Eucha
Until now, hindi pa ulit nagpaparamdam sa akin si Caleb.
Wala pa rin akong natatanggap na message from him. Hindi ko na rin alam kung ano ang iisipin ko sa bigla niyang hindi pagpaparamdam sa akin.
Hindi ko alam kung may nangyari na bang masama sa kaniya o sadyang masyado lang siyang busy sa buhay. O, baka naman ayaw niya na akong makausap. Baka may girlfriend na siya at pinagbawalan na siya na kausapin ako.
And I don't care, kahit hindi na siya magparamdam ulit.
Hindi ko kawalan iyon. Pero hindi nga ba? Kasi kahit ayaw kong aminin nami-miss ko na talaga siyang ka-chat, eh.
Pero ano naman ang magagawa ko kung ayaw niya na akong i-chat 'di ba? O, kung may girlfriend ng nagbabawal sa kaniya. Bahala siya sa buhay niya. I can still live my life without him.
So, I keep myself busy na lang para huwag ko siyang maisip. Pati pagre-reformat ng computer at laptop ng mga kakilala ko pinatos ko na para lang maging busy ako. That way hindi ko na siya maiisip masyado.
Naging busy din ako sa shipment ng mga product sa online business ko. Mabuti na lang maraming orders na dumating.
Napadalas din ang paglabas namin ng mga kaibigan ko kaya, I'm thankful. It helps me na 'wag maisip ang kabuteng Caleb na iyon.
Minsan naman si Enzo lang ang kasama ko. Gaya ngayon nagpasama siya sa mall.
"Ano ba ang bibilhin mo? Kanina pa tayo ikot ng ikot, ah!" Reklamo ko. Paano ba naman ilang boutigue na 'yung napasukan namin dito sa mall hindi pa rin siya tumitigil sa kakahatak sa akin.
"May pinabibiling designer clothes si Gabby, eh. Wala na raw stock doon sa kanila kaya baka mayroon pa raw dito," Enzo said, habang palinga- linga ito sa paligid.
Napasimangot ako upon hearing that.
"Inuutusan ka na naman niyang girlfriend mo," I said, habang hindi maipinta ang mukha.
"Bestfriend naman! Alam mo naman na mahal ko 'yon, eh," katwiran ni Enzo sa akin.
"Whatever, Enzo." Sabay irap ko sa kaniya. "Sana sinabi mo sa akin agad, noh. Hello! may online business ako 'di ba? Mas madaling maghanap sa online ng damit na hinahanap mo. Pinahirapan mo pa ang buhay natin, eh." Talak ko pa sa kaniya.
"Oo nga pala, noh? Bakit hindi ko 'yon naisip agad?" Napapakamot sa ulo na sabi nito.
"Eh, kasi puro si Gab iyang laman ng utak mo. Gutom na ako. Ilibre mo ako ng snack. Saka ko hahanapin 'yang damit na pinahahanap ni Gab sa'yo." Sermon ko sa kaniya. Kanina pa talaga ako gutom. Kaso ayaw paawat nitong si Enzo kanina pa kakahatak sa akin.
"Okay. Pasensya na, bestfriend. Saan mo gustong kumain?" tanong ni Enzo sa akin.
Na ikina-ngiti ko naman. It's my turn para makaganti.
"Parang ayoko ng ngiti mong 'yan," Enzo said while looking at me suspiciously.
"Dahil pinagod mo ako, mamahaling restaurant ang pipiliin ko. Follow me." Tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad.
"Hay...goodluck sa wallet ko." No choice na napasunod na lang sa akin si Enzo.
Habang kumakain kami sa mamahaling restaurant na napili ko, sinimulan ko ng maghanap 'nung damit na pinahahanap ni Gab. At hindi naman ako nabigo. May available na stock sa isa kong supplier. Kaya solved agad ang problema ng bestfriend ko.
"I-deposit mo na lang bukas sa bangko 'yung bayad tapos ipapa-deliver na lang sa bahay niyo 'yung product," I said to him then I closed my laptop and continue eating.
"Ganoon lang pala kadali 'yon? The best ka talaga, bestfriend!" Masayang turan ni Enzo. Solved na kasi ang problema niya.
"Ang sabihin mo hindi ka kasi nag-iisip minsan, noh." Sabay irap ko sa kaniya. "Mabuti na lang dala ko itong laptop ko."
"Ang hard lang, ha. Pero salamat talaga bestfriend, ah. Ime-message ko na si Gabby about it. Matutuwa 'yun forsure." Inilabas nito ang cellphone at nag-simulang mag-type ng message para sa girlfriend.
"Tsk! Ikaw na ang head over heels sa girlfriend," I said while eating.
"Bitter? Palibhasa NBSB ka, eh." Pang-aasar ni Enzo sa akin habang nasa cellphone ang atensyon nito.
"Wow. Thank you, ha. 'Yan ba ang kapalit ng tulong ko sa'yo? Nice friend, ha. Ipamukha ba sa akin na NBSB ako?" Sarcastic na sabi ko.
"Ito naman napikon agad. I know naman na, you are waiting for the right guy, eh," he said smilling at me.
"Whatever! Change topic. Kailan mo ipapadala kay Gabby 'yung damit? May ipapasabay ako," I asked him.
"Nextweek tayo pupunta roon," walang gatol na saad ni Enzo.
"Ah... Wait! Ano'ng pupunta tayo roon nextweek?" Naguguluhan na tanong ko. Nabitin tuloy ang pagsubo ko ng pagkain.
"Tayo mismo ang magbibigay ng damit kay Gabby," nakangiti naman na tugon ni Enzo.
"Nagpapatawa ka ba? As if namang nasa Pilipinas lang si Gabby. Hello! Nasa California kaya ang girlfriend mo," I lash out at him.
"Hello rin. Mukha ba akong nagpapatawa? Pupunta tayo roon. Nagpa-booked na ako ng ticket for us. Ipagpapaalam na lang kita sa parents mo," Enzo said, at mukhang hindi nga ito nagbibiro.
"F-for real?!? Pupunta talaga tayo sa California?!?" Hindi makapaniwalang tanong ko ulit.
"Yes, my dear bestfriend. Kaya mag-empake ka na and be ready. Alam ko naman na papayagan ka nila Tita, eh. Dahil ako ang kasama mo," confident na wika ni Enzo.
Oh my G! Is this for real? Pupunta kami ng California ni Enzo?
Bakit bigla yata akong kinabahan?
Dahil ba may possibility na magkita kami ni Caleb doon?
On the second thought, bakit ko pa siya aasamin na makita? Eh, ni hindi na nga nagpaparamdam sa akin 'yung tao na 'yon. Napasimangot tuloy ako sa naisip ko.
"What's with the face, Eucha?" Kunot ang noo na tanong sa akin ni Enzo nang mapansin nito ang pagkalukot ng mukha ko. "Ayaw mo bang sumama sa California?" Nag-aalalang tanong pa nito.
"No! Hindi sa gano'n ano! May naalala lang ako na nakakainis," paliwanag ko sa kaniya. "Siyempre sasama ako sa'yo, noh! Makakarating ako sa California ng libre. Choosy pa ba ako?" Dagdag ko pa.
"Mabuti naman kung gano'n. Nasabi ko na kay Gabby. Kaya wala ng bawian, ha?" paninigurado pang tanong ni Enzo.
"Oo. Basta ikaw na ang bahala na magpaalam kina Mommy at Daddy," I said to him.
"Of course! Ako na ang bahala." Sabay kindat pa nito.
Natatawa na tinapos ko na ang pagkain. We have to go home, para makapagpaalam na kami kila Mommy. Mag-eempake na rin ako ng mga gamit ko.
Ayoko mang aminin, pero na-e-excite ako sa pagpunta namin ni Enzo sa California. And somehow, I am hoping to see Caleb there.