Chapter 6: Thief

1807 Words
Chapter 6 Ilang araw ng makalipas habang patuloy parin ako sa pag iisip ng malalim. Ano bang tinutukoy niya? Ilang araw na kong nag ooverthink dahil sakanya. Hindi ko naman siya kilala at kahit anong gawin kong hanap sa aking utak na alaala na tungkol sakanya ay wala akong mahanap kahit ni isa. Ako ang dahilan kaya siya naging miserable? Eh, hindi ko naman siya naging kaclose para magawa yun. Tsk. Naghilamos ako ng mukha bago nagsimula ng mag asikaso. "Mocha kain ka na oh." Nilapag ko ng dahan dahan ang baby ko sa harap ng kainan niya. "Pabusog ikaw ha," "Seah." Tawag ng kapatid ko sa likod na nilingon ko. Magulo ang buhok nito at mukhang kakagising lang din nakakalabas lang sa isang kong kwarto. Tatlong araw na siyang narito dahil sa kalokohan niyang paglalayas samin. Idol ata ako ng kuya ko kaya pati yon ay ginaya niya. "Why?" Tanong ko sakanya. Nagtimpla ako ng gatas at inabot ko sakanya ang isa. "Ubusin mo yan." Tinanggap niya ito bago siya nagsalita. "Sa tingin mo ate galit parin kaya sakin si Catherine?" Tanong niya. Napatingin ako sakanya habang sumisimsim ng gatas. "Malay ko sainyo." Sagot ko at inabutan siya ng bread. Hindi naman sa wala akong pakielam sakanila, I just don't care lang. Much better if wala akong pakielam sa business nila kasi madami rin akong problema. "Kasalanan ko lahat ng 'to eh... I tried to talked our Mom per-" "Correction, your Mom." Sabat ko sakanya na ikinairap niya. Itong lalaking 'to sarap tusukin ng tinidor ang mata eh! "Yeah, my Mom. I tried to talk about Catherine and I to her, but she's angry at me at ayaw niya kong pakinggan, what's wrong with her? Nakakainis." Pagrarant niya habang kumakain. Itong brother kong loverboy na 'to sarap isako. "I love my girlfriend.. and I can't lose her." Tsk. Nakayuko siya habang namromroblema. Ang hirap ng situation niya, pero ano magagawa ko? "Love can wait Kuya, if kayo talaga sa huli magiging kayo. Stop rushing things, Dude." ——— More patience to come to me po Lord "Akala ko ba magpapasama ka bumili ng libro?" Iritang tanong ko sa babaeng nag aya sakin dito sa mall kahit ang init init ng panahon! "Yieeee! ang pogi ng crush ko dba?" Kinikilig lang na sambit niya habang patuloy na pinapanood ang lalaking nagbibilyar. Nakakayamot nga naman po, oo. Kinikilig siyang bumaling sakin. "Kita mong nagsi-sight seeing pa 'ko dito eh, pwedeng bang wait lang?" Inhale, Exhale, Inhale, Exhale, Inhale, Exhale Hmm.. more patience pa ba? Inis ko siyang iniraparan at tinignan ang pinapanood niyang wala namang kwenta, halos mag-iisang oras na kong naghihintay sakanya. Dami namang crush nitong babaeng 'to kahit may jowa na! Time check: 10:38am "Kailangan ko ng umuwi kaagad Erich kasi mapapahinga pa 'ko bago pumunta sa banda mamaya." Nawawalang pasensya kong reklamo na hindi niya narinig. Kinuha ko ang buko shake na binili ko papunta dito at inis na tumayo. Nakakapikon talaga kahit kailan! Sarap pumatay ng tao! Kung hindi ko lang pinoprotektahan ang images ko sa buong mundo dahil sa mukhang respetadong tao akong pinalaki ng nanay ko na laging kailangan magtimpi! Ihahampas ko talaga 'tong buko shake na 'to kay Erich sa pang-iistorbo niya sakin ngayon! "Hala, sabing wait lang eh!" Habol sakin ni Erich ng umalis ako. "Seah!" Tumigil ako sa paglalakad ng tawagin niya 'ko at nagtitimping tinignan siya. "Seah, pwede bang bukas nalang? Baka chance ko na 'to para magkajowa. Malay natin siya na pala ang the one ko." Delusional niyang pagpapaawa ng mahabol niya ko. Ano si Max ex niya? The one? Kung sampalin ko kaya 'to para magising? Sayang lang ang ipinamasahe ko papunta rito. Funny. "Ako ng bibili, akin na yang pera mo." Utos ko sakanya para makauwi na ko kaagad. "Ha? Ikaw? Ikaw na bibili? Okeyss best!" Tuwang tuwa naman siya sa narinig. "Wait lang, kuhain ko lang sa bag ko." Masaya siyang nagmadaling bumalik sa nilagyan niya ng wallet at tuwang-tuwang inabot sakin ng makabalik. "Your the best friend talaga ever!" Nang makaalis sa kadramahan ni Erich agad akong dumeretsyo sa National Books Store para bumili. When It All Start Again by Elena Buncaras ang pinapabili ni Erich, ang librong natapunan niya ng softdrink nung Thursday, dahil sa kakulitan niya na hindi namin pwedeng sabihin kay Kuya Eros. Pag nakarating kasi kay Kuya Eros ang nagawa niya siguradong papasok siyang wala ng mga kilay sa pagiging di niya maingat sa libro ng Kuya niya. Pero wala akong pakielam don. Nang mahanap ko na ang librong hinahanap ko, tumingin naman ako ng para sakin. The One Thing Deep Work How To Win Friends & Influence Others Indistractable Mindset The Compound Effect "Shadow Immortals," Tankang kukuhain ko ang librong napukaw ang interes ko ng may nauna na sakin. Epal! Palihim akong umirap at kunot-noo kong tinignan ang nanguna sa libro. Tinignan niya ang librong hawak niya at inusisa, binasa pa niya ang unahan nito. "Hmm.. Interesting." Akin dapat yan! Tsk. "Hi? Bibilhin mo ba yang libro?" Positive approach kong tanong sa immoral na nanguna. Blangkong napatingin siya sakin at hindi sinagot ang tanong ko at tinalikuran lamang ako. "Tsk, ang yabang, saksakin kita ng martilyo eh," Inis kong bulong sa pagiging bastos nito. Ang daming walang manners sa generation na 'to, nakakainis! para tuloy akong tangang nagtanong. "Tsk, asshole." Inis nalang ulit akong naghanap-hanap ng librong pwedeng kong mabasa at bilhin. The Almanack Of Naval Ravikant Can't Hurt Me Hop or Pop Atomic Habits 12 Rules For Life The Ikigai Journey "Where The Sidewalk Fa-" Napatigil ako sa pagbabasa ng may humablot ng librong kakakuha ko palang. Inis kong tinignan ang may gawa non na busy niyang tinitignan ang librong akin dapat. Tangina. Nananadya ba 'to? Hinablot ko sa pagkakahawak niya ang libro kong ako ang nauna at tinignan siya ng masama. "AKO. ANG. NAUNA. DITO." Diin kong pang-aangkin sa librong ako ang nauna. Nakangisi siyang napatingin sakin at napatingin din samin ang tatlong babaeng nagbabasa ng makita nila ang ginawa ko. Why? Ako ba gumagawa ng eksena? Makatingin yong mga babaeng 'to halatang alam na kung sino ang kinakampihan nila. Tsk! Muntik na kong magmura ng malakas ng biglang bastos na kinuha muli ng immoral sa kamay ko ang librong binawi ko at tumalikod. "Immoral, peste, walang modo, hindi mahal ng magulang, asshole, uneducated, trashboy." Pikon na pikon kong bulong sa lalaking kulang na kulang ata sa IQ na walang modong tinalikuran ulit ako. Kung wala lang talaga ako sa public place na 'to, makikipagbuno na ako sa papansing tong panira ng araw ko! Kung wala lang din akong kahihiyan sasaksakin ko pa siya ng martilyo! Dahil sa inis ko hindi nalang ako bumili ng libro para sakin. "Tsk. Papansin." *** "Thank you ah," Sakristiko kong sabi ng makabalik ako kay Erich na hanggang ngayon nasa billyard boy parin ang atensyon. "Akin nalang tong sukli mo, ako naman bumili e, uwi na din ako." Nilapag ko sa harapan niya ang librong binili ko na nakalagay sa paper bag at tinignan siya na malapit ng mag-laway sa crush niyang mukha namang unggoy. "Erich." Tawag ko sakanya na hindi padin ako napasin. Ano ba 'tong babaeng 'to? "Aray o-ouchh! Ano ba naman, Seah? Bat mo naman ako pinitik?" Daing niyang reklamo ng pitikin ko ang noo niya. "Sabunutan kaya kita jan? Kanina pa 'ko dito nagtatawag sayo pero wala kang naririnig." "Sorry, ang galing niya kasing maglaro e," Kinikilig niyang hingi ng sorry habang hinimas-himas niya ang noo niyang pinitik ko na namumula na. "Akin nalang 'tong sukli mo ha? Uwi na din ako." Paalam ko sakanya habang tinitignan niya ang librong binili ko. "Okie dok- ay kain muna pala tayo?" Suggestions niya habang malawak na nakangiti. "Ayoko, ikaw nalang sa bahay nako." Bagot kong sagot ko at agad na iniwan siya. Makulimlim na ang kalangitan pagkalabas ko ng Mall. Kanina sobrang araw at mainit, ngayon naman parang uulan na nang malakas. "Ahhhh! May magnanakaw! May magnanakaw! Tulungan niyo 'ko! Ninakaw niya yung bag ko!" Matinis na sigaw ng babae sa tabi ko ng may biglang may humablot ng bag niya. Naman oh. Kumilos agad ako ng mabilis at mabilis kong hinabol ang lalaking nagnakaw sa babae para maabutan. "Oy! Bumalik ka dito! Tumigil ka!" Sigaw na tawag ko sa magnanakaw habang hinahabol. Lumiko sa may tricycle ang lalaking magnanakaw at pumasok sa isang subdivision. Dahil sa katangahan muntikan pa siyang madapa sa pagtakbo niya. "Kapag hindi ka tumigil patay ka sakin!" Natatawa kong habol ng bumungo pa siya sa isang poste kakalingon sakin. "Tumigil ka na nga! Huwag mo na kong habulin!" Sigaw ng magnanakaw at lumiko pa siya sa isang daan. "Wahhhhhh!" Buhay pa ba 'ko? Sumalangit nawa ang kaluluha ko kung ganon. Muntikan na. Napatigil ako sa pagtakbo ng biglang napatigil ang mundo kong muntikan ng mag-agaw buhay. Napahawak ako sa dibdib ko dahil gulat at napa-upong bumagsak. Mabilis na lumabas ang nasa loob ng sasakyan at agad na pinuntahan ako. "Are you okay?" Gulat na tanong ng lalaki at tinignan ko siya ng masama. Si Yeshua. "Nakatakas tuloy, kasalanan mo!" Sigaw ko sakanya. "Excuse me? Kasalanan ko?" Takang tanong niya ng malapitan niya 'ko. "Yung hinahabol 'kong magnanakaw! nakatakas ng dahil sayo!" Inis kong sagot at galit na tumayo. Kahit kailan talaga. Ang malas naman ng araw na 'to ang sakit ng pwetan ko! "Napakapa-epal! Kainis!" Iritable kong ani at inis na pinagpagan ko ang sarili ko. "Hey, stop shouting." Malamig na suway niya habang walang emosyon akong tinitignan. "Wag mo 'kong sisihin sa kasalanan mo." "Kasalanan ko? Sino ba yung muntikan akong sagasaan habang hinahabol ko 'yong thief na 'yon?!" Akala siguro nito nakalimutan ko na yung ginawa niya sakin! Hindi siya makapaniwalang tinignan ako. "Hoy! Ikaw ha! Ano akala mo sakin nakalimutan ko na yung ginawa mo, ha?! Tangina. Iniiwasan na nga kita kahit wala naman akong kasalanang ginawa sayo, pati rito makikita pa kita?! Binato mo pa yung cellphone ko sa kung saan! At hoy! For your information, hindi kita kilala kaya tantanan mo na ko!" Mas malakas ko pang sigaw sakanya. Hindi niya ko sinagot at mas lalo lamang akong naiinis sa inasta niya. Kung patayin ko na lang kaya tong lalaking 'to? "Ano natameme ka?!" Inis kong asik sakanya nya na parang wala ata akong balak sagutin. Tinalikuran niya nalang ako ng walang pasabi sabi at naglakad siya pabalik sa sasakyan niya. Gago pala 'to eh! Bastos. Umalis na ang sasakyan niya habang ako ay naiinis ng sobra. "Sarap pakainin ng lason!" Nakakayamot yung ugali ng lalaking yon. Umuwi na ko sa bahay habang pikon na pikon. Magpapakalma muna ako sandali at magreaready na sa trabaho ko. Kinuha ko sa loob ng drawer ko ang loptop ko at nag online sa f*******: ng may mapansin ako. Ano 'to? Share your f*******: story four years ago Heavenly Seah Licauan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD