Chapter 6: DEAL

2318 Words
Ken POV Masyado akong nacurios tungkol sa laman ng USB na ito, kaya nag pasya muna kaming umuwi sa condo ko, yes oo! Meron pa akong isang condo, at hindi alam ni mommy yun, Atachaka wala akong planong sabihin sa kaniya dahil pag babawalan nanaman niya ako, ng makauwi kami sa condo ay pinanood namin agad yung laman ng USB at doon nakita namin yung sarili namin habang binubutas yung bike ni nerd. "What the f*ck!" Wala sa sariling sabi ni clyde habang ang mata ay nakatintingin padin sa tv. "alam pala nya?" Gulat namang sabi ni rome "Ang wais talaga nakakabanas!" Galit na sabi ni jhon habang nakakunot ang noo, hindi parin makapaniwala na alam ni nerd na mabubuliryaso kami. "Oo nga pala master.. May cctv pala don, tama siya di siya natakot sa ginawa natin para sa kaniya, Naging tanga lang tayo sa paningin nya! iniisip nyang wala tayong mga utak, Kaya ang magiging kinalabasan non, hindi nya talaga tayo kakatakutan" Wala sa sariling sabi ni gino, kahit siya ay nagulat din at talagang napahiya sila sa ginawa namin. "Letcheeeee!!! Di ka nakakatulong! hindi pwede ito, hindi tayo pwedeng sumuko nalang, Ano? Ng dahil sa iisang bababe susuko na tayo? maduduwag ba tayo? Kahit kailan hindi pa sumsuko ang Fbad naiintindihan nyo? Haaaaaa!!!!" Sigaw ko, kanina pa ako napipikon at talagang gusto ko ng patulan yung babaeng yon pero hindi pwede, napatahimik lang sila ng sumigaw ako, alam na nila mangyayari sa kanila pag ininis pa nila ako lalo. "o-opo mas_master" Utal na sagot sakin ni gino "yannnnn, napaka duwag mo kasi eh" Sangit pa ni jhon. "Alam nyo kasi, Bibigay din yung babaeng yun satin, Alam ko namang nagpapa hard to get lang yun eh, makukuha din natin yun kaya kumalma kayo diyan, parang di kayo mga lalaki eh" Kalmang sabi pa ni clyde Tahimik lang akong nagiisip sa gilid kung paano ko makukuha ang babaeng yun, napaka hirap niyang kalaban ha? pero hindi ako titigil... gusto ko ito, at lahat ng gugustuhin ko makukuha ko Hahahahaha. Julia POV Makalipas ang isang buwan ay naubos na ang allowance na binigay ni maam josiphine sakin, Nakakainis lang at sumabay pa ito sa problema ko, nakakahiya namang lunapit sa kaniya diba? kaya dagdag pa ito sa mga iisipin ko, siguro maghahanap nalang ako ng part time job para kahit paano may kitain naman ako para sa sarili ko. Tapos bigla pa akong kinabahan kasi pinatawag ako ni maam josiphine, nakupuuuu nakakapang hina ng tuhod yung mga iniisip ko na mangyayari, siguro bumaba yung grades ko kaya pinatawag nya ako para tanggalan ng scholar, ahyyyy! wag naman sana lord, Kinakabahan talaga ako... kaya agad ako nagexcuse kay maam Melany na kasalukuyang nagtuturo ng lesson para lang makausap si maam josiphine, Pinayagan naman ako ni maam melany. paakyat na ako sa 4th floor nanlalambot yung tuhod ko at parang ayoko ng tumuloy pero kailangan, sana lang talaga hindi ako tanggalan ng scholar ni maam dahil ito nalang ang pagasa ko, papasok na ako sa pinto at nabungaran ko nga agad si maam Josephine na nakaupo na tila hinihintay ako. "Maam?" Napa-upo nalang ako sa tapat ni maam habang kinakabahan na nakatingin sa kaniya "a_ano_ ano pong sasabihin niyo sakin? tatanggalan niyo na po ba ako ng scholar maam? Mababa po ba yung grades ko? Pleaseeee maam... kailangan ko po yung scholar ko, wag nyo naman po sanang tanggalin, magaaral po ko ng mabuti maam, wag nyo lang po tanggalin Please maam...." Sabi ko gamit ang pag mamakaawa na boses, natawa lang siya at napatingin sakin. "Ano bang sinasabi mo juls? hindi kita tinatanggalan ng scholar ano kaba.. Ang tataas nga ng grades mo eh" Nakangiti niyang sabi sakin kaya gumaan pakiramdam ko. At ako ito, nakahinga na ng maayos, kinabahan ako don ha? "ahm.. kung ganun po eh ano po bang pakay niyo sakin maam?" "Wala kanang mga magulang hindi ba? At alam Kong wala kana ding allowance dahil alam kong sasakto yung binigay kong allowance sayo sa loob ng isang bwan" "Ahh opo nga po maam eh, naubos na nga po hehehehe" nahihiyang tawa ko pa dahil totoo naman, nakakahiyang magsabi pero siya na mismo ang nagtanong. "May request sana ako sayo Juls" "Ano po yun maam? Anything po para sa inyo" Napangiti ako dahil sa wakas ay makakabawi na din ako sa lahat ng kabutihang ginawa sakin ni mama Josephine. "Ahm yung anak ko kasi, nagiisa ko syang anak juls at ayokong may mangyaring masama sa kaniya, nagalala lang ako dahil hindi ko siya kayang bantayan palagi, baka kasi mamaya kung ano nalang gawin niya na ikapahamak niya, Ang gusto ko lang naman sana.. kunin kita bilang personal budyguard niya" "Sureee maam! Kailan ko ba gagawin yung trabaho ko po?" Nakangiti kong sagot kay maam josephine. "Bukas, umuwi kana sa bahay, dun kana tumira... Bantayan mo lang ang anak ko sa bawat kilos nya, hindi ko na kasi siya makontrol eh, ayoko lang mapahamak ang anak ko" Seryosong sabi sakin ni maam, alam ko ang nararamdaman niya, ganun niya lang siguro kamahal yung anak niya kaya ginagawa niya to. "Ako na pong bahala maam, sige po bukas" Nakangiti kong sabi kay maam para kahit paano gumaan pakiramdam niya. May iniabot na papel si maam sakin, doon naka lagay ang adress ng bahay nila "Yan ang address ko, pumunta kana lang ha?" "Okay po ma'am, Sige po balik na po ako sa klase ko" At doon ay umalis na nga ako sa loob ng kwarto na may ngiti sa labi. Kinabahan talaga ako kanina Hahahahaha, akala ko talaga kasi hahahaha, tinanggap ko naman yung offer ni maam ng hindi nag dadalawang isip, sa tingin ko talaga kulang pa ito sa mga ginawa niya sakin, Pagbaba ko sa second floor ay nagulat ako sa nakita ko, yung bwisit andoon sa baba nakasandal pa sa pader na tila nag may inaantay, masaya na sana kaso nakita ko nanaman yung salot na ito kaya wala sira nanaman yung araw ko, nag panggap ako dadaan sa harap niya, baka naman may iba siyang inaantay nagkataon lang na andito ako, ng makadaan ako ay hinila niya ako pabalik nagulat ako sa ginawa niya. "Aray ko ano ba!" Binitawan niya naman ako at napatingin lang siya sakin "Bakit nanaman ba?" Taas kilay kong sabi sa kaniya "Maguusap tayo" Sabi niya sakin gamit ang seryosong tono. "Ano nanaman? ano ba talagang kailangan mo ha? May gagawin ka nanaman no? Siguro bigtime na yang gagawin mo sakin kasi himala oh? hindi mo kasama yung mga alipores mong manok! Hahahahahahaha" Natatawa kong sabi sa kaniya, habang siya ay nakatingin lang sakin, halatang seryoso siya ha? "Ingay mo, Alam mo putak ka ng putak eh, halika ka nga dito!" Nagulat ako ng hilain niya ako papasok sa cr, pisteng lalaking to ano nanamang binabalak niya? "huyy huyyy anong gagawin mo ha?" Nagulat ako ng hilain niya ako sa loob ng cr, Nakakainis na itong lalaking to ha? Wala ba talaga siyang planong tigilan ako? Nababadtrip na ako sa kaniya, hindi ko nga alam gagawin ko kapag nakikita ko to eh naaalibadbaran ako, pagkapasok niya sakin dito sa cr ay kinando niya yung pinto, oh my god Anong gagawin nya? "Hoy! Hoy! Anong ginagawa mo ha? paalisin mo nga ako!!" umatras ako sa kaniya habang siya ay nakatingin lang sakin "Ayoko nga" Maikli niyang sagot "Ahh.. Ayaw mo ha?" Nagsisisigaw ako ng malakas sa loob na humihingi ng tulong "Tulonggggggggg!!! tulungannnnn nyoooo kooo! May rapissss ditooooooo!" "Hoy! Hoyyy!" Agad naman siyang pumunta sakin at tinakpan niya ang bibig ko para hindi na ako makasigaw "tumigil ka nga" "Hmm hnmmmm!!" Sigaw ko parin pero may takip ng kamay niya ang bunganga ko. "Okay! Okay! May sasabihin lang naman ako sayo eh pero ayaw mong makinig kasi putak ka ng putak" Napatigil Lang ako sa pag pupumiglas at napatingin siya sakin at unti-unti niya ding tinanggal yung kamay niya sa bunganga ko ng mapansing kalmado na ako. "Sabihin Mo na para makaalis nako dito!" "Alam ko namang iba ka sa mga babaeng naging target namin eh, Alam kong di ka mag papatalo samin, okay sige titigilan na kita" Weeeh totoo ba ito? Titigilan na nya ako? "Mabuti naman, tama yang pasya mo, wag mo nalang akong kulitin" Kalmadong sabi ko pero napaka saya ko mwehehehe "Sa isang kondisyon" "Anooooo! May kundisyon pa!" Letche na yan akala ko naman talaga titigil na sya pero may kundisyon papala. "Oo, Madali lang naman eh" Nakangisi nya pang sabi sakin "Sigeeee! Sabihin monaaa! Bwisit ka talaga" irita kong sagot "Bukas kailangan hindi ka magpakita sakin, Kailangan hindi kita makikita, Madali lang naman yon eh, iiwasan mo lang naman ako, wag na wag kalang mag papakita sakin" Nakangiti nya paring tugon sakin "Nababaliw kana ba ha? hindi kaba talaga nagiisip? malabong hindi kita makita eh kahit saan ako pumunta sumusulpot ka eh, atchaka isa pa kaklase kita anong sinasabe mo dyan!" kahit kailan hindi talaga niya pinapairal utak niya. "Basta, Yun ang kasunduan, Kapag hindi kita nakita bukas at natapos yung isang araw na yun edi titigilan na kita, perooooo.... Kapag nakita kitaaaa.... Ed walang titigil, patuloy pa din kitang guguluhin, galingan mo nalang sa pagtago bukas baby" Kinalabit niya ang baba ko sabay kindat at Lumabas na tumatawa pa, happyfill talaga niyang nakikitang napipikon ako. "Ahyyyyy!!" Nagdadabog nanaman ako sa inis at naiwan nanaman akong pikon, letcheng ken talaga yan, lagi niyang sinisira ang araw ko!! "ahyyyy nakakaistress, ano ng gagawin ko nitoooo malas namannnn" Bumalik ulit ako sa room na puno ng pagiisip, nakakainis nakakapikon nakabwisit ahyy! Pagkaupo ko ay napalingon ako sa pwesto niya at nakita ko pa siyang nakamasid sakin habang nakangiti, alam niyo yung ngiting pang demonyo? Ganon na ganon, tinarayan ko pa siya bago ko binaling sa iba ang tingin ko. KINAUMAGAN So ito ang naging desisyon ko, di ako pumasok para lang hindi ko siya makita, sinugal ko yung isang araw na lesson para lang manalo ako sa deal namin, letcheng ken yan! Ano na kayang lesson ngayon, Kapag talaga di niya pa ako tinigilan sa kabila ng pagliban ko sa klase para lang sa walang kakwenta-kwentang deal nya masasampal ko talaga sya, nakakainip dito hays... Ako ito? Nakaupo sa upuan at nakasandal yung ulo sa lamesa, habang patingin tingin sa orasan. "ahyyy, Ano ba naman yan, Hanggang ilang oras pa kayaaaaa.... Nako namannn...." Sabay yuko ko pa pa ng ulo ko sa mesa. Ken POV HAHAHAHAHAHAHHAHA Malakas kong halakhak sa loob ng room, wala pang teacher non kaya ganun ako tumawa, pero kahit may teacher naman ganun parin ako ano bang pake ko sa kanila! tawa ako ng tawa habang nakatingin sa upuan ng nerd na yun! Hahahaaa. "Oh master? Bakit tawa ka ng tawa diyan? May nakakatawa ba sa upuan ni nerd?" tanong pa ni Rome sakin ng makitang tawa ako ng tawa habang nakamasid sa upuan ni nerd "Natatawa lang ako kasi tinupad nya talaga yung deal namin, hahahahaha napaka masunurin naman pala ni nerd hahahahahahahaha" natatawa ko paring sabi "Eh Teka nga? ano ba yung deal niyo master?" Seryosong tanong no clyde "Simple lang naman yon eh, Nakipag deal ako sa kaniya, Kailangan hindi ko sya makita ngayong buong araw na ito, Kapag nangyari yon... ed titigilan nanatin siya at maghahanap tayo ng bagong target, Pero pag hindi yun nangyari at nakita ko siya hindi pa tapos ang isang araw, Ipagpapatuloy natin yung plano natin sa kaniya Hahahahaahaha" Natatawa kong saad sa kanila. "Master? Paano kung hindi mo nga siya makita ngayon? Ano titigil na tayo? Master namannnn, marami na tayong pinalampas sa babaeng yon ha? hindi pa nga tayo nakakaganti sa kaniya eh, sa pambabastos niya sa grupo natin, pati sa ilang beses na pagapahiya niya satin, isipin mo naman yun master, gusto ko siya ang maging target natin, gusto ko siyang masaktan" Sigaw ni clyde sakin halata sa boses niya ang galit "Tumahimik ka clyde! Hayaan mo ko sa pasya ko! Wag ka nalang mangealam, Ako ang master ng Fbad gang kaya wag mo kong pangungunahan! Alam ko ang magiging pasya ko!!" Sigaw ko din sa kanya bastos eh walang galang. "ahyyy, tama naman yon clyde hayaan nalang natin kasi si master" pangungumbinsi ni jhon Biglang sumeryoso yung mukha ko, naisip ko rin naman yung sinasabi ni clyde, may point naman siya pero wala nakong magagawa alangan namang mamilit pa ako duhh, hindi naman sya kagandahan para pag aksayahan ko ng oras, pero kung sya talaga ang gusto ng tadhanang pag tripan ko ed sige go mas masaya yon Hahahahahhaa. To be continued..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD