"Tawagan mo ang nanay mo." Sabay abot ni Tristan sa celphone sa kanya, ng maka uwi sila sa bahay nito. Na habag na siya para rito.
" Isabel, pag katapos mo makipag usap sa nanay mo, uuwi ka naba sa inyo? iiwan mo ako?"Tanong ng binata na malungkot ang mukha.
Tinignan niya ito sa mata. " Tristan, ano ba ako saiyo? Ano ba ang dahilan mo kinidnap mo ako mula kay James?"
"Dahil mahal kita." Walang paligoy nitong sagot.
"Mahal? paano mo ako mamahalin may asawa akong tao Tristan.” Hindi niya inalis ang kanyang mata sa pag ka titig sa mukha ng binata.
"May asawa ka nga, pero sinasaktan ka naman. Isabel, sa akin ka lang mamahalin kita ng tapat, at hindi kita sasaktan" Seriouso saad nito
"Hindi mo ako sasaktan? Niloloko mo nga ako. Bakit hindi mo sinasabi sa akin na may anak pala kayo ni Arlen."
Nagulat ito sa sinasabi niya.” Saan mo ba narinig iyan?"
Nag kibit balikat siya sa rito.
“Isabel, hindi ko anak ang anak ni Arlen, at wala kaming relation, mag ka babata lang kami. ako lang ang tumayo bilang ama ng bata para ma binyagan ito" Paliwanag nito.
Biglang nag liwanag ang kanyang mukha. Ayaw man niyang aminin nahulog na ang loob niya rito. Lagi siyang pinapangiti nito.
" Kung wala kayo relation ni Arlen, bakit ang lambing niyo sa isat isa?"
"Ang kulit mo, mag kababata nga kami. Nag seselos kaba?" Tukso nito
"Hindi ah!" Mabilis niyang tanggi rito.
"Uy... Nag seselos siya, ibig bang sabihin niyan mahal mo na ako?" Naka ngiti nitong tukso sa kanya.
"Lubayan mo nga ako" Tinalikuran niya ito.
"Isabel!" Tawag nito sa kanya.
Hindi niya ito nilingon.
“ Isabel, naninikip ang dibdib ko Isabel."
Matagal tagal bago niya ito lingonin.
Nanlaki ang kanyang mata ng makita ito naka higa sa sahig kalapit sa bangka nito.
Napatakbo siyang lumapit dito. “ Tristan?" Niyogyog niya ito.
Napag igtad siya sa gulat ng bigla siyang yakapin nito.
"Mahal mo na talaga ako," Naka ngiti nitong wika.
Sa inis niya itinulak niya ito.
" Uy ayaw pa umamin" Tukso nito sa kanya.
Nakita niya ang sagwan hinampas ito sa binata.
" Isabel ibaba mo yan masakit yan" Maktol nito na panay ilag.
Hinawakan ng binata ang sagwan, at kinabig siya palapit rito.
"Mahal kita, na love at first sight ako sa iyo nong una kitang makita" Seriouso nitong sabi sa kanya
" Isabel, sabihin mo lang na mahal mo rin ako ipag lalaban kita kahit hanggang kamatayan" Anito na lumlam ang mga mata naka titig sa kanya.
Napa tahimik siya. Sigurado na siyang iwanan ang asawa niya, mahal na niya ang binata " Mahal din kita Tristan" Tugon niya rito. Siniil siya nito ng halik.
" Kuya, kakain na daw tayo" Putol ng kapatid na si Anggie sa kanilang pag hahalikan.
Napangiti sila pareho, hinawakan ni Tristan ang kanyang kamay papasok sa loob ng bahay. Ramdam niya na ligtas siya kapag kasama ang binata.
"Have you heard anything about Isabel?" Tanong ni James sa ina ni Isabel ng puntahan ito sa bahay nila.
Hindi sila tumi-tigil sa kakahanap kay Isabel.
"No,' I wonder where she went." Tugon nito
"She needs to be home, I received her visa, it has been approved." Wika ni James
Tuwang tuwa ang ina sa balita nito.
Kailangan mahanap niya ang kanyang anak sa madaling panahon para maka pag abroad na ito.
"What if, she won't comeback what should we do?" Tanong nito sa ina
"She will coming back James, don’t you worry" Anito. Agad nag paalam si James kay Emie uuwi na ito.
Matapos mag hapunan ni Isabel agad tinagawan ang kanyang ina kung hindi ba sila sinasaktan ni James.
"Helo? Sino to?" Tanong ng ina ng hindi ma kilala ang numero ginamit niya pantawag.
"Helo nay!
" Isabel, anak na saan ka?" Konot noo nitong tanong ng ma bosesan siya nito.
" Nay, okay lang po ba kayo diyan?”
" Anak umuwi kana nag alala kami sa iyo. Approved na ang visa mo anak." Wika nito.
Tumahimik siya ng marinig na approved na ang kanyang visa " Nay hindi napo ako babalik diyan.” Sigurado na siya hindi na siya babalik kay James.
"Bakit anak, ayaw mo na ba kay James? Lagi ka niyang hinahanap."
Napa hikbi siya " Nay lagi po ako sinasaktan ni James hindi ko na po kaya nay. Hindi napo ako masaya sa pag sasama namin bilang mag asawa.”
" Anak baka hindi niya sinasadya masaktan ka, baka na bigla lang siya anak." Pangumbinsi nito.
" Nay, hindi na po ako uuwi diyan.” Ulit niya sa ina.
Tumikhim ang ina. " Buo naba ang decision mo anak?"
"Upo nay. Buo napo.”
" Okay anak, wala akong magagawa kung yan ang decision mo. Ayos ka lang ba riyan?”
“ Upo nay, ayos lang po ako rito masaya po ako rito nay.”
“ Sige anak masaya rin ako para sa iyo. Na saan kaba ngayon?”
"Nasa Santa fe po ako nay, ayos lang po ako wag niyo po akong alalahanin."
" Okay anak, basta importante maayos ka riyan. Pwedi naman siguro ka naming dalawin ng itay mo riyan miss na miss kana niya." Anito na malungkot ang boses.
" Upo nay, magugustuhan niyo po dito nay, maliit na island lang po to, tapos, malapit kami sa dagat maraming sariwang isda. Sabihin niyo lang nay kailan kayo pupunta dito para, mapag handaan kayo ni Tristan ng sariwang isda." Masaya niyang kwento sa ina.
“ Sige anak sasabihin ko sa itay mo na ayos kalang riyan. Nag alala kasi siya sa iyon.” Agad na itong nag paalam dahil may gagawin pa raw ito.
Natuwa siya ng malamang okay lang ang kanyang pamilya. Hindi ito sinasaktan ni James. Naisip niya ang sinabi nito na approved na ang kanyang visa, pero buo na ang kanyang pasya na dito na siya. Hindi na siya aalis.
" Kumusta ang pamilya mo?' Tanong ng binata ng lapitan siya nitong naka upo sa tabi ng dalampasigan.
" Ayos lang sila, hindi naman sila ginulo ni James." Masayang balita niya rito.
"Mabuti naman kung ganon, at least maka hinga kana ng maluwag.”
" Tristan approved na nga pala ang visa ko."
"Sasama ka ba?" Seriouso itong naka titig sa kanya.
" Buo na ang pasya ko, hindi ako aalis dito lang ako sa iyo Tristan." Naka ngiti niyang sabi rito.
Sa subrang tuwa ng binata niyakap siya nito ng mahigpit at hinalik halikan.
“ Mahal na mahal kita.” Bulong nito sa kanyang tainga.
“ Mahal rin kita Tristan. Masaya ako sa tabi mo.”
Maya maya nag aya itong pumasok sa loob dahil malamok na. Hinalikan siya nito sa labi bago siya pumasok sa kanyang silid.
Hindi na alis sa kanyang isipan ang pag uusap nila ng kanyang ina ng maka higa siya. Tila nag bago na ito. Na uunawaan na siya hindi na siya pinipilit nito.
Lumalim na ang gabi, dinalat na dilat parin ang kanyang mata. Naisipan niyang silipin ang binata. Tumayo siya at sinilip niya ito. Mahimbing itong natutulog sa tabi ng kapatid at ina.
Bumalik siya ng higa, kahit anong pilit niyang ipikit ang kanyang mata hindi talaga siya dinalaw ng antok. Sinilip niya ang orasan mag alas 2 na ng madaling araw.
Nabigla siya ng may kuma-kalabog sa labas ng silid niya.
"Wag po wag po, parang awa niyo na," Narinig niyang iyak ng ina ng binata at iyak ng kapatid.
Lalabas sana siya ng pinto ng marinig ang boses ni James.
"You son of a gun! Where is my wife?" Galit nitong tanong sabay suntok kay Tristan.
" kuya!" Sigaw ni Anggie ng pinag tutulongan bugbugin si Tristan.
Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib ng marinig ang mga ito.
"Isabel?!" Malakas na tawag ng kanyang ina sa kanya.
"Nay?" Naisambit niya sa sarili ng marinig ang boses nito.
"Wala dito si Isabel."
Narinig niya ang pag sinungaling ni Tristan.
"Liar!!" Singhal ni James sabay hampas sa mukha ni Tristan ng baril.
"Lumabas kana Isabel para walang masaktan." Sigaw ng kanyang ina.
Pilit lumaban ni Tristan ngunit tinutukan siya ng baril ni James.
"Anak wag kana lumaban" Umiiyak na saway ng ina na si Emily.
" Isabel come out!" Galit na utos ni James.
Na nga-ngatog ang kanyang mga tuhod da takot na lumabas ng kwarto.
"There you are, my Isabel." Nilapitan siya ni James.
Nangi-nginig siyang naka tingin kay Tristan naka luhod ito habang tinutukan ng baril ng kasamahan ni James.
Habang ang ina at kapatid tinutukan ng baril ng iba pang kasamahan ni James.
" Please let them go James." na iiyak niyang pag mamakaawa rito.
" Isabel!! Pinag alala mo kaming babae ka." Galit na wika ng ina sa kanya at sinampal siya nito ng malapitan siya.
" Nakaka hiya ka, ni loloko mo si James, malandi kang babae ka." galit nitong sabi sabay hila sa kanya.
"Nay, akala ko ba na iintindihan mo ako, pero bakit mo ako pinahamak nay?" Naiiyak niyang sumbat.
" Uwi na tayo Isabel." Hinila siya nito palabas ng bahay.
" Isabel, wag kang sumama!" Sigaw ni Tristan.
"Shut up!!" Sigaw ni James at sinuntok si Tristan.
" Stop it James." Nag pumiglas siya mula sa pag kahawak sa ina. Patakbo niyang nilapitan si Tristan.
Lalo ng galaiti sa galit si James ng yakapin niya ang binata. Hinila siya nito sa buhok palayo sa binata.
"Dont hurt her!" Sigaw ni Tristan.
Agad siya hinablot ng ina palayo kay Tristan. Pinag susuntok at pinag sisipa si Tristan ni James. Tinutok ang baril sa ulo nito.
"I will kill you!" Sigaw nito sa galit.
" Dont! Please!" Hinarang ni Isabel ang sarili kay Tristan ng maka wala siya sa kanyang ina.
"I'm going with you,just dont hurt him please! Let them go." Pag mamakaawa niya habang hinawakan ang baril ni James pababa.
" Isabel please, wag kang sumama." pakiusap sa kanya ni Tristan.
" You're a cheater b***h!" Bulyaw nito sabay sampal sa kanya ng ubod lakas. Napa tumba siya.
Nilapitan siya ng ina at hinila patayo saka muli siyang hinila palabas ng bahay.
"Lets go James." Baling nito kay James.
" If I catch you again near her, I would kill you!" Mariin na pag kasabi ni James at muling hinampas si Tristan ng baril sa mukha bago ito tuluyan lumabas ng bahay.
Napa higa si Tristan sa subrang bugbug natamo niya.
"Anak parang awa muna wag kana mag matigas." Pakiusap sa kanya ng ina ng subokan niyang tumayo.
Walang humpay ang pag iyak ni Isabel na sumama sa mga ito. labis siyang nasaksaktan at naawa kay Tristan.
"Hindi sana mang yayari ito Isabel kung hindi ka sumama sa ibang lalaki, kasalanan mo rin ito.” Sisi sa kanya ng ina.
" Isabel!" sigaw ni Tristan na sumunod sa kanila. Ni lingon niya ito.
Dalawang malakas na putok ng baril ang duma-dagundong sa kapaligiran
" Tristan!!" Sigaw niya ng makita bumagsak ito sa lupa.
Patakbo niyang sinugod si Tristan, ngunit mabilis siyang nahawakan ni James.
Gusto niyang magsalita pero walang boses na lumalabas sa kanyang bibig.
Ang iyak ng ina at kapatid ni Tristan ang kanyang naririnig. Hinila siya ni James palayo sa lugar na iyon.