NAGTIPON-TIPON ang lahat mula nang i-anunsyo ni Dark na kailangan nito nang tulong at karagdagang impormasyon tungkol sa ginawang hakbang ni Wilbert Akuzama. Nakatanggap siya ng tawag mula kay Vincent, nagpapatawag nang pagpupulong ang Don at nalaman nito ang ginawa niya. Naroon sina, Azul, Leiron, at ang binatang si Vincent na may misteryosong identity. Ang binata kasi ang ginawang mata at galamay ni Dark sa larangan ng underground. Bukod kasi sa magaling ang binata ay may kakayahan itong makisalamuha sa mga ibang lahi at magpanggap. Kabilang din sa grupo niya si Vincent at ang ikinalamang ng binata ay kanang-kamay ito ng kaniyang Lolo Vichio, ang Don. “Paparating na sina Terrence at Demon, at habang wala ako, maging alerto kayo sa paligid.” “I can come to you, Dark. Hindi kita mat

