ISANG malakas na sapak at tadyak ang tinamo ng lalaki mula kay Don Wilbert Akuzama. Ikinatakot ng lubos ng mga tauhan nito ang umaapoy na galit nito. “Why did you do that! Alam mong naroon ang anak ko!” Nangangalit ang bagang bulyaw nito sa lalaki. Lumuhod sa harapan niya ang lalaking nagmamakaawa kung saan ito ang pasimuno sa pag-m******e sa bahay na tinitirhan ni Dark dahil, na rin natuklasan ng mga ito ang inuuwiang bahay ng binata. “Boss, hindi ko sinasadya. Namali ako ng dinig, inaamin ko ang pagkakasala ko,” naihingi nito ng pasensya. Nangalit ang panga ni Wilbert. Kinasa nito ang baril na hawak. “Should I spare your life? Sa tingin mo, kaya bang ibalik ng kapalpakan mo kung nadali mo ang anak ko!” Pagdidiin nito at masamang tumitig sa kaharap. “Boss,” tanging naisambit nito ng

