Steffi’s P.O.V: Nang mag-alas kwatro na ng hapon ay nagbihis na ako. Simpleng v-neck sleeveless na white dress ang gamit ko. Hindi ko na rin itinali ang buhok ko. Hinayaan ko na lang na nakalugay ito at liparin ng hangin. Nag-sandals lang din ako. Paglabas ko’y dumiretso na ako sa kayak station na nakalagay sa note ni Yohan. Ano naman kaya ang gagawin namin? Nang makarating ako sa kayak station ay wala pa akong makitang tao na nandoon. Ni anino ni Yohan ay hindi ko matanaw. Sumilip ako sa orasan na nasa pulso ko. Ito pa ang relong ibinigay sa akin ni Yohan no’ng nag-carnaval kami. “Alas kwatro na, ah. Nasaan na kaya ‘yon…” “Nandito ka rin pala. Anong ginagawa mo rito?” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ba siya ang naglagay ng note sa kama ko na magkikita kami rito? Y.L ang n

