Chapter 3: KEN'S ASKED

1939 Words
Julia POV Nung nalaman ko kung sino talaga sila ay mas lalo akong nainis, napaka sama ng ugali nila! Ano bang rason nila ha? Baket kaylangan nilang maging masama sa ibang tao? Para ano? Para katakutan sila? Para sikat sila!, Ako pupuntiryahin nila? Sige! Ipapakita ko sa kanila na mali sila. Kinaumagahan ay maaga ulit akong pumasok mga ganung oras ulit, mga 6 ulit ng umaga nun pagdarasal ko lang talaga na wala yung limang salot sa buhay ko, mukhang wala naman sila kasi parang ako lang mag-isa don sa campus, naglakad lakad muna ako para kahit paano mabawasan yung pagkainip ko, sa pag lalakad ko ay may biglang bumuhat saking dalawang lalaki, yung isa nakahawak sa paa ko at yung isa naman naka hawak sa kamay ko, hindi ko sila nakilala dahil madilim, dinala nila ako bakanteng room, Sa Pagkakatanda ko yung room na yon di ginagamit. "ahHyyyy!" Pagpupumiglas ko sa kanila ng di pa nila ako binibitawan, ilang saglit pa ay inihulog ako ng dalawang lalaki, tumama yung pwet ko sa sahig kaya ang sakit nun, agad naman akong tumayo na di pinahalata na nasaktan ako, pinipilit ko silang kilalanin pero diko talaga sila mamukaan, siguro ang tanging paraan para makilala ko sila pag humarap na yung lalaking na sa tapat ng ilaw, Nakatalikod kasi siya sakin "Sino ba kayo ha! Bat niyo ko dinala dito!" Ng biglang humarap na nga yung lalaking na sa tapat ng ilaw at don nakita ko nga yung bwisit na lalaking to, Aba at ang salot ay ngumiti lang sakin na nakakaloko. "Hello baby girl, did you miss me?" nakangiti niya lang saad sa akin, talagang inaasar ako ng mokong nato ah! "Miss mo mukha mo!, hoy ikaw? ano nanaman ba ito ha? Pinakuwa mo ko para saan" Sunod sunod kong tanong sa kaniya, bakit ba kasi ayaw niya akong tigilan "Di ka kasi nadadaan sa maayos na usapan eh, Makikipag kaibigan lang naman kami sayo, Ano bang masama don?" Seryoso niyang sabi sakin. "Oo may masama don!" Sigaw kong sagot sa kaniya, nabubwisit na kasi ako eh, nakakaurat siya sobraaa! "Hahahahaha, masama na palang makipagkaibigan ngayon? hindi ako nainform don ha?" Natawa siya sa mga kalokohan niya hays. "bakit mo ko pinipilit makipag kaibigan sayo ha? kung talagang gusto mo kong maging kaibigan di moko pupwersahin!, atchaka isa pa alam Ko na binabalak niyo sakin, kala niyo ba wala akong alam ha? Alam ko na kung sino Talaga kayo, At para malaman niyo kahit kilala kona kung sino kayo! Hinding Hindi ako matatakot sa inyo, napaka laki niyo lang tanga kasi ako yung pinili niyong puntiryahin!" Sige magmatigasan tayo dito mga fbad! "bastos ka ba ha? matuto kang gumalang ha!" Susugudin na sana niya ako ng pigilan siya ng leader nilang mokong! "Ano pikon ka ha?, Di niyo mabibilog, Kung yung iba nasisindak niyo.. Pwes hindi ako, Di naman kasi ako uto uto, Di ako takot mamatay kaya kung papatayin niyo ko gawin niyo! Wag niyo kong sisindakin dahil kahit kelan di ako matatakot sa inyo! At ikaw?" Sabay duro ko kay ken "Bakit mo ba ito ginagawa? may atraso ba yung mga babae sayo Sainyo ha? para gantohin niyo sila, diko rin maintindihan yung ibang babae kung bakit naakit mo sila ng ganon ganon na lang, ay! Baka naman naghuhubad ka sa kanila Haha oo baka nga, atchaka siguro marami ka nang naging babae no? expert na expert ka kasi eh Hahahaha" Natatawa ko habang pinagmamasdan sila, Hahaha sila naman bubwisitin ko. "Dami mong tanong, Pero wag ka magalala baby sasagutin ko yun isa-isa para sayo, una.. wala kanang pakealam kung bat ginAgawa koto sa mga babae, Wala kang alam sa mga pinagdaanan ko, Pangalawa oo! Naghuhubad ako sa harapan nila" At sabay hinubad niya yung tshirt nya dahilan para mapaiwas ako ng tingin "Kaya maghuhubad din ako sa harapan mo sure naman ako ns isa ka din sa mga magiging babae ko" dugtong niya pang sabi sakin habang nakangiting nakatitig sa mata ko, napalingon ako sa kaniya pero di ako tumingin sa katawan niya noh ang laswa! Paatras Lang ako ng paatras habang si ken Papalapit ng papalapit sakin habang nakatingin lang sa mata ko, wala na kong masabi dahil wala ng lumalabas pa sa bibig ko, nakatingin lang din ako sa mga mata niya, diko magawang mapaiwan ng tingin dahil parang na hypnotize ako sa mga titig niya, Hanggang sa wala na nga akong maatrasan at napasandal na lang ako sa pader habang nakakulong sa dalawang braso niya at di niya padin inalis ang tingin sa mata ko habang nag sasalita. "At oo pa din, madami na kong naging babae, mga 3k? Mali Mas madami pa don, At ikaw.. ikaw yung next, tandaan mo ito nerd.. wala akong hindi nakukuha, bibigay ka din sakin, alam ko namang nagpapahard to get ka lang, wag kang mag alala baby, di ako madaling sumuko, kapag ginusto ko makukuha ko..." sabay kalabit niya sa baba ko habang nakangising nakatitig sakin. Nanlaki yung mata ko ng lumapit pa lalo yung labi niya sakin napapikit akong tinulak siya ng malakas kaya bahagyang napaatras siya mula sakin "Ahyyy! Bastosss! Ganiyan kaba talaga ha? Napakawalang respeto mo sa mga babae, Ayy! Siguro nga di kayo tunay na lalaki, Kasi kung tunay kayong lalaki, Di nyo alam kung pano manakit ng babae!" Sigaw ko ulet sa kanila. "Teka ano ibig mong sabihing di kami lalaki ha? Nakakunot noong sabi sakin ng isa niya pang alipores! "Ano tanga lang? hindi mo gets? sige didiretsohin ko na kayo, Siguro nga mga bakla kayo, Kasi hilig nyo pumatol sa mga gilrs like me, naiinggit ba kayo sa mga babae ha? fbad boys Hahahahahahhahahaha" At nagsimula na kong matawa, natatawa ako e pake moba! "Mayayaman naman kayo diba? Try niyo kayang magpakabit ng s**o at pambabang ari ng babae ng sa ganon di niyo na kami inaaway Hahahahahhaa, okay nasasayang na oras ko bye-bye girlsss Hahahahaha!" At umalis ako sa room na yon na tawa lang ng tawa, totoo naman e, baka nga mga bading sila HAHAHA. Ken POV Sige pagtawanan mo lang kami nerd, ikaw naman ang pagtatawanan ko kapag Nakuha na kita, wala akong sasayangin na pagkakataon para sa babaeng yon, gagawin ko lahat mapa sakin lang siya dahil atat na atat na din akong saktang yung nerd na yun. "Kakaiba siya ha? konti nalang master masasapak ko na yung babaeng yon" Kalmang sabi ni jhon pero ang totoo inis na inis na siya, dinadaan niya lang sa ngisi. Susundan Na Sana ni clyde si nerd pero pinigilan ko, "Master hayaan mo na ako, pikon na pikon na ako sakanya!" "hayaan nyo na, hanggat paano wala munang gagalaw sa kaniya naiintindihan niyo ko? tandaan niyo, siya padin ang target kaya wag na wag niyo siyang magalaw galaw dahil kayo ang malalagot sakin naiintindihan niyo ko?" Pagbabanta ko pa sa kanila "Mastaer nakakainis lang kasi, sinabihan niya tayong bakla, wala man lang syang takot satin nakakapikon!!" Kahit kaylan talaga napaka mainitin ang ulo nitong si clyde. Napangiti nalang ako sa iniisip ko, may plano na ako.. diko sya sasaktan ng pisikal sa emosyon ko nalang siya papatusin HAHAHAHAHHAA. Julia POV Hanggang ngayun di parin maalis ang inis ko sa kanila, gustong gusto ko silang saktan pero di ko naman kaya dahil lima sila isa lang ako, aminado ako na wala akong laban sa kanila sa pisikalan.... pero kaya ko silang saktan sa salitaan lang, Malalaki naman kasi ang katawan nila kaya diko sila kaya, mamaya ihagis lang nila ako sa payat kong ito. Nagsimula na nanaman ang klase ng dumating ang kasunod na teacher, syempre ako dali-dali akong nakinig, nag-aral ako sa paaralan na ito dahil ayokong masayang ang binigay na scholar sakin ni maam Josephine, gusto kong bawian siya sa mga kabutihang ginawa niya sakin gamit ang matataas kong grade. Sa kalagitnaan ng pagtuturo ni maam ay ilang beses akong napapalingon sa likod dahil sa sitsit ng mga lalaki, pagkalingon ko ay nakita ko yung bwisit na lalaking ito na nakatingin lang sakin habang nakangiti, ang lakas talaga niya mang-urat, Tinarayan ko lang siya bilang ganti sa mga kalokohang ginagawa niya, akala ko matatapos na pero andaming papel ang gumulong sa ilalim ko, napalingon ulet ako sa limang lalaki sa likuran na tumatawa lang, seriously? ganyan sila kabastos, kahit may teacher na wala silang pakealam? yung adviser din namin sa english hindi rin sila pinapakealaman nakakainis lang, kung ako yung teacher kanina ko pa sila pinalabas mga walang modo! Agad kong pinulot yung mga papel sa ilalim ko, mga na sa anim na piraso din yon puro naka lukot, at sinimulan ko nangang buklatin yung isang lukot na papel at ito ang nilalaman Sa ayaw at gusto mo, sakin ka lang nerd naiintindihan mo ba? Napairap yung mata ko nung nabasa ko itong una, binuklat ko naman na yung pangalawa Anong size ng bra mo? curios lang ako para kasing flat ka HAHAHA Bwisit sya, ginagawa nya talaga ito para mas lalo akong mainis, magpigil ka julss.... magpigil ka hays! binuklat ko na yung pangatlo Tandaan mo, kahit anong galaw mo nakikita ko baby.. Baby baby dami nyang alam! at binuklat kona nga yung pang-apat Cute ng labi mo, halatang wala pang humahalik, pwede bang ako na ang mauna Kumunot ang noo kong naiinis sa tanong na to? Siraulo talaga walang magawa sa buhay! baby? ano bang gusto mo lights off o lights on? Lights off, para masakal kita ng walang humpay letche kaaaa!!! Virgin kapa ba? Umusok ang ilong ko sa huling tanong na itooo, napalingon ako sa kaniya na nakangiti lang habang nakatitig sakin, manyak talagaaa!! wala nangang respeto napaka bastos pa ahyyy! tinarayan ko lang sya at lahat ng mga binigay nyang tanong ay pinagpupunit ko, nakakainis.... Ilang sandali lamang ang lumipas ay nagsilabasan ang mga istudyante dahil free time namin ngayon, ako at ang limang salot nalang ang naiwan dito sa room, kanina pako nag titimpi sa kanila, kaya ngayon oras ko naman para galitin sila, lumapit ako sa kanila at binuhos yung punit punit na papel na kaninang may lamang mga tanong na mula sa pesteng ken na ito. "Ayan nga pala yung mga basurang tanong nyo!" Nagulat sila sa ginawa ko pero kalma lang silang nakatingin sakin habang nasa harapan nila ako. "Gagawa talaga kayo ng paraan para mainis talaga ako no?" dugtong ko pa. "Bakit nakakapikon ba yung tanong ko? di naman eh... curios lang talaga ako sayo kaya nagtanong ako Hahahaha" Letcheng to at nagawa pang tumawa!, yung bwisit na ken yung kausap ko dahil yung kasama nyang apat nakatingin lang sakin at nakikisabay lang sa pagtawa nya. "Ahh curios... curios pala yung tinatanong mo kung anong size ng bra ko, tas kung_" Natigilan ako ng putulin nya ang pagsasalita ko "Virgin ka pa? hahaha, oh baket masama bang malaman ko? so ano nga... virgin kapa ba?" napataas ang kilay kong napatingin sa kanya "Bakit ko naman sasabihin sayo? first of all di tayo close, at mas lalong wala akong balak mag share ng buhay sayo m******s ka!" At don umalis na na nga ako sa harapan nila, habang paalis nako ay rinig ko parin ang tawanan nila, sana gabaan tong mga bwisit natoooo!! to be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD