Caleb
"Caleb..." Tulala na sambit ni Eucha sa pangalan ko.
"Yeah. It's me. Girlfriend." Nakangiti kong sagot sa kaniya.
Her reaction is priceless. As well as what I'm feeling right now.
After 5 months, nakita ko na ulit siya sa wakas in person.
Sa wakas, nandito na siya sa harapan ko ngayon.
"Caleb! It's you!" Bigla siyang yumakap sa akin.
I was about to say something nang maramdaman ko ang pag-ugoy ng balikat niya. At naramdaman ko na basa na ang damit ko. Umiiyak siya.
"Hey! Hindi ako nagbiyahe ng 14 hours para paiyakin ka." Nga ba caleb? Kontra ng konsensya ko.
"Nakakainis ka! Bakit hindi mo sinabi na darating ka?" She said in between her sobs.
"Hindi na surprise kung sinabi ko sa'yo." Sabi ko habang hinihagod ko ang likod niya. "I really miss you, crybaby."
"Mas miss kita, noh!" Humihikbi pa rin na sabi niya.
"Talaga? Miss mo ko? Dapat masaya ka kasi nandito na ko. Eh, bakit ka umiiyak?" Yakap ko pa rin siya.
"Tears of joy 'to. I'm so happy to see you," Eucha said to me, na ikinangiti ko.
"Mas masaya ko. Tahan na. Baka sabihin ng mga tao pinaiyak kita. Smile ka na." Iniharap ko siya sa akin.
"Totoo ka ba talaga? Hindi ka panaginip? Patingin nga." Sabay pisil niya sa magkabilang pisngi ko.
"Ouch! Masakit yon, ah." Reklamo ko sa kaniya pero nakangiti ako.
"Totoo ka nga," naiiyak na naman na sambit niya.
"Hey! Stop crying." Pinunasan ko ng kamay ko ang mga luha niya.
"I can't believe this. Akala ko ba busy ka?" Tanong niya sa akin.
"Yeah. But I really have to be with you. I miss you. Happy monthsarry? Kahit late na." Nakangiti na sabi ko.
"Okay lang. This is the best monthsarry gift ever! Happy 5th monthsarry!" She said, sabay yakap ulit sa akin.
"Happy 5th monthsarry. I love you. So, let's celebrate?" I asked while hugging her back.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin."Hindi ka muna magpapahinga? Wala ka bang jetlag? Ano'ng oras ka ba dumating?" Worried na tanong ni Eucha.
"3 hours ago. Kinontak ko agad si Enzo. Don't worry I'm okay. Mamaya na ako magpapahinga pagbalik ko sa hotel. Sulitin muna natin ang araw na 'to." I said, smilling at her.
"Sige. Gusto mo'ng kumain? May alam ako'ng the best na kainan." Nakangiti na rin na sabi ni Eucha. I miss that smile of hers.
"Dahil nasa Pilipinas ako, ikaw ang tourguide ko," I said.
"Sige ba! Tara, ililigaw kita." She said, then laughed. And I miss that laugh also.
"Kahit iligaw mo ako, I will still find my way back to you." Hinawakan ko ang kamay niya.
"Yuck! Ang corny. Pero kinilig ako." Sabay tawa na naman niya." Tara! Gutom na rin ako, eh."
"Sa kilig?" Asar ko sa kaniya.
"Sa kilig, sa kaba kanina at sa sobrang saya. Kasi kasama na kita ngayon." She said, smilling while looking at me.
Yeah. She look so happy right now. And I feel the same way.
Sana nga ganito na lang lagi. Sana hindi na dumating 'yung oras na masasaktan ko siya.
Sa ngayon, kakalimutan ko muna ang mga bagay na gumugulo at nagpapahirap sa akin.
Susulitin ko muna ang mga oras, minuto at segundo na masaya kami ni Eucha.
Na kasama ko pa siya...
Eucha
I feel so happy right now.
Akalain niyo 'yon? Kaya pala ako kinakabahan kasi may mangyayari nga talaga.
And it's positive! Caleb is here! He surprised me. And kakutsaba niya ang best friend ko na si Enzo. Naisahan nila ako, ha.
Pero okay lang 'yon. Kasi ngayon, kasama ko na siya. 'Yung 5 months na pagka-miss at pangungulila ko sa kaniya bawing-bawi na. At sisiguraduhin ko na bawat oras, minuto at segundo na magkasama kami ay magiging memorable pareho sa amin.
Susulitin ko 'yung pagbawi sa 5 months na pagka-miss ko sa kaniya.
Dinala ko siya sa fave ko na kainan.
"Masarap ang mga pagkain dito. At specialty nila ang Filipino Cuisine." Masigla kong sabi sa kaniya pagkapasok namin sa restaurant.
"Maraming tao. Mukha ngang masarap ang mga pagkain dito. Tamang-tama na-miss ko ang Filipino dishes." Wika ni Caleb. Ipinaghila niya ako ng upuan.
"Salamat." Nakangiti kong sabi sa kaniya."Order na tayo?"
"Sige." Nakangiting tumango si Caleb sa akin.
Inabot ng waiter ang menu at nagsimula na kaming pumili ng pagkain.
While waiting for our order, nagkwentuhan muna kami. Pansin ko lang parang iniiwasan niyang pag-usapan ang company nila. Siguro masyado na siyang na-toxic kaya gusto niya munang isantabi 'yon. Sabagay araw namin 'to. Habang nandito siya sa Pilipinas, ako lang dapat ang isipin niya.
Mukha namang nag-enjoy siya sa pagkain. At mas lalo ako. Kasi kasabay ko siyang kumain.
After naming mag-dinner naglakad-lakad muna kami sa park. Saka niya ako inihatid sa boutique.
"Nandito na tayo. Charan! Welcome sa aming botique." Masayang sabi ko habang binubuksan ang pinto ng shop.
"Wow. Mas maganda nga sa personal. Congrats sa inyo ni Gab. And I'm happy for you. Pangarap mo 'to 'di ba?" Caleb said, smilling while holding my hand.
"Yeah. Thank you. Tara sa office nandoon 'yung dalawa." Hinila ko na siya papasok at nagtuloy kami sa opisina namin ni Gab.
"Welcome to the Philippines, Caleb!" Magkasabay na sigaw nina Gab at Enzo. Sabay saboy ng confetti kay Caleb at siyempre damay ako.
Huh? Saan nila kinuha 'to?
"Thank you, guys," Nakangiti na sabi ni Caleb sa dalawa.
"So, how's the date?" Gab asked.
"Masaya. Marami kaming nakain siyempre!" Pagbibida ko.
"Ang takaw mo talaga, best friend. Baka ma-turn off sa'yo niyan si Caleb," pang-aasar naman ni Enzo.
"Tse! May atraso pa kayo sa akin, ha. Pinag-kaisahan niyo ako." Naka-pout na reklamo ko sa kanila.
"Idea 'yon ni Caleb, noh. Tinulungan lang namin siya para masorpresa ka," paliwanag ni Gab.
"Actually guys, worth it nga, eh. Because her reaction is priceless." Pang-asar ang ngiti na sabi ni Caleb.
"Heh! Isa ka pa." Sabay mahina kong hampas sa braso niya.
"Asus! Kunwari ka pa. Eh, hindi nga maalis 'yang ngiti sa mukha mo, eh," pang-aasar pa rin ni Enzo.
"Heh! Pero nasaan ang pasalubong namin, ha?" Ngayon ko lang naalala ang tungkol doon, ah. Nalibang ako kanina.
"Ikaw talaga. Don't worry may pasalubong ako sa inyo. Nasa hotel. Bukas ko na lang dadalhin," saad ni Caleb.
"Wow. So, magkikita ulit kayo bukas?" Gab asked.
"Araw-araw. Habang nandito ako sa Pilipinas," tugon naman ni Caleb.
And I love it!
"E, 'di kayo na na-miss ang isat-isa. Late na magsara na kayo. Ihahatid ka na namin, Eucha. Tapos idadaan na rin namin sa hotel si caleb," volunteer ni Enzo.
"No, guys magta-taxi na lang ako." Tutol ni Caleb.
"Wag. Delikado, noh. Late na kasi. Ihahatid ka na lang nila Enzo." Giit ko naman. Mahirap na baka mapahamak pa siya.
"Hindi papayag si Eucha. Kaya pumayag ka na lang," Gab seconded.
"Sabi ko nga, eh." Napapakamot sa ulo na sabi na lang ni Caleb. Ang cute niya.
At ayun nga,gumora na kami. Ako ang una nilang inihatid sa bahay.
"Bye, guys! Ingat kayo, ha." Sabi ko pagkababa ko ng kotse.
Nakita kong bumaba rin si Caleb.
"Oh, bakit bumaba ka pa?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Hindi pa ko nakakapag-goodnight sa girlfriend ko, eh," sagot ni Caleb sa tanong ko.
Waaahhh! Pakiramdam ko namula ang mukha ko.
"Your blushing," pang-aasar pa niya. "I'm really happy being with you today. Goodnight." And he kiss me on my lips. Smack. "I love you, dream of me, okay? Bye!" Sabay kindat niya bago nagmamadaling sumakay ulit ng kotse ni Enzo.
Grabe! Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Nakita ko pa ang pang-asar na ngiti ng dalawa pagkaalis nila.
Oh my G! Smack lang 'yung kiss niya. Pero pakiramdam ko hindi ako makakatulog ngayong gabi.