NASUNDAN nang tingin ni Anya ang magandang babae na kalalabas lamang galing silid ni Dark. Naroon siya sa pool, itinuon ang sarili sa paglilinis sa paligid. Napanguso siya, hindi niya maiwasang manliit sa sarili. Kunot-noo, nasilip niya ang sarili. Parang wala namang kulang sa kaniya, bukod sa may ipagmamalaki ang maumbok niyang dibdib ay, sexy siya at maganda. Iyon din ang sabi ng nanay niyang namayapa na. Kaya imbes na mainggit ay inabala na lamang niya sa ginagawa ang sarili. “Anya, tandaan mo. Mahal ka raw ni Dilim. Nahalikan ka nga niya ng ilang beses kaya, huwag mawalan ng pag-asa!” Sa isip-isip niya at kinakausap ang sarili. Kinilig siya sa katha ng kaniyang isipan. Bagay para matauhan siya, nang malakas na tumunog ang doorbell. Palinga-linga siya nang baka sakali, naroon si Dar

