Chapter 7: Unexpected Saviour

1008 Words
Caleb I decided to take a break from the office. Dahil sobrang toxic na sa company this past few weeks. I have to prove my worth sa company. Para kapag pumalit ako kay daddy walang masabi ang board. Hindi nila ako pwedeng makitaan ng kahit na maliit na kahinaan o pagkakamali. Kaya naman nag-iingat ako ng mabuti at nagpapakasipag. I have to impress them, including dad. I'm enjoying my coffee here in my favorite coffee shop nang maagaw ang pansin ko ng isang pamilyar na mukha. Pinaglalaruan na naman ba ako ng imagination ko? Kaya kahit saan nakikita ko ang mukha niya. Pero nang tignan ko ulit 'yung babae... Imposible! Naipilig ko ang ulo ko. Kailangan ko na yatang maka-chat siya ulit para hindi ako nagkakaganito, eh. Ito yata ang epekto ng pangtitikis ko sa kaniya. Inilabas ko ang phone ko at ini-open ang account ko sa social media. At biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang mabasa ko ang status ni Eucha three days ago. "Finally! We are here na in San diego, California. Eeee! Excited na ako na mamasyal!" That's the caption in Eucha's post. Picture ng airport ang nasa post niya. Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. Nandito nga siya. Nandito si Eucha sa California. At napalingon ako bigla sa labas ng coffee shop. Wala na 'yung nakita kong kamukha ni Eucha. Kamukha ba? O, siya talaga iyon? Nagmamadali akong lumabas ng coffee shop. Trying to find that familiar face I have seen a while a go. And I saw her again. Kahit nakatalikod na siya. Pamilyar pa rin ito sa akin. Alam ko na si Eucha nga siya. And this heartbeat of mine, ang bilis ng t***k. Pero napakunot ang noo ko nang mapansin 'yung dalawang lalaki na nasa likuran niya. Bakit mukhang kanina pa nakasunod sa kaniya ang mga iyon? Kinabahan ako nang makumpirma ko nga na sinusundan nga siya ng dalawang lalaki na iyon. Kaya nagmamadali akong naglakad para makalapit sa kaniya. Halos takbuhin ko na nga ang distansiya namin, eh. Inunahan ko sa paglakad 'yung dalawang lalaki. At nang makalapit ako, inakbayan ko siya agad. "Hey, babe! I told you to wait for me." Sabi ko pagkaakbay ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin. And I can say na siya nga talaga si Eucha. Eucha is really here. And she's with me. Eucha It's our third day here in San diego, California. And we decided to go out para mamasyal. Ka-op nga lang itong dalawa na kasama ko. Sila na lovers. Ie-enjoy ko na lang ang pamamasyal. Dapat sulitin ko ang bawat oras ko rito. First time kong makapunta rito at baka hindi na maulit pa. Kaya, I have to enjoy every seconds of my stay here. Sa sobrang pagka-engross ko sa pagmamasid sa paligid, hindi ko na namalayan na napahiwalay na pala ako sa dalawa. "Hala! Lagot! Nasaan na si Enzo at Gabby? Nasa likuran ko lang sila kanina ah." Kinakabahan na hinanap ko sila. Pero hindi ko sila makita. Paano ako babalik sa bahay nila Gab? Hindi ko alam kung paano ako makakauwi roon. Nasaan na ba kasi ang dalawang iyon? Ano ang gagawin ko? Natatakot naman akong magtanong at magtiwala sa mga tao rito. Hindi ko sila kilala at baka lokohin lang nila ako dahil dayo lang ako rito. Alam ko na! Kailangan kong maghanap ng kalahi ko. Tama. Sana may makita akong kapwa ko Pilipino sa lugar na ito. Bakit ko ba kasi naiwan 'yung phone ko, eh. Wala akong dala kungdi itong pouch at camera ko. Kainis! I was roaming around that place nang may mapansin ako. Why I have this feeling na kanina pa ako sinusundan ng dalawang lalaki na ito? Pasimple akong tumingin sa likuran ko. Oh my gosh! They are foreigners at hindi ko alam kong ano ang binabalak nila sa akin. Mas lalong tumindi ang kaba ko nang hindi pa rin sila nawawala sa likuran ko at animo nagbubulungan pa. Mukhang may hindi sila magandang binabalak sa akin. What to do now, Eucha? Oh my G! Ano ang gagawin ko? Sobrang lakas na talaga ng t***k ng puso ko. Gusto ko ng mag-panic at tumakbo. Pero paniguradong hahabulin nila ako. Lalo akong kinabahan kasi malayo na ang nalalakad ko pero nakasunod pa rin sa akin 'yung dalawang lalaki. Nanay ko! Help me! Ano ang gagawin ko? Saan ako pupunta? Nag-iisip ako ng pwede kong gawin nang biglang naramdaman ko na may umakbay sa akin. Parang gustong lumabas ng puso ko sa dibdib ko sa gulat at takot. Gusto kong sumigaw ng malakas para makahingi sana ng saklolo. Pero para namang walang boses na lumalabas sa bibig ko. At nang tignan ko ang mukha ng taong umakbay sa akin... Literal na nanlaki ang mga mata ko at napanganga ako. And my heart skip a beat. "Hey, babe! I told you to wait for me." He said to me while smiling. Am I dreaming? Totoo ba ito? Nandito siya at nakaakbay sa akin? "C-Caleb?!?" Hindi makapaniwala na sambit ko sa pangalan niya. "Yes, babe. It's me," nakangiti naman na tugon niya sa akin. Oh my G! Bakit parang mas lumakas ang t***k ng puso ko kesa kanina? And what's with the Babe thing? Piling ko tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. "Kumilos ka lang ng normal. 'Wag kang magpapahalata sa mga sumusunod sa'yo." Bulong niya sa akin. Pasimple akong tumingin sa likuran namin at nakita kong huminto sa paglalakad 'yung dalawang lalaki. Napahinga ako ng malalim. I'm safe now. Because of him. Because of my unexpected saviour. And it's Caleb. He saved me from those foreigners na mukhang may binabalak na hindi maganda sa akin. And I want to thank God for letting this happened. Mabuti na lang iniadya ng Diyos na ngayon kami magkita ni Caleb sa lugar na ito. Sa sandali na kailangan ko ng tulong. Of all people, si Caleb ang ipinadala niya na tagapagligtas ko. Nanginginig ang mga kamay na iniyakap ko sa bewang niya ang mga braso ko. I feel so safe right now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD