BUONG pagtatakang sinundan ni Anya nang tingin ang pagkahawak-kamay nila ni Demon. Nang mabaling sa kaniya ang paningin ng binata ay doon lamang nito napagdesisyong bitawan ang kamay niya. “Nanantsing ka na yata, kanina mo pa hawak ang kamay ko!” Naireklamo niya rito. Natawa si Demon, sumilay sa labi nito ang pilyong ngiti. “Anya, iba ang nanadya sa hindi sinasadya. Pasalamat ka nga inilayo kita sa masakit na eksena.” Ngumuso si Anya, kunsabagay ay tama naman si Demon. “Nagkabalikan na kaya sila?” wala sa sariling naisambit niya. “Sino? Si Dark at Julea ba?” Tumango siya habang nakatanaw sa labas ng bintana dahil, kasalukuyan silang bumabyahe ni Demon. “Imposible iyon,” natatawang saad ni Demon. Tumitig kaagad dito si Anya habang magkasalubong ang mga kilay. “Bakit?” “May asawa

