Julia POV
Ilang oras lang ang lumipas ay nagising ako, nakatulog pala ako dito sa mesa, agad kong tinignan yung orasan at don nakita ko nga na gabi na pala, haba pala ng tinulog ko, mga 6 ng gabi, syempre una kong naging reaction? Ito nagtatatalon ako saya! Kasi naman isipin mo nanalo ako sa deal namin ng mokong na yun, At sigurado naman na ako na aabot ng bukas na hindi ko sya makikita HAHAHAHA.
"Ahyyy!!! nanalo ako, Nanalo akooo yeheyyy!!, Akala mong ken ka ha, Tignan lang natin kung magugulo mo pa ulit buhay ko, grabe ang saya saya" Napatigil ako sa pag tawa ng may pumasok sa isip "Halaaaa! Si maam josiphine nga pala, jusko Anong oras naba? Ahy bakit kasi nawala sa isip ko tsk" Dali dali akong nagbihis, naka t-shirt ako na may patong na mahaba na jacket at nakamahabang palda din, diba? Pang manang, pero kasi guys dyan ako komportable, tas nakabuhaghag yung buhok ko na mahaba, at dali dali nakong umalis.
Isang oras ang lumipas at nakarating na nga ako sa bahay ni maam josiphine, grabeee napaka ganda pala talaga ng bahay ni mama mala palasyo ang datingan, never pa talaga akong nakapunta dito kahit na sabihin nanating matagal nakong tinuturing na anak ni maam, ni hindi ko nga alam na may anak pala si maam Eh.
Agad ako nagdoorbell, at ilang sandali lang ay binuksan na nga yung gate ng isang katulong.
"Ahm ano pong kailangan nyo maam?" Tanong sakin ng isang babaeng nakadamit na pang katulong.
"Ahh.. Si maam josiphine po? Andyan po ba?"
"Opo, ano pong kailangan nyo kay maam"
"bisita nya po kasi ako, baka nga po galit na si maam kasi medyo matagal akong dumating" nakangiwi kong sabi kay ate.
"Ah sige po pumasok na po kayo" Sumunod lang ako kay ate, grabe talaga, gate palang pang palasyo na loob pa kaya, hindi ko kinakaya to, para akong umapak sa isang palasyo napaka ganda kasi, pinaupo ako ng katulong sa sofa at sinabing hintayin ko muna daw si maam tatawagin nya daw muna ng matawag na nga niya ay
"Oh? Andiyan kana pala juls" Nakangiting pababa ni maam sa hagdan
Agad akong napatayo sa kinauupuan ko at napangiwing napatingin kay maam "Ah maam pasensya na po kung medyo pinagantay ko, nawala po talaga kasi sa isip ko eh sorry po talaga"
"Huy ano kaba wala yun, hindi yun big deal salin, ang importante naman andito kana" Nakangiti nyang tugon sakin kaya kahit paano nabawasan yung kaba ko.
"Salamat po maam ha? napaka bait nyo po talaga sakin, siguro po kasing bait nyo yung anak nyo hehehe" Napangiti rin ako ng sinabi yun, mukang magiging magkasundo agad kami ng anak ni maam.
"Hahahhahaha mabait naman talaga yun dati eh, ewan ko ba sa batang yun at nagbago siya, Wag ka magalala ipapakilala kita sa kaniya, Pababa na rin siya hintayin mo lang"
"Ah sige po.. Sana po maging mag kasundo kami agad no? Pinapangako ko maam, hindi ko po pababayaan yung anak niyo" Nakangiti kong sabi kay maam, sobrang saya ko lang kasi mukang madadagdagan nanaman yung kaibigan ko, feeling ko magiging matalik kong kaibigan yung anak ni maam lalo nat sobrang importante sakin nung nanay niya
"Napakabuti mo talagang bata juls... Eh bakit ba wala kapang nagiging boyfriend, maganda ka naman and im sure na magiging sobrang swerte ng magiging boyfriend mo sayo" grabe naman yang mga tanungan ni maam hahahaha, ni hindi konga iniisip yang mga bagay na yan.
"Hehehehe, Eh kasi po wala pa sa isip ko yan eh, gusto ko muna ngayun, mag aral ng magaral kasi po sobrang dami kong pinangako kay mama na maabot ko sa buhay kung sakali mawala na sya hehe"
Napatango lang si maam at napangiti sakin, ilang sandali lang ang lumipas sa kalagitnaan ng paguusap namin ni maam ay may tumawag ng pangalan niya, Napalingon ako kasi alam ko yun yung anak niya, at nanlaki ang mata ko sa nakita ko, Ha? Pano nangyari to? sobrang bait ni maam josephine para magkaroon ng isang anak na kagaya ng lalaking to, Oo tama kayo ng pagkakarinig, anak ni maam itong lalaking halos laging sumisira ng araw ko, Si ken... bakit? Bakit siya pa!, nakatingin lang ako sakaniya na hindi parin makapaniwala sa nakita, Halata din naman sa mata nya ang gulat, nakasando sya at nakashort, na may headphone na nakalagay sa leeg nito, hanggang sa tuluyan na nga siyang lumapit at na sa harapan ko na siya mismo na nakangisi.
"Juls this is my son ken, anak siya yung sinasabi ko sayung magiging personal budyguard mo" Nakatingin lang ako kay ken na nakakunot ang noo habang siya ay mas lalong napangiti ng sinabi ni maam na ako yung magiging personal budyguard niya
"Siya_siya_ yung_ anak... anak niyo maam?" hindi ako makapag salita ng maayos habang napangiwi akong napatingin kay maam, jusko po lord sana panaginip lang itooooo
"Nagiisang anak, Ngayon ken? Nasayo ang pasya kung gusto mo si juls para maging budyguard mo, kung ayaw mo papalitan natin agad"
nilakihan ko sya ng mata, senyas na wag ako ang piliin niya, ayoko siya makasama palagi no! napatingin lang siya sakin at napangiti.
"I think i like her, so maam i want her to my personal budyguard"
Naiinis lang akong nakatingin sa kanya nanadya talaga!
"Okay son, maiwan ko muna kayong dalawa ha? At oo nga pala ipapakuha kona yung mga iba mong damit don sa condo ha? dito kana titira muna"
Nabingi ako sa sinabi ni maam na dito ako titira, ano ba naman yan kung pwede kolang sabihin na ayokong makasama itong anak niya ginawa kona, ayoko sa sitwasyon na ito nakakainis, napatingin ulit ako sa salot at nakita kong mas lalo pang lumaki yung ngiti niya ng marinig yung sinabi ng mama niya, akala niya ba hindi ko napansin? kahit na malikot yung tingin niya na halatang ayaw niyang tumingin sakin dahil kanina pa siya nag pipigil ng tawa, bwisit na lalaking to anglaking bwisit sa buhay ko!
"Ahhh.. Maam?, ahm kasi po... Pwede po bang... Uuwi na lang ako sa condo ko tapos papasok nalang po ako para...." Tumingin Ako saglit kay ken na tila inaantay din yung mga sasabihin ko, tinarayan ko siya at muli akong bumaling kay maam josephine "alagaan po itong anak niyo Hehehehe" Sabay tawa ko pa na peke
"No mom, I want her to stay here" Singit pa Niya.. Epal talaga, halatang nananadya talaga ang mokonggg!!
"Ahm.. juls Kasi... hindi kita pwedeng pagbigyan, Gusto ko kasi bantayan mo yung anak ko 24:7 para masiguradong ligtas sya"
Nataguriang badboy yang anak niyo maam siguro naman kaya niyang ipag tanggol yang sarili niya.
"Pero maam..." Alinlangan kong sagot
"Pleaseeeee? pleaseee juls pumayag kana?"
Ahyy! Wala na kong magawa, nagmamakaawa na yung babaeng tumulong sakin sa mahabang panahon kaya sige, Kahit sobrang gigil na gigil ako sa anak nya tinanggap ko itong trabaho na ito "Ah sige po maam, pumapayag na po ako"
"Salamat juls ha? sige na iwan ko muna kayo ha? Kailangan maging close kayo agad hmm? Sge na" At lumakad na nga paalis si maam samin.
Nakangiti lang ako ng peke, Pero nung masiguradong wala na si maam josephine ay tinulak ko sya na kasalukuyang pangiti ngiti habang tumitingin tingin sa gilid gilid "hoyyyy!! Ano to ha? Plano mo nanaman to?"
"Hahahahha, ano sinasabi mo diyan?" kalma niyang sagot.
"Hoy! hindi mo ba talaga ako titigilan? Pati pa naman si maam Josephine dadamay mo pa dyan sa kalokohan mo!"
"Teka nga? Anong pinapalabas mo ha? Na.. Binayaran ko si mom para mag panggap na nanay ko at kunin ka bilang budy guard ko? Ganon ba?" galing niya naman, nahulaan niya agad iniisip ko.
"Oh? hindi ko akalain na may utak ka papala"
"Hoy! hindi ko binayaran si mommy, kasi mommy ko talaga siya, gusto mo magpa DNA test pa kami tas yung resulta isasampal ko sayo agree?" Agree agree kapa ikaw sampalin ko eh.
"Hindi na kailangan! hindi kasi halata na anak ka ni maam, diba kung ano yung tanim yun din yung bunga? bigla tuloy sumakit ulo ko kung saang planeta ka nanggaling, yung nanay mo ang bait bait samantalang ikaw basura kadiri" sabay taray ko pa sa kaniya, muli akong napabaling sa kaniya ng mapasing nakatitig lang ito sakin na nakabitin pa, praning na yata to eh "At nakangiti ka pa diyan eh no? Nababaliw Kana ata eh"
"Nakalimutan mona ba?" Nakangisi niya paring saad.
"Anong sinasabe mo diyan?"
"Yung deal"
"Anong deal nanamang pinagsasasabi mo diyan? ay!" Napatakip ako ng bibig ng maalala ko yung deal namin, hala ka patay! Oo nga pala.. Ahyyy bakit naman ganitooo!!
"Hahahha, Naalala mo na? Nakakatawa diba?" Sabay tawa pa nya ng malakas habang ako ay nakatingin lang sa kaniya na nakakunot ang noo "So paano ba yan Juls? hindi pa tapos ang isang araw nagkita tayo, So ibig sabihin pala niyan.. Patuloy parin akong papasok sa buhay mo, Nakakatawa nga lang kasi parang ayaw talaga ng taas na.. Tigilan kita, parang.... Sumasangayon talaga yung tadhana na Magkita tayo... hindi ko alam na matutulungan din pala ako ni mommy sa babaeng pinapangarap kong makuha" Lumapit siya sakin at ako? Paatras ng paatras hanggang sa napaatras ako sa sofa kaya naman napahiga ako at si ken napadagan sakin habang ang lagkit ng tingin niya sa mata ko papunta sa labi ko, wala na akong magawa dahil parang nanigas na ako sa titig niya "Nakakalungkot lang kasi.... ginawa mo naman yung lahat, umabsent ka, Hinayaan mong walang matutunan sa loob ng isang araw para lang hindi kita makita at manalo ka sa deal na ito, perooo sadyang mas maswete parin talaga ako kaysa sayu Juls Kaya.... Gagawin ko ang lahat, makukuha din kita, at sisiguraduhin kong isa ka sa mga babaeng mapapaiyak ko" Aambang hahalikan nya pa ako ng umiiwas ko ang muka ko napatawa nalang siya at tumayo na sabay umakyat na din siya sa taas
"Bakit ba napaka malas ko ahyyyy!!!"
Sa sobrang inis ko ay dumeretso ako sa tinurong kwarto ni maam josiphine sakin, Kaya ng makaalis si maam ay sinirado ko kaagad yung pinto at pinaghahampas ko yung unan, Grabe nang gigil talaga ako! Bakit ba ganito? Bakit ba nangyayari sakin ito? Bakt nilalapit ako ni papa god sa lalaking gumugulo ng buhay ko?, ayoko namang isipin na siya ang para sakin dahil malabo yun, maituturing ko siyang mortal na kaaway kaya malabong magustuhan ko siya.
"Ahyyyyy!!!, Bakit naman ganito? May masama ba kong nagawa sa fast life ko Bakit naman nangyayari sakin ito lord? Ano ng gagawin ko ngayon? na sa iisang bahay nalang kami, nakakainis naman tsk"
Nagising ako dahil sa pagkalabit ng isang tao sa likod ko, nakadapa kasi habang nakatalukbong ng kumot, nakatulog pala ako kaka emote kagabi gaya, Nilingon ko na medyo pikit pa ang mata ko kung sino yung kumalabit sakin, pero ng maaninag kona siya ay nanlaki ang mata ko at napaatras ako sa gulat.
"Ahy! Bakit ka nakapasok dito sa kwarto ko? nilock ko yung pinto bago ako pumasok ha? Paano ka nakapasok?" Nakakunot noo kong sabi sa kaniya
"Duhhh, Bahay namin to no, Malamang may Susi ako nitong room, kaya kahit ipodlock mo yan ng madami mabubuksan ko yan" sabay ngumisi siya sakin ng makita niya ang facial expression ko.
"Okay na! Dami mong sinasabi, Bakit ka nandito sa kwarto ko? Anong sadya mo?" Nakataas kilay pa na tanong ko sa kaniya.
"Papasok na tayo, Kaya bumangon kana diyan"
"Te-tekaaa? Sabay tayong papasok?"
"Malamang, Budyguard nga diba?"
"Sige na lumabas kana Maliligo pa ako, Labas! Labas na!" Tumayo ako at pinagtulakan sya palabas, hays buti nalang talaga at may banyo lang dito sa loob ng kwarto, ang laki nga ng kwarto ko eh feeling ko kasing laki na siya ng bahay namin ni mama dati.
AFTER MANY MINUTES LATER
Ken POV
Napaka tagal naman ng babaeng yun, Kung hindi lang talaga siya yung target namin hahayaan kona eh pero kasi siya rin yung gusto kong saktan Hahahahaha, At panigurado naman akong mamahalin niya din ako balang araw, at habang minamahal niya ako... sinasaktan ko naman siya, yan naman talaga yung pinaka pakay namin sa nerd nayan eh, Never akong mainlove dyan no duh kadiri,
Ng makalabas siya ay kita ko sa mukha niya kung paano bumusangot, halatang ang laki talaga ng galit sakin ng babaeng to HAHAAHAHAHA
Iniabot ko ang kamay ko sa kaniya para magpaka Gentleman at mag kunwaring gusto siya, pero siya? Ito at nakatitig lang sa kamay ko na nagaabang sa kamay niya sabay tumingin siya ng walang imusyun sakin
"Oh ano yan? Bakit kailangan ko pa hawakan kamay mo?"
"Diba budyguard kita?" Maiksi kong sagot dahil wala na naman na akong makatwiran sa sinabi niya.
"Anong connect? bakit kailangan kopa hawakan yang kamay mo aber? hindi paba sapat na binabantayan kita ha? Atchaka usapan lang naman babantayan kita eh, walang sinabing hahawakan ko kamay mo hindi yun kasama sa trabaho ko, diyan kana nga nasasayang yung oras ko sayo" At pumasok nga siya sa loob ng kotche sabay bangga pa sakin, Hahahahaha kakaiba talaga itong babaeng to Hahahaha
Kalma lang ken, bibigay din yan Hahahaaha, sumunod na ako sa kaniya sa pagpasok sa loob ng kotche ko, at nagsimula na nga kaming umalis
Julia POV
Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na din kami sa wakas, sana kayanin ko no? Naiimagine ko palang na araw araw kong makakasama itong mokong na ito Parang... Naaalibadbaran na ako eh, kung bakit pa kasi ang liit ng mundo at siya pa ang anak ng tinuring ko ng ina, hindi tuloy ako maka hindi, hayss napaka sama talaga ng tadhana, ng makarating kami sa university ay sinalubong agad kami nitong mga alipores niyang manok, salitan lang ang tingin nila sakin at kay ken, Siguro nagtataka sila kung bakit kami magkasama ng mortal enemy ko.
"At kailan pa kayo naging Close master?" Natawa si Rome sa sinabi niya dito sa boss niyang kolokoy.
"Matagal na kaming nagka-ayos nitong si juls boys at actually nga niyan... kami na" Nagulat ako sa narinig ko, napatingin ako sa kaniya habang siya ay nakangiti lang sabay hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko, teka nga wala sa usapan ito ha?
"Ha-huh?" tanging salitang lumabas sa labi ko
"Wow? Talaga master.. Kayo na ni juls?" Tanong pa ni Gino na namangha din sa sinabi ng nitong Berto na lalaking ito.
"Ahm" Magsasalita na sana ako ng kurutin ni ken ang tagiliran ko dahilan para ma pa aray ako ng mahina, atchaka naman sumenyas si ken na wag kong sabihin ang totoo "Ah... ang totoo talaga niyan, Kami na nga talaga ni ken Hahaha" peke kong tawa
"Te-teka? Paano nangyari yon? Parang nung isang araw lang galit na galit ka sa kaniya ha? tapos ngayon kayo na agad?" Wow ha? May utak din pala itong isang to! feeling ko siya lang may matinong utak sakanila eh
"Ahy nako clyde, sinabi ko nanga diba? nagka-ayos na kami ni juls, sinabi na niya sakin na mahal niya ako, Diba juls?" Pinandilatan niya ako ng mata at ako? ito sumunod din ako sa pahiwatig niya, sige lang ken pag tripan mo ako, ngumiti ako ng malapad at nagsimula nanaman ako makipag plastikan sa kanila "Dibaaa?"
"Hahahahaha ay oo naman, mahal na mahal ko itong master niyo sobra, grabe nga eh alam niyo ba sa sobrang pagkamahal ko sa kaniya parang gusto ko na siyang lunurin at patayin Hahahahaha" Pekeng tawa ko ulit
Napalingon sakin si ken, Nagulat ata sa sinabi ko, At yung mga Fbad? Yun natunganga din sa sinabi ko, Hahaahaha gulat kayo mga bhorl? Hahahahahaha
"Hahahahaha, Gusto ko siyang lunurin at patayin gamit ang pagmamahal ko ano ba kayo Hahahahaha, Ano ba yang iniisip niyo Hahahahaha" Natatawa ako sa facial expression nila, akala mo mga batang hindi pinayagang maglaro sa labas Hahahahaha.
Nagtawanan lang silang lahat maliban kay clyde na halatang nagtataka pa din.
"Grabeee, kakaibang klaseng pagmamahal yan ha?" hirit ni jhon na natatawa padin sa sinabi ko.
"Special kasi ako magmahal Hahahahaha" Pekeng tawa ko ulit
"Oh siya mamaya na nga tayo magusap, kailangan namin magsolo ng girlfriend ko, magkita-kita nalang tayo mamaya boys" At umalis na nga kami na hawak pa niya ang kamay ko
"Grabe no? ang bangis talaga ni master, nakuha niya agad si Juls? eh diba nga mortal enemy sila"-jhon said
"Oo nga eh, parang noong isang araw lang nagbabangayan sila, tapos ngayon sila na Haneppp"-gino said
"Naniniwala talaga kayong sila na?"-clyde said
"Oo bakit hindi ka naniniwala?"-rome said
"Ang Hirap kasi paniwalaan, alam ko kung anong klaseng babae si Juls, hard to get sya.. Atchaka diba nga? Kinamumuhian niya itong grupo natin, lalong lalo na si master, Taps ngayon sila na! Isipin nyo nga yon!"-clyde said
"Ahy nako clyde! Sila man o hindi hayaan nalang natin si master doon, tayo rin naman makikinabang don eh, kaya kung ako sayo maniwala kana lang dyan hahahahahaha"-rome said
To be continued....