Steffi's P.O.V: Ito ang araw na pinakahihintay ni Yohan—ang kanyang graduation day. Pagkatapos no’ng araw na nagtapat kami sa isa’t-isa ay mas naging malapit ang loob namin ni Yohan sa isa’t isa. Sina Kyla at Nathan naman ay masaya para sa aming dalawa. I thanked them too for what they did, kasi kung hindi dahil sa plano nila ay hindi namin masabi sa isa’t isa ang tunay naming nararamdaman. Wala namang nagbago sa amin ni Yohan. Gano’n pa rin siya. Mas naging sweet nga lang siya at maalaga. I am also hoping na kagaya namin ay magkakaaminan na rin sina Kyla at Nathan. I know this isn’t the right time kasi hindi pa naman gaano katagal ang break-up niya with her boyfriend, pero sana when she’s finally healed, sana makita niya at ma-appreciate ang presence ni Nathan. Kasalukuyan na akong n

