Chapter 5: Stare

1059 Words
Chapter 5 "Pwede ka bang makausap kahit sandali?" Sabi nung babaeng nasa harapan ko ngayon na hindi ko alam kung san nagmula. The f**k? Nasa library ako habang payapang nagbabasa ng libro ng may kumuha nito sakin. Napakabastos talaga ng mga estudyante dito! Ano hindi naturuan ng good moral? Walang emosyon ko siyang tinignan at inis kong kinuha sakanya ang binabasa ko. "You don't need to be rude." Tumayo ako sa pwesto ko at umalis sa library para pakinggan ang sasabihin nitong asungot na 'to. "Sorry." "Ano yun?" Tanong ko sa babaeng hindi ko naman kilala na sumunod sakin. Maikli ang buhok nito at nakasalamin din habang ang mukha niya ay nag aalala. "Pwede bang tulungan mo ko?" Sabi niya na ikinaayos ko ng tayo. "Anong klaseng tulong ba?" Maldita kong tanong sakanya na ikinatulo bigla ng luha niya. Hala, anyare? "Okay ka lang po ba?" Pag aalo ko sakanya habang nag aalala. Kasalanan ko bang umiyak siya? Tsk. Ang rude niya kasing nilapitan ako kaya ayan. "Sorry, baka natakot ka sak-" "Nako hindi po yun." Pagpapatigil niya sakin habang naluluha siya. "Kailangan ko po kasi ng tulong mo, wala na po kasi talaga akong malapitan." "Ha? Ano po ba yun?" Nag aalala kong tanong sakanya. Mukha nga siyang problemado. Nakakaawa. "Ako po si Catherine taga Business department po, balita ko po kasi apo po kayo ng may ari nitong university, pasensya na po sa abala pero kailangan na kailangan ko po kasi ng tulong mo, maari po kasing tanggalin nila ang scholarship ko dahil po sa kasintahan ako ng kapatid mong si Stellan." Umiiyak niyang kwento na ikinakunot ng noo ko. Well, I'm sure na si Maxine ang may kagagawan nito. "Sorry Miss, pero I won't help you." Tangkang iiwanan ko na ang kasintahan daw ng kuya ko, ng hawakan ako nito sa kamay para magmakaawa. "Pakiusap tulungan niyo na po ako please.. sobrang halag-" "Wag niyo kong idamay sa problema niyo." Maingat kong tinanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sakin at iniwanan na siya. Tsk. Pati ba naman ang problema non ay pinapasa sakin? Okay lang naman sana, kaso ayaw ko munang makipag away sa kahit sinong nilalang dito sa mundo, lalo na sa Maxine na yon. Nagvibarate ang cellphone ko sa loob ng libro ng may biglang tumawag habang naglalakad ako. Sam's Calling.... "Ano naman kaya ang kailangan nito." Sinagot ko ang tawag ng kaibigan ko habang tumutungo pabalik sa department ko. "Hey, ano yun?" "Seah! Andito si Maxine sa bahay namin at hinahanap ka!" "Ano daw bang kailangan niya?" Walang pakielam na tanong ko ng bigla akong napahinto. Nasasaktan ako asshole. Nakikipaghalikan si Yeshua sa harap ng maraming tao. Kinuyom ko ang kamay ko sa sakit sa hindi ko malaman kung anong dahilan. Ano bang nangyayari sakin? Tangina. Hindi na nahiya sa harapan pa talaga ng maraming tao? Napatingin sakin ang mga mata ng lalaking ilang araw ng gumugulo sa isip ko. Wala itong emosyon at hindi ko mabasa. "Nakikinig ka ba?!" Bumalik ang atensyon ko sa cellphone ko sa inis na tanong ni Sam. "Naglayas daw ang kapatid mong si Stellan at iniisip ng step mother mong ingrata na baka sayo pumunta!" "Baka naflush ko kamo sa toilet." Binaba ko na ang telepono ko at nagpatuloy na muli sa paglalakad. Tsk "Seah!" Nang makita ko si Marvin na kaklase ko mula sa kung saan, nilapitan ko ito at hinalikan ko ito ng smack sa kanyang pisnge ng walang paalam na bahagya niyang ikinagulat. Manliligaw ko naman siya kaya ayos lang. "Congrats nanalo kayo!" Masayang bati ko kay Marvin. Napahawak siya sa kanyang cheek habang namumula na nakatingin sakin. Deserve naman niya yan kasi nanalo sila sa basketball game nila kahapon. Hindi ako nakanood dahil pumasok pa ko sa trabaho, pero tinupad niya parin ang pangako niyang para sakin daw, na ipapanalo niya. "Thankyou Seah." Matapos ang klase ay nagmadali nakong nakipag unahan sa mga tao palabas ng school. Nang hindi ko napansin ang daan nang makabunggo ako ng kung sino. "Sorry." Tangkang aalis na ko ng hatakin ako nito pabalik. "Sorry nga, ano ba?" Inis kong sabi sa humatak sakin. "Let's talk." Seryosong sabi nito at hinatak ako sa kung saan. "Ano ba san mo ba ko dadalhin?" Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak nito sakin na mas lalo niya pang diniinan. Dinala niya ko sa parking lot. "Get in." Utos niya sakin na ikinainis ko. Baliw ba tong lalaking 'to? "Ayoko nga! Ano bang kailangan mo sakin?!" Galit na tanong ko kay Yeshua. "Ano bang tr-" Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng marahas niya kong pinasok sa loob ng sasakyan niya at mabilis itong nagmaneho. "Ano ba ibaba mo nga ko!" Pilit kong binuksan ang pintuan ng sasakyan niya pero nilock niya na ito. "Ano bang trip mo ha?!" Hampas ko sa braso sa lalaking 'to na nakakainis. "Stop it or ibabangga ko 'to?!" Nakakatakot niyang pagpapatigil sakin na ikinatahimik ko. Tangina talaga. "Irereport ko 'tong ginagawa mo." Humikbi ako sa takot dahil sakanya. Hindi niya na ko sinagot at hinanap ko nalang ang cellphone ko sa aking bag. Tangkang tatawagan ko si Daddy ng inagaw ng lalaking 'to ang telepono ko. "Ano ba?!" Binato niya ito sa labas ng bintana at galit siyang bumalik muli sa pagmamaneho. "Ano bang kasalanan ko sayo?" Naiiyak kong tanong habang natatakot. Hindi ko alam kung anong oras ang lumipas ng huminto kami sa kung saan. Madilim dito at halos unti lamang ang mga ilaw. Napasinghap siya at lumabas na ito ng sasakyan. "f**k!" Galit na sigaw ni Yeshua habang sinisipa ang mga d**o sa labas. Bawat sigaw nito ay siyang dagdag din na takot sakin. May ginawa ba kong kasalanan sakanya? Natatakot man lumabas parin ako ng sasakyan at nilapitan siya. "Ano bang kailangan mo sakin?" Kinakabahan kong tanong sakanya habang malamig niya kong tinititigan. "Kailangan ko sayo?" Nakatiim baag siyang nilapitan ako at hinawakan ng mariin ang braso ko na ikidaing ko. "Wala akong kailangan sa taong sumira ng buhay ko." Ano bang pinagsasabe niya? "Hindi naman kita kilala, pano ko sinira ang buhay mo ha?!" Pagbawi ko sa kamay ko na ayaw niyang bitawan. "Ano ba nasasaktan ako!" "You made my life miserable at ikaw ang lahat ang may kasalanan non." Walang emosyon niyang pagpapa-alam sakin at hinawakan niya pa ang baba ko ng mariin. "Gusto mo ipaalala ko ang lahat yun sayo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD