Chapter 3: The Bestfriend

1139 Words
Eucha Part na nga ng daily routine ko ang pakikipag-chat kay Caleb pero hindi ko pa s'ya nababanggit sa mga friends ko. And I guess, sa best friend ko wala akong lusot. I was hanging out with Enzo today, my guy best friend. At siyempre we're here sa favorite hang out namin. Sa Coffee shop. I was busy with my phone having a conversation with Caleb thru chat nang biglang agawin ni Enzo ang phone ko. "Hey! Give it back!" Pinipilit kong agawin sa kaniya ang phone ko pero mas nilalayo n'ya naman sa'kin. "Ako ang kasama mo pero, you seemed so busy with your phone. And who is this guy?" Lagot! He is looking at my phone. Eh, ka-chat ko pa naman si Caleb. And his reading it! Kaya inagaw ko kaagad sa kanya ang phone ko. "Ano ba! Mind your own! Bakit ka ba nakikialam ng phone ng may phone!" inis na sigaw ko sa kaniya. "Hey! You’re shouting on me because of that guy? How could you, Eucha! I thought we are best friend." Umakto ito na animo nasasaktan at humawak pa sa dibdib n'ya. "Ang OA, ha. Alam mo 'yung privacy? Everybody deserves that naman, 'di ba?" sabi ko ng mataray pa rin sa kanya. "Wow! Kailan pa nauso sa atin ang privacy ha, Eucha?" Enzo. "Tse! Inumin mo na lang 'yang kape mo!" Inirapan ko muna s'ya bago ibalik ang pansin ko sa phone ko. "Seriouly, sino na naman 'yang ka-chat mo?" tanong na naman ng makulit kong best friend. "Wow, ah. Na naman? As if lagi akong may ka-chat na lalaki, ha," reklamo ko kay Enzo. "Well, maliban sa relatives at close friends mong guy, very rare ang pinapansin mong guy lalo na sa social media. Kaya tell me, anong mayroon ang Caleb na 'yan para paglaanan mo s'ya ng oras? Maliban sa gwapo s'ya. Mas gwapo pala ako," sambit niya na may pagyayabang pa bago uminom ng kape. "Yuck! Ang kapal, ha. Mas gwapo kaya s'ya sa'yo. At saka, may sense kasi s'yang kausap. Alam mo 'yun? Kahit na minsan nakakainis s'ya. Parang hindi ako na-bo-bored na ka-chat s'ya,” I said while looking at my coffee. Hindi ako makatingin kay Enzo. Baka kasi mahalata n'ya na kinikilig ako. Jusko naman kasi. Sinong hindi kikiligin kung kasing gwapo ni Caleb ang ka-chat mo? Tapos ang sweet n'ya pa! Pero minsan may saltik din. Parang ako. "Tsk! I know that kind of smile of yours, Eucha,” nabanggit ni Enzo na narinig ko. Napatingin ako bigla sa kanya. What? Nakangiti ako? Shocks! Hindi ko namalayan na napapangiti na pala ako. "Tell me, Eucha. Do you like him?" Enzo asked with a smile on his face. "O-Of coarse not! Ilang linggo ko pa lang s'yang ka-chat ano! At saka, I don’t personally know him. Kaya paano ko s'ya magugustuhan, aber?" sagot ko na natataranta. Teka, bakit ba ako natataranta? Ano ba ang nangyayari sa'kin? "You’re blushing!" asar pa ni Enzo sa'kin. "Hindi naman, eh! Pinagti-trip-an mo lang ako, eh. I hate you!" Pinaghahampas ko s'ya sa braso. "Aray! Ang brutal mo talaga! Lagi mo na lang akong sinasaktan. Naku! dapat ko yatang balaan 'yang Caleb na 'yan, ah. Sadista ang chatmate n'ya. Mukha lang anghel pero nakakatakot," asar pa rin sa akin ni Enzo habang umiiwas sa mga hampas ko. "Don’t dare! ‘Wag na ‘wag mo s'yang icha-chat, ha! Baka mamaya kung anu-anong sabihin mo sa kanya, eh,” babala ko sa kaniya na hindi ko pa rin itinitigil ang paghampas ko sa kanya. "Uy... Ayaw mong ma-turn off s'ya sa'yo, no?" Ang lakas talaga mang-asar ng taong 'to. Paano ko ba 'to naging best friend? "Tse! I'm just having fun chatting with him lang naman, no. At saka nasa San Diego naman s'ya, kaya okay lang. I’m just doing this as pampalipas oras, no. No string attach," I said while sipping my coffee. "Sabi mo, eh. Basta paalala lang, ha. Be careful. Don’t trust easily and don’t fall easily," Enzo said na seryoso na this time. "Of course! Ako pa ba?" "Yeah right. Ikaw pa ba, Eucha?" Enzo. "Hmp! Ewan ko sa'yo. Libre mo na lang ako ng blueberry cheesecake,” utos ko. Ginutom ako bigla, ah. "Tsk! Oo na! Pasalamat ka mahal kita. Order lang ako." At lumapit na siya sa counter. "I love you, too best friend!" pahabol na sigaw ko sa kaniya. Nag-make-face naman s'ya sa'kin. I love Enzo talaga. My bestfriend. While I'm alone, napaisip ako. Am I attracted to Caleb? I am NBSB dahil takot akong magkamali at masaktan. Pero sabi ng iba mataas lang daw kasi ang standard ko sa lalaki. Kaya naman basted lahat ng nanligaw sa'kin mula high school hanggang college. Si Enzo lang ang lalaking nakapalagayan ko ng loob pero hindi kami talo. Purely friendship lang talaga ang relasyon naming dalawa. Maybe because hindi namin type ang isa't isa o dahil masyado kasing palagay ang loob 'ko sa kanya. Kaya naman, I don’t want to lose him. At isa pa, may babae ng nagpapatibok ng puso ng aking best friend. "Here's your blueberry cheesecake!" sabi ni Enzo na hyper habang inilalapag sa harapan ko ang platitong may lamang slice ng cake. "Wow! Mukhang masarap, ah. Thank you!" nakangiti kong sabi kay Enzo. "You're welcome! Ay! Siya nga pala!" sigaw niya na paupo na sana siya nang may maalala. "Ano ‘yon?" I asked him habang inuumpisahan ng lantakan ang blueberry cheesecake. "Selfie tayo?" Enzo. "Hulaan ko. Gustong makasigurado ng girlfriend mo na ako ang kasama mo, no?" natatawang tanong ko. "Oo na! As if namang kaya kong makipag-date sa iba," nakasimangot na sabi ni Enzo. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at saka itinaas para mag-selfie. "Say cheese, Eucha." "Cheese!" sabi ko naman at saka ako ngumiti. "Patingin! Maganda ba ako riyan," tanong ko kay Enzo. "'Wag mo ng tignan. Wala namang magbabago, eh," Enzo said, habang pino-post sa social media account n'ya ang picture naming dalawa. "Kainis ka! Wala man lang caption? Ang boring mo talagang mag-post," I said to him pagkakita ko sa post n'ya at saka ako bumalik sa pagkain ng cake. "Palibhasa kayong mga babae ang dami niyong arte sa pagpo-post. Ayan tapos na. Na-tag na rin kita," informed ni Enzo sa akin. "Kahit hindi na, eh. But thanks, best friend! Ang sarap talaga ng blueberry cheesecake sa coffee shop na 'to," I said habang masaya ko pa rin na nilalantakan ito. Hmmm...Dito ko dadalhin si Caleb kapag nagpunta s'ya ng Pilipinas. Wait! Saan galing ‘yon? As if namang maliligaw 'yon dito. Pagkatapos naming kumain ay inihatid na rin ako ni Enzo sa bahay. And as usual, nag-message ako kay Caleb na nakauwi na ako. Pero wala s'yang reply. "Baka busy lang." I said to myself. Kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa ibang bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD