DAHAN-DAHANG bumukas ang mga talukap ng mata ni Azul. Pagmulat ng kaniyang mga mata, puting kisame kaagad ang nasilayan niya. Naroon siya nakahilata sa hospital bed. “Azul,” narinig niyang tinig ni Rozzy. Tulad nang inaasahan niya, masaya itong nakita siyang nagising. “Rozzy,” tanging sambit ni Azul. Humikbi sa bisig niya si Rozzy. Ramdam na ramdam nito ang pagmamahal ng dalaga bagay na ikinayakap niya rito pabalik. “Masaya akong ligtas ka, Blue. Hindi ako nawalan ng pag-asa. I know, God answers my prayer,” hikbing ani Rozzy. He kissed Rozzy's forehead and smiled. “Mahirap patayin ang masamang damong katulad ko, Rozzy.” Bigla siyang kinurot ng dalaga bagay na ikinangiwi niya at nagkunwaring nasaktan. “Oh my gosh! I'm sorry,” kaagad nitong naihingi ng tawad. Niyakap nito ang dalag

