Nagising siya ng maaga kinabukasa. Agad siyang lumabas ng kanyang silid. Na pangiti siya ng matanawan si Tristan pababa ng bangka may bitbit itong sariwang isda.
"Sino ka sa buhay ni Tristan?" Tanong ni Arlen sa kanya ng malapitan siya nito.
Napawi ang kanyang ngiti ng makita si Arlen, ito yong babae nakita niya maaga ni lalandi si Tristan.
Hindi niya alam anong isasagot rito. Hindi niya pwedi sabihin kinidnal siya nito.
"Sino nga ba ako sa buhay ni Tristan?" Naitanong niya sa sarili. Hindi siya nililigawan nito at alam nitong may asawang tao siya.
Sinabi nitong mahal siya, pero dahil yon sa nagtatalik sila.
"Sino nga ba ako sa iyo? " Na gugulohan niyang tanong sasarili.
"Kung sino ka man sa buhay niya mas mabuti pang layuan mo siya. Pag patuloy nito ng hindi siya maka pag salita
"Hindi mo naman siguro gustong alisan ng ama ang anak ko?" Wika nito saka nag martsa palapit sa binata
Hindi niya alam paano igalaw ang kanyang sarili sa narinig. Tila na manhid ang buo niyang katawan sa pinag sasabi nito.
Tumingin siya sa mga ito, masaya itong inakbayan ng binata habang ang isa nitong kamay ay hawak ang sariwang isda.
"Ang tanga tanga ko nag papadala ako
sa bugso ng damdamin ko." Malungkot niyang sabi sa sarili
"Isabel, mabuti gising kana, tignan mo naka huli ako ng isda" Masayang wika ni Tristan ng malapitan siya nito.
Tinapunan siya ng matalim na tingin ni Arlen, kaya dali dali niyang tinalikuran ang mga ito.
" Anong nangyari dun?" Takang tanong ni Tristan.
"Arlen dito kana, mag agahan madami dami tong isda na huli ni Tristan. " Yaya ng ina ng binata
Masaya naman itong pina unlakan ni Arlen.
" Hija may sakit kaba? Matamlay ka ata?" Puna ng ginang sa kanya ng mapansin siyang matamlay ng nasa hapag kainan sila.
"Masakit lang po ang ulo ko." Pag dahilan niya
"Humigop ka ng mainit na sabaw hija, tapos mag pahinga ka ulit." Nag alala ito sa kanya.
" Salamat po" Maikli niyang tugon at dali daling tinapos ang pag kain para maka alis sa harap ng mga ito,
Baka hindi mag tagal bubulagta na siya sa harap ng mga ito dahil sa mga matatalim na tingin ni Arlen sa kanya.
"Arlen, sino nga pala ang nag babantay sa anak mo?"
Narinig niyang tanong ng ginang kay Arlene ng makasapok siya sa kwarto.
"Nasa kapatid ko po." Tugon nito
Tristan dalawin mo naman ang anak mo" Baling ni Arlen kay Tristan
Kumirot ang puso niya sa katutuhanan narinig. Nahulog na ang puso niya dito pero may anak na ito.
" Ang tanga tanga ko talaga,umibig pa ako may asawa akong tao." Napangiwi siya ng maalala si James.
Gusto niyang lapitan ang binata para matawagan ang ina, pero parang linta si Arlen naka pulopot rito.
Narinig niya ang dalawang nag papaalam na pupunta ito sa bahay ni Arlen.
"Aling Emily, saan po ba tayo pweding maka tawag dito?" Tanong niya ng makitang mag isa itong naka upo sa labas ng bahay
" Naku hija nasa bayan pa" Tugon nito
"Hintayin mo nalang si Tristan para masamahan ka sa bayan.”
Nag papaalam siya dito na mag lakad lakad muna. Naisipan niyang puntahan ang sasakyan ng binata baka mahanap niya ang kanyang celphone sa sakyan nito.
Hindi niya namalayan malayo layo na pala ang nilakad niya
"Pare, may chicks" wika ng lalaki sa isang kasama nito, ng maka salubong niya
" Miss ang ganda mo naman at ang puti puti mo pa." Wika ng lalaking naka salubong niya.
Akma siyang hawakan nito pero madali siyang naka ilag
Nag tatakbo siya palayo sa mga ito na laglag ang kanyang scarf. Hindi na niya na isipan pang pulutin. Hinabol siya ng dalawa. Sa kakatakbo niya na punta siya sa gubat.
Kumakabog kabog ang kanyang dibdib sa subrang takot. Nag tago siya sa likod ng malaking puno.
"Tristan.” Mahina niyang sambit sa pangalan ng binata.
"Babe nasaan kana babe?" dinig niyang wika ng isang lalaki
" Babe lumabas kana wag kang matakot hindi ka namin sasaktan."
Wika ng isa pang lalaki
Na ngi-nginig ang kanyang katawan sa subrang takot habang naka kubli sa likod ng puno.
" Babe, wag mo na kaming pahirapan pa, mahahanap ka din namin" Wika ng isang lalaki
Palapit ng palapit ang mga hakbang ng mga ito.
Naapakan niya ang maliit na puno naka likha ito ng ingay.
Nakita niya ang dalawa naka tingin sa kanyang pinag kublihan at mabilis itong nag lakad pa punta sa kanyang kina roroonan.
Binilisan niya ang kanyang pag takbo. Habang hinabol siya ng mga ito.
" Nay nasaan ba si Isabel?" Tanong ni Tristan ng maka uwi ito sa kanila.
"Nag papaalam yon sa akin kanina na mag lalakad lang daw siya, kanina pa iyon naka alis anak."
Hinanap niya ito sa dalampasigan kung saan ito madalas mag lakad lakad pero hindi niya makita
Kanina pa siya pa balik balik hindi parin mahanap si isabel, kinakabahan na siya.
" Isabel, wag mo naman sana akong takasan" wika niya sa sarili.
"Anak, baka nag punta ng bayan, nag tatanong yon kanina ng telephono." sabi sa kanya ng ina ng maka balik siya sa kanila.
Mabilis ang kanyang mga hakbang na tinungo ang kanyang sasakyan
Nakita niya ang scarf,na nalaglag nito sa pag takbo. pinulot niya ito, kinabahan siya ng makilala ang scarf.
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ng binata ng makita ang mga marka ng tsinilas papunta sa kagubatan.
Hindi niya na intindihan tila ba may nag udyok sa kanya na sundan ito.
Sa kakatakbo ni Isabel, hindi niya napansin ang nakaharang na natumbang puno napa subsub siya dito.
Mabilis naka lapit sa kanya ang dalawang lalaki.
Hinawakan siya ng mga ito.
" Bitiwan mo ako.” Nag pupumiglas siya.
"Pinagod mo pa kami sa kakahabol saiyo." Wika ng isang lalaki na ngumi ngisi.
Kinagat niya ang kamay nito na naka hawak sa kanya.
Sinampal siya ng ubod lakas nito sa kanyang bibig. Pumutok ang kanyang labi
" Nasaktan ka tuloy, bakit ka kasi nangangagat babe, papasarapan ka lang naman namin" Wika ng isang lalaki.
" Parang awa niyo na pakawalan niyo na ako." Nangilid ang kanyang luha.
Pinilit siyang hiniga ng mga ito. Hinawakan ang kanyang mga kamay ng isang lalaki.
Habang ang isa
ay pilit hinubad ang kanyang pang ibaba. Pilit siyang nag pupumiglas.
" Saklolo, tulongan niyo ako" Halos pumiyo na ang kanyang boses sa kakasigaw.
"Walang makakarinig saiyo dito, wag ka nalang sisigaw mapapagud ka lang"
Akma itong pumatong sa kanya ng may biglang humampas nito sa ulo.
Agad hinampas sa ulo ni Tristan ang lalaking humawak kay Isabel.
Agad niyang ni yakap si Isabel ng mabitiwan ito ng lalaki na bumulagta.
"Isabel, ligtas kana." Alo niya sa hintakutang si Isabel.
Tumawag ng pulis si Tristan at dinampot ang dalawa.