Julia POV
Pumunta kaming likod ng school, Sinigurado talaga naming walang tao para walang makakarinig ng usapan namin, pasimple pa ako ng una kasi hindi ko pa binibitawan yung kamay niya pero nung masiguradong na sa tamang pwesto na kami ay agad ko ng tinanggal yun ng malakas at tinulak siya, kaya napaatras lang siya ng konti at nagsimula na akong magbunganga.
"Hoyyy!! Ano yung sinabi mo kanina ha? Anong girlfriend girlfriend pinagsasabi mo? wala naman sa usapan ito ha? ang usapan lang naman budyguard mo lang ako, ano nanamang naisipan mo at nasabi mo yon ha? Nababaliw kana talagaa!" Sigaw ko sa kaniya habang siya ay nakatitig lang sakin at seryoso yung mukha niyang nakatingin sakin.
"Pwede Ba? Putak ka ng putak eh pakinggan mo ako pwede?... okay deal ulet ito"
"Ano nanamang klaseng deal yan ha? at sabihin mo sakin kung bakit ako papayag diyan sa deal mo" puro deal, ano nanaman kayang plano ng mokong nato
"Kasi gusto mo na itong matapos diba? yung tipong hindi na kita guguluhin"
"Oh ano nanamang deal yan bago mo ako tigilan? papahirapan mo nanaman ba ako ha?" Naiirita kong sabi nakakabwisit na kasi eh, deal deal tapos talo nanaman ako.
"Hindi naman mahirap ito eh, Magpapanggap lang naman tayo, okay ganito Isipin mo nalang na isa itong laro, Kung saan sino unang susuko, o magcoconfess ng nararamdaman nila siya yung talo" ngisi niyang saad sakin.
"Ano ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tanong.
"Dederetsohin na kita, gusto ko magpanggap tayo bilang magkasintahan sa loob ng isang taon"
"i-isangggg taonnnnn!!!" nabingi ako doon ha? ganon katagal? umay naman yun!
"Oo! Kapag natapos yon na wala kang kahit kakaunting feelings para sakin Ed... congrats dahil titigilan na kita, kaya nga hinahamon kita juls eh, gusto kong makipag-laro ka sakin, magpagalingan tayo sa kakaibang laro na kapag nagkamali ka nahuhulog ka pero walang sasalo sayo, masakit yon.. kaya pagsikapan mong huwag mahulog sakin kasi kawawa ka pag nangyari yon, pag ako unang nahulog sayo Oh ed wow Hahahahaha Pero masaya kung mangyayari yon, Pero kapag ikaw ang unang bumigay, at nahulog sa patibong ko, talo kana... game overrrr.. Galingan mo nalang hmm? Hahahaahaha ano? Naiisip mo na ba? Masaya diba?" Natatawa nya pang saad, nababaliw na talaga sya
"Hinahamon mo ako? Sige, hindi naman kasi ako duwag, kaya sige deal... kampante naman akong malalagpasan ko yung isang taong pagpapanggap natin na aala akong mararamdaman sayo kahit onti Hahahahaha, ingat kana lang ha? Baka kasi.... Ikaw pa ang unag mahulog sa sarili mong patibong, sige ka walang sasalo sayo hahahaha" Nangaasar ko pang sabi sa kaniya habang ang mokong ay nakatitig lang sakin ng malagkit sabay ngumiti ng nakakaloko
"Malabong mangyayari yon, Basta... Galingan mo nalang hmm?" Akma pa siyang lumapit sakin at hinalikan ako sa pisngi sabay binulungan ako sa tenga kaya nakaramdam ako ng kiliti "Makukuha din kita" Sabay tumitig siya sa mata ko na halos magdikit na ang mga labi namin sabay ngumisi lang siya ng nakakaloko sabay umalis na papalayo, pinagmasdan ko lang siya habang papalayo at hindi parin ako makapaniwala na hahalikan niya ako sa pisngi, imbis magalit ako ay naistrock lang ako don sa kinatatayuan ko, nakakainis hindi pwedeng mangyari to no ahy!
Nagsimula na ang klase at nagsimula na kaming makinig sa adviser Namin na kalaunang nakikinig sa harapan, sa kalagitnaan ng pakikinig ko ay may biglang tumabi sakin nilingon ko at don nakita ko nga si ken na nakangiti pang nakatingin sakin.
"Hoy ano ba? bakit ka andito bumalik ka nga sa upuan mo nakaka distract ka eh nakikinig ako" mahina kong sinabi sa kaniya habang nakatingin parin ako kay maam, hindi padin talaga siya nag patinag at naramdaman ko nalang na may humawak ng kamay ko napatingin ako sa ilalim ng desk ko at nakita ko nga na hawak niya yung kamay ko, pinipilit kong bumitaw pero sadyang mahigpit yung hawak niya hindi ko kinaya "Ano ba ken? Bitawan mo nga kamay ko, wag ka ngang manggulo dito Nakakainis kana ha?" Ang kulit talaga ng lalaking to bwisit.
"Ayoko nga, nageenjoy akong hawakan kamay mo eh, kaya hayaan mo nalang, makinig kana lang dyan hayaan mo nalang akong hawakan kamay mo"
Imbis na kiligin ako ay nairita pa ako, nadidistrac kasi ako sa pakikinig sa ginagawa niya, ilang sandaling tahimik ang lahat sa pagitan naming dalawa akala ko nakikinig Siya pero nung nilingon ko ay nakita kong nakatitig lang siya sakin napakunot ang noo ko sa ginawa niya, parang tanga lang eh.
"Makinig kana nga, wag mo akong titigan naalibadbaran ako sayo" Irita kong sabi sa Kaniya.
"Maganda ka naman eh, bakit kaya hindi itry ayusin yang sarili mo" seryoso niyang sabi sakin, halata yun dahil seryoso yung muka niya nung sinavi niya yun.
"Eh ano bang pakealam mo ha? ayokong magayus eh, tse! bahala kana diyan" Atchaka nakinig na ulit ako sa discuss ni maam sa harapan, habang siya ay napangiti lang kahit naman hindi ako lumingon alam kong ngumiti siya.
Ilang oras lang lumipas ay tumunog na din yung bell, Hudyat na tapos na ang oras para sa klase, Kaya oras na para umuwi, Sabay kaming umuwi ni Ken papasok sa kotche nya, ng Makarating kami sa mansion ay sinalubong agad naman kami ni maam Josephine.
"Oh son?" Sabay beso niya pa kay ken "Juls? Is there any news about my son?"
"Ahm... Wala naman po ma'am" Nakangiti kong sabi kay maam na kalaunang nakangiti lang din sakin
"Ow thats good, Oh sige na matutulog na ako, matulog narin kayong dalawa ha? Sige bye good night" At umakyat na nga sa taas si maam, napatingin ako kay ken na kalaunang nakatingin din sakin
"Matutulog na ako, Goodnight" Aalis na sana ako ng hawakan ako ni ken sa braso, Pinipigilan nya akong umalis, kaya naman nilingon ko sya na nakakunot ang noo "Oh ano nanamang kailangan mo? Matutulog na ako okay, kung ako sayo matulog kana rin" sabay irap ko sa kaniya.
"Hindi pa kasi ako inaantok eh, Gusto ko mag pahangin dun sa pool" Ahy nako pati pa naman yan problema ko parin hays!
"Oh Ed Magpahangin kana, matutulog na ako" Lilihis pa sana ulit ako ng daan ng biglang hawakan nya ulit ako sa braso.
"Ops dito kalang, Baka nagkakalimutan tayo.. budygurad kita, kaya kung nasan ako andon ka" napataas yung kilay ko sa sinabi niya, ano bang problema nito bwisit.
"Sooo ano sinasabe mo? Sasamahan kita mag-istambay don sa pool ganon ba?" Pataray kong sagot sa kaniya.
"Ganon na nga" Nakatitig nyang sabi sakin
"Inaantok na ako okay?" Sabi ko sa kaniya na nagmamaktol pa.
"Alam ko naman na hindi kapa inaantok, Palusot mo lang yan para hindi ako makasama, ahy nakoo Juls Bulok na yang galawan mo, tara na!" At hinila na nga niya ako papuntang pool, kahit kailan talaga ang lalaking ito, konti nalang masasapak kona to eh
Ken POV
HAHAHAHA akala niya ba maiisahan niya ako? Alam ko naman na palusot niya lang yun para hindi Niya ako makasama, Grabe kakaiba talaga ang babaeng ito! First time ko maka encouter ng ganitong babae, yung hindi magpapakipot pag gwapo kaharap nila, Kahit naman masama ugali ko ang daming naghahabol saking mga babael no, Pero ayoko sa kanila.. Alam ko naman na pare-parehas lang yang mga babae nayan eh, Kaya hindi ako magseseryoso, Doon sa campus namin kilala akong bilang playboy and F*ckboy Hahahahaaha oo hindi na ako virgin, Napaka tarantado ko kasi at alam niyo naman yun Hahahahahaha, Kaya goodluck nalang sa babaeng magpapalambot ulit ng puso ko at magpapabago ng ugali ko, Habang nasa pool kami ay tinanggal ko yung sapatos ko at ganon din sya, ibinaba ko yung paa ko sa pool, whoo grabe ang sarap sa pakiramdam napatingin ako sa kaniya na nakaupo, at wow ha? Parang may virus naman ako sa ginagawa niya, Nakaupo nga sya pero medyo hindi kami magkalapit, paano naman kasi ang laki ng space sa pagitan namin, Hahahahaha! ang hirap talaga painlovebin ng babaeng to.
"Oh? Lumapit ka nga dito, Bakit ang layo mo sakin?" Pagmamaktol kong sabi sa kaniya
"Bakit nanaman ba? Sinamahan na nga kita eh, arti-arti mo pa diyan!" Sabay irap niya sakin
Lumapit ako sa tabi nya at siya? Umuusog lang, at kapag umusog siya uusog ulit ako, pero putcha! Di sya nagpapatalo usog lang siya ng usog parang may nakakahawang sakit naman ako sa ginagawa niya.
"Bakit ka lumalayo?" Nakakunot noo kong napatigil sa pagusog kasi konti nalang nasa pinaka dulo na kami ng pool
"Gusto Ko eh, Wag kana lang umusog isa pang isip papasok na talaga ako sa loob iiwan kita diyan sige!" Sigaw nya pa sakin na kanina pa napipikon.
"Okay fine! Hindi na ako uusog, grabe ka naman napaka ilap mo!" Sabay iling ko pa na nilabas ko yung phone ko.
"Bakit mo pa kasi ako sinama dito? pwede ba papasukin mo nalang ako inaantok na talaga ako ken hindi ako nagbibiro" Napalingon ako sa gawi niya at kita ko sa mukha niya ang pagka busangot napangisi nalang ako, ewan ko ba pero sobrang gaan sa pakiramdam ko kapag napipikon ko siya.
"Wala kang dito Julsssss, alam ko nayang style mo na yan, diyan kalang wag kang papasok, antayin mo akong maantok" kalmado kong tugon
"Pero_"
Naputol yung sasabihin niya ng magsalita ulit ako
"Wag kana mag pero, Budyguard kita at tungkulin mo yang bantayan ako" Nakangisi kong sabi Sabay baling kopa sa cellphone ko
"Napaka Sama mo talaga!" inis niyang sigaw sakin pero hindi ko nalang siya pinansin bahala siya mag dadak-dak diyan basta ako nag papaantok lang.
Isang oras ang lumipas ay nakatingin lang ako sa cellphone ko, hindi ko na siya pinapansin, Ni wala ngang nagsasalita sa aming dalawa eh, Simula ng mahawakan ko ang cellphone ko ay hindi ko na siya nilingon, pero nung mapansin kong hindi talaga siya nagsasalita ay nilingon kona sya at don nakita ko siyang nakayuko, at humilik ng natutulog, hahahahahaha napaka abnormal talaga nitong babaeng ito, umusog ako sa tabi niya at inilagay ang ulo nya sa balikat ko, naks pa-prince charming muna tayo ngayun, Napatingin ako sa kaniya, Hahahahaha sorry naman akala ko kasi nagbibiro lang siyang inaantok na siya malay ko naman na inaantok na pala talaga siya Hahaahahaha, nagdesisyon na akong buhatin siya at dinala na nga siya sa kwarto nya, ng mailapag ko na siya sa kama ay tinanggal kona rin yung sapatos niya kasabay ng eyeglasses niya, Ilang minuto ko tinitigan ang mukha niya pag walang salamin, napangiti nalang ako kasi maganda naman pala ang babaeng ito, hindi lang talaga marunong magayos! Hahahahahaa.
Hinawakan ko ang gilid ng pisnge niya para itabi ang nakakalat niyang buhok "Maganda ka naman pala bakit hindi mo ayusin yang sarili mo?" At ng mahimas-masan ako ay nakita ko nalang ang sarili ko na grabe ang tingin kay juls, ano ba ken inayos kanga, totoong kakaiba nga ang babaeng ito nakakaakit yung itchura niya kahit walang makeup, ayoko na ngang ipagpatuloy pa ang pagtingin ko sa kaniya mamaya baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko, kinumutan ko na siya at pinatay ko na yung ilaw sabay lumabas na ako ng kwarto niya.
Julia POV
Nagising ako dahil sa naalipungatan ako, Buti eksaktong alas sais na ng umaga noon, nag tungo agad ako sa banyo at nag mumug, mamaya-maya na ako magsisilpiyo pagtapos kong kumain, Pagkalabas ko sa hapag kainan ay bumungad agad sa paningin ko ang lalaking ito, wala na sira na ulit araw ko, Nakatingin lang sya sakin na nakangisi, nababaliw na yata to eh, hanggang sa naupo nanga ako sa silya at nakataas lang kilay ko na nakatingin sa kaniya.
"Sana okay kalang, wala namang nakakangisi sa ginagawa ko ngisi ka ng ngisi diyan, alam mo unti nalang talaga magiging kamuka mo na si satanas eh" pataray kong sabi sa kaniya
"Ang aga-aga ang init ng ulo mo, aminin mo nga pinaglihi kaba sa sama ng loob ha? Hahahahaha, atchaka kung magiging kamukha ko si satanas eh pogi pala siya hahahahahahahhaha"
"Ha-ha-ha funny" sabay irap ko ulit sa kaniya.
"Hahahahaha sama mo talaga sakin"
"Bakit? Kailan kaba naging mabait?" umiwas nalang ako ng tingin nakakaurat lang tignan lalaking ito eh.
"Kumain kana nga lang, masyado kang gg sakin eh Hahahaahahahaha" Sabay subo niya ng kanin.
Sumubo na ako ng kanin gamit ang kamay ko, oy! Wag kayong ano diyan Naghugas ako ng kamay kono, Ganito lang talaga ako kumain naka kamay, ng mapuno ang bunganga ko ng kanin ay sabay lumagakok ako ng gatas para maitulak yung pagkain ng sa ganon ay malunok ko, tumingin ako kay ken na nakatitig sakin, napakunot ang noo kong sinusuri kung anong iniisip niya
"Hoy Bakit ka nakatulala diyan?"
"Ganiyan ka talaga kumain?" kunot noo niyang tanong sakin
"Oo masama ba? Nandidiri kaba? Sorry ha? hindi naman kasi ako kagaya mo na kalalaking tao ang arte-arte" sabay subo ko ulet ng kanin
"Hindi ako maarte no" Sabay irap nya pa
"Ows talaga lang ha? tignan mo yang pagkain mo, puro meat ayaw mo ng gulay, tas gagamit kapa ng mga kutchara at tinidor plus may kutchilyo pa, Para saan yan? Ayy oo nga pala no? Laki ka sa yaman at hindi ko naman alam pag gamit niyan"
"Ewan ko sayo! putak ka ng putak kumain kana nga lang dyan!" sabay subo din niya ng kainin
"Wait? oo nga pala nakatulog ako kagabi, sino nagdala sakin sa kwarto ko?" Tanong ko ng biglang sumagi sa isip ko yon, nakakapagtaka kasi.
"Wala.. Magisa kang naglakad papunta sa kwarto mo habang nakapikit ka hahahahahaa" Tawa niya pa sa sarili niyang joke kala niya nakakatuwa mukha siyang tanga
"Hahahahahhaa nice joke" Tumawa nalang ako guys Kawawa naman eh, nagjoke tapos walang tumawa hahahahaha.
"Ito naman hindi mabiro hahahahaha, syempre binuhat kita tapos dinala kita sa kwarto mo, nakakahiya kanga eh, Natulog ka sa balikat ko, tulo pa laway mo hahahahaha"
"Seryoso? Ginawa ko yun?" Nagulat ako don ha? hindi ko naman yata kayang gawin yon, pero kung nagawa ko yon Nakakahiyaaaa naman.
"Oum, tapos sasabihan mo akong Masama eh ako na nga itong nagmamalasakit sayo eh, tapos ikaw lagi mo nalang ako inaaway" Isip bata niya pang sinabi sakin, Wow ha? Painocent ka bhorl? Jusmiyo marimar magkakacanser ako sayo eh.
"Tse dami mong alam" at nag patuloy nalang ako sa pag kain ko"
To be continued...