tugon. Na halos makapagpahimatay sa akin.
Totoo nga. Nandito nga talaga siya sa harapan ko ngayon.
Caleb is here.
Nandito siya sa Pilipinas. Sa harapan ko mismo. At hindi ako nananaginip.