Julia POV
Naiinis akong umalis para bumili ng pagkain, Nababadtrip ako sa kanila, hindi daw Masamang tao e yung itchura nila mga mukang badboy, di nila ako mauuto no marunong akong kumilatis ng isang tao! at alam ko kung anong ugaling meron sila.
ayoko sa room kumain dahil naiistress lang ako pag don, ayoko naman sa canteen kumain kasi nakakahiya.. kaya nagpasya akong dito nalang sa bakanteng puno kumain, mas komportable ako, mas makakagalaw ako ng maayos.
Ilang sandali lang habang kumakain ako ay may lumapit sa akin na tatlong babae, sila naman yung sinasabi ko kanina na ansama ng tingin sa akin.
"Hi? why are you eating there alone? pwede mo naman kaming yayain para samahan ka eh" Sabi ng babaeng nasa gitna, nakakatuwa lang kasi di pala sila ganon sa inaakala ko, Lumapit siya sa akin, akala ko tatabi siya sa akin pero nagulat ako ng ibinuhos niya akin ang dala niyang coke.
"Ahyy! ano ba!! ano bang ginawa ko sa inyo bakit niyo nagawa sa akin ito!" Sabi ko pa habang nakacross arm dahil tinatakpan ko yung basang damit ko atchaka napaka lamig din kasi.
"Stupid! sa tingin mo talaga makikipag kaibigan kami sayo! atchaka isa pa girl wag kang masyadong linta! kabago-bago mo palang dito nilalandi mo na agad si ken!, i warn you! wag na wag mo na ulet kakausapin si ken, dahil makakatikim ka ulit sa akin!"
Napatingin ako ng masama sa kanila habang tumatawa silang tatlo sa akin, tumingin ako sa paligid andaming istudyante ang nakatingin sa amin, sa sobrang inis ko ay kinuha ko rin yung coke ko at fasta atchaka ay ibinuhos ko rin sa kanila, napatingin sila sa akin at nagulat ang mga istudyanteng nanonood sa amin sa ginawa ko, ano bang akala nila? na katulad ako ng ibang nerd na lampa, na di marunong lumaban!
"what the fu*ck!" Sigaw ng isa pang babae tinignan ko sila, nanlilisik silang napatingin sakin.
"Ano? masarap din bang maligo sa coke ha? andaming niyong dama! First of all diko kilala kung sino yung ken sinasabi mo, napapraning kana yata eh! pangalawa uunahan kona kayo! wag niyo kong mabully bully, oo nerd ako... pero kaya ko pang maging mas masama kaysa sa inyo! yung ken lang pala yung dahilan kung baket g na g ka eh, ed sayo na kainin mo ng buhay! at kung magsusumbong ka sa prinsipal office ed gooo, ikaw naman nanguna, see andaming nakakita!"
Sabay umalis na nga ako, iniwan ko silang parang mga basang sisiw don, Hahahaha ano bang akala nila hindi ko sila lalabanan, di na bago sa akin yung ganitong eksena yung bubullyhin ako pero lumalaban ako, kaya yung nambubully sa akin tumitigil kasi binubully ko din sya astig diba Hahahaha!
Nakakainis pa nga kasi wala pala akong baon na damit hays! nagstay lang ako don sa locker ko ng ilang saglit dahil diko na alam kung saan ako kukuha ng damit, ng may lumapit sa aking isang babae, maganda siya mistisa at talagang nakakaatrac yung eyeball nya na sobrang itim tas malaki, mahaba din yung pilikmata nya kaya nag mistulang barbie itong babaeng ito.
"Wala ka bang masusuot?" Tanong niya sa akin habang nakangiti, ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.
"Sa totoo lang, kakapasok ko pa lang kasi ngayon kaya di ako nakabaon ng mga damit, kaya wala akong pamalit hihihi" Nahihiyang sabi ko sa kaniya at napangiti siya.
"Pahiramin kita, marami akong damit na naka tabi don sa locker ko, tara sumunod ka sa akin"
Di na ako tumanggi dahil sobrang kelangan kona talagang magpalit, napaka lagkit ko na, pinahiram niya sa akin yung isang longsleeve, pinapili niya kasi ako ng pwede kong hiramin kaya ito nalang pinili ko, kesa naman Magsuot ako ng mga t-shirt di naman ako sanay na nakikita ang braso ko, paglabas ko sa banyo ay napangiti siya.
"Marami naman akong magagandang damit, bakit di yun ang hiniram mo?" tanong niya sa akin kaya napangiti ako.
"Di kasi ako sanay magsuot ng t-shirt o sando, ayoko kasing nakikita yung braso ko eh, atchaka nasanay narin ako na balot na balot yung sinusuot ko" Natawa naman sya sa sinabi ko.
"Bakit naman? nakita ko yung braso mo, maputi ka naman, wala namang peklat wala karin namang ketong bakit tinatago mo? baka mas lalo kapang gumanda kapag pinakita mo, wala namang masama eh" at natawa rin ako sa Sinabe niya, seriously? ako maganda saan banda hahaha! "Bytheway ako nga pala si jhanna, juls right?
"Teka? paano mo Nalaman?" Nagtatakang tanong ko
"Ano kaba kaklase kita no Hahahaha"
Nagtawanan kami pareho at sabay na kaming pumasok sa room, classmate ko pala sya bakit di ko sya nakita kanina Hahaha, kinabahan din ako kasi kala ko late na ako sa susunod na subject pero di pala, mahaba talaga ng breaktime dito sa university na ito, pag pasok ko sa room ay napatingin ako don sa mga babaeng sinugod ako kanina, tinarayan lang nila ako at tinarayan ko rin sila di ako papatalo no!
Matapos ang isang araw ay sumapit na ang umaga, papasok nanaman ulit ako, Pero inagahan ko yung gising maaga din ako nakapasok, nangangamba kase ako baka late nanaman ako kaya inagahan kona kahit ako palang yung pumapasok at medyo madilim pa yung langit pero eksaktong 6 nayon ng umaga.
Naglalakad ako magisa sa campus at naupo muna saglit nung napagod "Grabe ang aga ko naman, Ako palang yata ang istudyante dito eh tsk" Maya-maya pa ay may tumabi sakin, Nilingon ko at don nakita ko nanaman tong lalaking to! Nakakainis sya ha? "Oh? Anong ginagawa mo dito ha?"
"Mag-aaral" tipid niyang sagot sa akin habang nakatingin lang sa mukha ko.
"Dika lang pala bastos eh, pilosopo karin, ano bang ginagawa mo dito?" Nakataas kilay kong tanong sa kaniya habang ang mokong ay nakangiti lang habang nakatingin sa akin.
"Grabe ka naman, tumabi lang naman ako sayo eh masama ba yun?" Sagot niya pa gamit ang pacute effect kala naman nya effective sa akin.
"F.Y.I lang ha? May isa pang upuan don oh? Pwedeng dun kana lang umupo?" Pagtataray ko pa sabi sa kanya.
"Ang sungit mo naman miss, Parang tatabi lang e, atchaka wag kana ngang masungit sa amin wala naman kaming gagawing masama sayo, makikipag kaibigan lang talaga kami.." Nakangiti nya pang saad sa akin.
"Makikipag kaibigan? Bakit anong rason? hindi ko kailangan ng kaibigan lalo na't kung kayo yon! Atchaka wala akong balak sayangin ang oras ko sa inyo!" At don ay tumalikod na ako sa kanila bwiset kukulet e.
ken POV
Tapang talaga nya Hahaha, kakaiba sya ha? hindi ba tumalab sakanya kagwapuhan ko? wird nya naman kung ganon Hahahah.
"Ang lakas naman ng loob ng babaeng yon bastusin grupo natin Di niya ba tayo kilala?" Galet na sabe ni clyde, sa lahat talaga ng member siya pinaka mainitin ulo Hahaha.
"hindi pa tayo kilala niyan Remember? Transferi sya diba?" Singit pa ni jhon habang ngumingisi.
"Kaya nga, hayaan niyo lang! Kapag naman nalaman nya kung sino talaga tayo for sure naman ako na matatakot yon sa atin, gaya din ng ibang babaeng nadali natin diba?" Pachill na sabi pa ni rome.
"Hahahahha nicee rome, may utak ka papala? Hahahaha, So pano nayan master, Ano ng plano?" Biglang seryosong tanong ni gino.
"May plano na ako" Nakangisi kong saad sa kanila, ayaw niyang madaan sa maayos na usapan ha? Sige.. Idadaan ko sya sa sapilitan Hahahaha.
Julia POV
Maya maya pa ay tumunog na yung bell, hudyat na magsisimula na ang klase, medyo di ako nainip kasi magaling naman magturo yung adviser namin eh, Ilang oras pa ang lumipas ay lumabas manga yung first sub teacher namin, ay nag simula nanamang umingay, ahyy! Kahit kahapon palang ako pumasok dito sa section na ito parang kilalang kilala kona mga kaklase ko, Sige ikukwento ko yung mga kalokohan nila, nagsimula na akong pumasok sa magulong mundo ko ay este section ko, yung mga classmate ko may mga sari-sariling mundo, Yung iba puro papogi, Kala mo naman gwapo tsk! Yung iba naman palakopya! Kulang nanga lang pati pangalan mo kopyahin na ei, At yung iba abusado! Inaabuso ang kabaitan ng iba nakakaawa nga lang kasi naabuso na sila, meron ding bully! Akala mo naman kung sinong matatapang pag pumalag naman yung binubully nila takbo sila Hahaha, At meron ding mga manyak, Naninilip sa banyo ng mga babae, Kapag nahuli naman sila yun pinagsasampal sila buti Nga yun sa kanila, At Ito nanaman ang lalaking to, Alam nyo ba na nagiiba talaga timpla ng mukha ko kapag nakikita ko sya, gwapo sana ei basura nga lang yung ugali diko lubos maisip kung anong meron sa kanya, Sa room namin yan lagi ang nasusunod tas lahat ng nakapaligid sa kaniya ginagawa nyang alipin, diba nakakaurat! At itong mga kolokoy naman ito nagpapauto din, Kung ako sa kanila wag nilang sundin yung lalaking yon no nakakainis Sarap bigwasan ei, yan ang dahilan kung bakit iilang teacher lang ang pumapasok sa section namin, napaka ingay kasi, halos lahat ng teacher suko As in! Diko lubos maisip na dito lang ako babagsak ahys! Mayamaya pa ay napatakip nalang ako sa tenga ko sa sobrang ingay, Hindi kona kaya pang magstay dito, nababangga na kasi ako ng mga naghaharutan sa likod kaya lumabas muna ako para makapahinga naman itong tenga ko.
Sa kalagitnaan ng pagpapahangin ko sa labas ay biglang may tumawag ng pangalan ko.
"Oh janna? bakit andito ka? nga pala yung longsleeve bukas kona ibibigay sayo auh? lalabhan ko muna, salamat ulet" sabi ko sa kanya habang nakangiti.
"Sayo na yun, hindi ko naman na sinusuot yun eh, at para don sa tanong mo kanina kung bakit ako nandito sinundan talaga kita, naingayan din kasi Ako sa loob" Nakangiting sabi niya sa akin. "Alam mo? ang gaan ng loob ko sayo, tagal ko ng nagaaral dito pero wala akong naging kaibigan, sa tingin ko ikaw ang magiging kaibigan ko dito, mukang magkakasundo tayong dalawa" Dugtong niya pa.
"Alam mo kasi janna, mabait naman talaga ako, sa mabait sa akin, pero kung demonyo ugali mo? Nako! Mukang magiging mortal tayong magkaaway" At bigla akong natawa sa sinabi ko HAHAH totoo naman e!
"Dontworry, feeling ko magiging mas close tayo" sabi nya pa at natawa at ganon din ako.
"Hahahaha, ano nga palang sadya mo? Bakit moko sinundan?" Biglang seryoso kong tanong
"kasiii.. Bukod sa gusto kitang maging kaibigan, Marami ka pang di alam dito campus natin"
"Ha? Ano ibig mong sabihin? May kababalaghan bang nangyayari dito sa university na ito?" At natawa ulit ako sa sinabi Ko Hahaha nakakaloka Pilosopo talaga ako kausap e sorry.
"Wala no, Ano kaba! Mga nagdadala ng lagim pwede pa" At sabay ngisi naman siya.
"Anong ibig mong sabihin?" Napakunot noo Kong saad sa kanya, nacurios agad ako ha?
"juls... Magiingat ka ha? Baka kasi ikaw yung next target nila ei, Napapansin ko kasing laging nakatingin sayo si ken, Im sure ako na ikaw yung next target nila kaya plss magingat ka" Sabi nya gamit ang natatakot at may halong pagaalala na tono.
"Ken?
i warn you! wag na wag mo na ulet kakausapin si ken, dahil makakatikim ka ulit sa akin!
"Teka nga? sino ba talaga yung ken na yan, bakit parang related na related siya sa akin hindi ko naman siya kilala, inaway ako ng babae ng dahil sa ken na yun, deretshohin mo na nga lang ako, sino ba yung ken nayon? Bat ako magiingat sa kanya?!" Mas lalo akong nacucurios guys, nakakapagtaka kasi.
"Inaway ka ni Lyka dahil patay na patay sya kay ken, wala namang pake si ken sa kaniya, at si ken kasi yung leader ng fbad gang, means fall'n badboy, binansagan silang ganon dahil madami na silang natotorsure sa university na ito, Binubugbug nila hanggang sa malumpo, swerte na nga lang kung lumpo lang ei, yung iba kasi tinutuluyan nila kaya yan yung rason para katakutan sila ng lahat ng istudyante dito sa campus, at sa mga babae naman masyado rin silang delikado, marami na kasi silang napuntirya sa mga babae, Kada 1 year nagpapalit silang ng bibiktimahin, di ka naman nila papatayin, Kakaibiganin ka nila kukunin yung loob mo, At pagtapos non sasaktan ka.. Syempre bago yun kukunin nila yang pagkatao mo, i mean Kaylangan ka nilang magalaw, Kaya magingat ka ha? Kapag nalampasan mo yan sila hahanga talaga ako sayo, Kasi juls sa dinami daming babaeng napuntirya nila, ni kahit isa wala pang nakaiwas sa kamandag ni ken, nahuhulog agad sila dahil napaka gwapo ni ken, kahit na andami na nung nagawang kalokohan sa university na ito mahal parin talaga siya ng mga babae, Charming naman talaga kase sya! sama nga lang ng ugali" Mahabang salaysay niya sa akin.
"ken? Teka nga Ilan sila sa grupo?" Sabi ko gamit ang boses na halatang alam ko na kung sino sino sila.
"Madami sila juls, pero apat lang yung laging kasama ni ken sila clyde, Rome, Jhon at si Gino, At Si ken yung leader nila o mas kilala sa tawag nilang master"
sabi kona talaga eh...
Sabi ko sa sarili ko ng makilala sila bwisit! imbis matakot ako lalo akong nainis sa kanila.
"Sabi kona ei, di talaga sila mapagkakatiwalaan, feeling ko ako nga yung next target nila, pero bakit ako? Di naman ako maganda ei atchaka wala silang mapapala sa akin!, yang mga fbad fbad nayan Ipapahiya ko yang grupo nila, nakakainiss hayss! Marami na palang gulo ang ginawa ng lalaking yan dito e bat di pa ikickout ng principal"
Nakooo guysss pigilan nyo ko nanggigil akoooo!
"Yun na nga ei, Maimpluwensya ang family ni ken, usap-usapan dito sa campus natin na binabayaran ng Mommy ni ken yung principal para lang di sya ikickout, Kaya magingat kana lang ha?" Nagaalalang sabi sakin ni Janna.
" Wala ako pakealam sa kaniyaaa! Ipapakita ko sa kanilang lima na maling mali sila ako yung napili nilang puntiryahin, Nakakabwisit!!!" Sigaw ko pa ng diko na napigilan ang inis, gustong gusto ko silang gawing panlimbag nakakaurat.
to be continued...