Chapter 9: SADAKO

3085 Words
Julia POV Ginawa ko talaga yon? Siguro naman sa sobrang antok ko lang yon no! Napaka feelingero! Never na never na never ako maiinlove sa kaniya no as in never! peksman taga kopa sa baga nya Ay este sa Bato pala.... At Siriusly ha? Napaka arte nya! Sa bagay hindi ko siya masisisi, lumaki siya sa yaman, at talagang maselan sila, nauna akong natapos sa kaniya kasi ang tagal niyang kumain. "Oh tapos na ako, bilisan mo na diyan" Kukunin ko na sana ang plato ng bigla itong inagaw sakin ni ate sarah ang katulong dito sa bahay, habang si ken ay nakamasid lang samin. "Ah bakit po maam?" tanong ni ate sarah na nagtataka dahil ayoko ipakuha sa kaniya ang plato ko "Ako na po, kaya ko naman po eh" Nakangiti kong sabi kay ate. "Pero po kasi gawain ko po yan, hindi ko po pwedeng hindi ko iyan gawin" Nakangiwi si ate ng makita ko ang expression niya. "Hindi na po kailangan, Ako na pong bahala kay maam josephine, ako na pong maghuhugas ng plato" "Pero_ " Naputol ang sasabihin nya ng mag salita ako "Pleaseeee? ako na pong bahala" Ngumiti ako kay at, naawa ako nga ako sa kaniya eh, kaya ako nalang ang naghugas ng plato, kaunti lang naman yon, wala naman siyang nagawa, isusunod nalang daw nya ang plato ni ken. Ilang minuto ang lumipas ay natapos kona nga itong paghuhugas ko ng plato, naligo na ako, nagsipilyo Nagbihis na ako ng uniform ko at sinuklay ang buhok, At inayos ang pagkakalagay ng eyeglass ko, at lumabas na, ilang oras ang lumipas ay dumating na nga kami sa school. Ken POV Bumaba na kami at pumasok na sa loob ng university, Pumunta ako sa tambayan at sumunod lang si juls sakin na nakabusangot, Hahahahaha ng makita ko sila clyde ay agad agad akong lumapit at nakipag apiran sa kanila, Napatingin lang sila kay juls, at si juls? Ayon nagtaray nanaman, napaka taray talaga ng nerd na ito. "Siguro naman hindi muna kita babantayan ngayon no? kaumay.." At umalis na nga siya, baliw talaga yon Hahahahahaha. "Luh? Bakit ganon sya master? Diba mag jowa na kayo? Ed dapat sweet siya sayo" tanong pa ni Gino dahil kita niya kung paano mag sungit si juls sakin "Pansin ko rin yun Hahahaha" tawa pa ni jhon. "Ganun talaga yon! Tinotoyo nanaman Hahahahaha, kailangan ko pa yatang suyuin hahahaha" At nagtawanan kami ng biglang nagsalita si clyde. "Master, ingat kalang ha? Baka ikaw pa ang unang mahulog sa nerd na yun" "Hahahahhahaha, nagpapatawa kaba? Wala ka bang tiwala sakin? Ang dami nanating babaeng napaikot diba, tutuusin nga mas maganda pa sila kay juls eh, pero ano? hindi naman ako nainlove diba? Kaya chill lang kayo, ako kasi chill lang eh, alam kong anytime mamahalin nya din ako at kapag nangyari yun sasaktan ko siya ng paulit-ulit, tiba tiba kayo don Hahahahahahaha" "Pero master? Diba magkasama kayo lagi? Hindi mo man lang ba siya nakikitang magayos?" Seryosong tanong sakin ni jhon. "Hahahhahahaha oo, napaka boring maging girlfriend yung babaeng yun! Napaka panget niya pomorma, Mas maganda pa yata pumorma si mommy kaysa sa kaniya napaka losyang, Pero... Legit, Maganda siya!" Sa sinabi ko ay nagtawanan lang sila, mga loko ayaw maniwala. "Hahahhahaha joke yan master no?" Tawa ni rome sa narinig niya mula sakin. "Tangaaa! Mukha ba akong nagjojoke? seryoso ako sa sinabi ko" At biglang sumeryoso ang muka nila sa sinabi ko. "Paano mo nasasabi yan?" Walang imusyung tanong sakin no clyde. "kasi kagabi, nakatulog siya sa balikat ko habang naguusap kami sa pool, syempre kailangan muna nanatin mag ala prince charming ni cinderella, Hanggang sa dinala ko siya sa kwarto niya, tapos tinanggal ko yung eyeglass niya kasi nga diba matutulog na siya, tapos alam niyo ba bigla na lang akong na strock sa ginawa ko, Kasi sa tutuusin lang napaka ganda ni Juls Kung nagaayos lang siya siguro_ " Naputol yung sasabihin ko ng magsalita si clyde "Siguro ano? Siguro mafafall kana?" "Wala akong sinasabing ganyan, ikaw nagsabi niyan, Haahhahaha atchaka ito pa, napaka bait niya at napaka simple lang pero ang lakas ng dating, wala siyang arte sa katawan, ni hindi ko nga nakitang mag-ayos yun sa mukha niya, yung maglalagay ng liptint mag pupulbo hindi talaga, hindi naman kasi oily yung mukha niya hahahahahhaa, basta nakakabilib siya" Sa mga sinabi ko meron akong isang naalala sa kaniya, ganitong ganito kasi ako magsalita kapag siya pinaguusapan namin ng mga tropa ko "Naalala ko tuloy sa kaniya si nancy.. Ahyy!! Ayoko na pagusapan yon! baka masira lang araw ko" nagtawanan lang sila sa mga sinabi ko tungkol kay juls "Grabe na yang pagpuri mo ha? nako master magiingat kalang baka naman sa kagaganyan mo eh ikaw pa itong mahulog kaysa sa inyong dalawa Hahahahaha" Tawa pa ni jhon habang naiiling-iling sa sinabi niya. "Malabo yan Hahahahaahha" Julia POV Ahyyy, nakaupo ako kasama ko si Jhanna, hindi ko sya sinamahan don no? Ano siya hello? Mukha akong tanga don kapag nag stay pa ako, Atchaka plastikan lang naman yung samin eh, Ayoko naman talaga sa kaniya. "Bess?" Tawag ni jhanna sakin habang nakatingin lang ako sa malayo, agad naman akong napalingon sa kaniya. "Oh Bakit?" "Totoo ba yung balita na narinig ko mula dito sa campus, kalat na kasi eh.... " Napakunot noo ako sa sinabi ni jhanna "Ano yun?" "Na... kayo na raw ni ken?" "Hays! kalat na pala yun, nako bahala na nga sila diyan, ayoko ng problemahin yan sumasakit lang utak ko eh, hahayaan ko nalang sila sa paniniwalaan nila tss" bwisit paano kumalat yun? letcheng ken yan wag niyang sabihing kinalat niya yung tungkol sa pesteng pagpapanggap namin nakakairita talaga siya. "So hindi yun totoo?" Halatang naguguluhan din si jhanna kailangan kong iexplain sa kaniya ng maayos. "Oo naman no! Ano kaba? Mukha ba akong papatol don sa bwisit na yun, yung mga narinig mo wala yung katotohanan, nagpapanggap lang kami" pagpapaliwanag ko pa sa kaniya "Soooo, Nag pepretend kayong mag boyfriend girlfriend ganun?" Nakakunot noo nyang tanong sakin. "Ganon na nga, hinamon nya kasi ako eh, Nakipag deal siya at alam ko namang kaya ko yon, gagawin ko lahat para matapos na itong panggugulo nya sa buhay ko kasi di na talaga nakakatuwa, Nakipagdeal sya sakin na kung pwede magpanggap kami sa loob ng isang taon" "Isang taon! Ganon katagal!!" Sigaw nya ng pagsabi ko, halatang nagulat siya sa sinabi ko sa kaniya. "Oum, kaya ko naman yon eh, Sabi nya isipin ko daw na para tong laro, Kung sino samin unang mahulog sa patibong, siya ang talo... pero hindi ko hahayaang mahulog sa kaniya no" Sabi ko pa para gumaan ang loob ni jhanna alam ko kasing kontra siya sa pag payag ko sa deal namin ni salot, wala na akong magagawa eh, gusto ko ng matapos to. "Sinasabi mo ba na, pumayag kang makipag laro sa kaniya? huyyyyy Julsss Dont Play With Him, Kilala ko si ken, wais siya pagdating sa pakikipaglaro, at alam kong gagawin niya ang lahat para mahulog ka sa kaniya, julsss makinig ka sakin kung sayo umayaw kana sa ganiyang klaseng laro, kasi hindi ka mananalo sa kaniya" Sabi ni jhanna na halata sa boses ang pangamba. "No jhanna, kapag nag Quit ako sa laro naming dalawa iisipin niyang duwag ako, mas lalong tataas ang tingin niya sa sarili niya, alam ko kung bakit nangyayari sakin itong mga bagay na ito, maybe this is sign na kailangan ko ng tuldukan ang pagtaas ng tingin ni ken sa sarili niya, Trust me.. may tiwala ako sa sarili ko, sana magtiwala ka rin sakin, Kaya ko ito bess, don't worry I'll be fine" Sabay ngiti ko para ng sa ganon ay mapagaan ko ulet ang loob niya, hindi ako pwedeng bastang umayaw lang sa deal na ito baka lalo lang lumaki ang ulo ng lalaking yun eh. "Nagaalala lang naman ako sayo, sana naiintindihan mo rin ako" "Wag kana magalala, Okay lang ako.. Im sure this time I will be won in this game!, And I will make sure na siya ang mahuhulog sa sarili niyang patibong.." At sabay Niyakap ko si jhanna na kalaunang hindi parin maipinta ang mukha, talagang nagaalala siya para sakin. Lumipas ang maraming oras ay natapos na ang klase, Magkasabay nanaman kame ni ken, sa totoosin lang guys Nagsasawa na sko sa pagmumuka niya, Alam nyo yung Mukang nakakaurat sarap gawing Panjimbag eh, Ng makauwi kame ay agad naman nagtanong si maam josiphine about sa nagiisa nyang anak, Syempre ako nagsabi agad grabe ganito pala maging budyguard nakakaloka, nagkwentuhan pa kami ni maam habang si ken na sa kwarto niya. "Maam bakit po sa tinagal-tagal na po nating magkakilala eh bakit hindi nyo nakwento sakin na may anak po pala kayo" Tanong ko kay maam na kalaunang umiinom ng tsaa. "Alam mo nanaman juls na masikreto akong tao diba? hindi talaga ako mahilig mag kwento ng buhay ko, kasi minsan narin akong naloko ng taong pinagkakatiwalaan ko, pasensya kana ha?" Pagpapaliwanag ni maam, napangiti naman ako naiintindihan ko naman siya. "Okay lang po maam, naging mabait po kayo sakin all this time tinuring niyo kong parang anak niyo, naging scholar niyo lang po ako eh kung ano-ano ng tulong ang binigay niyo sakin, sobrang laki po ng pasalamat ko sainyo maam" Napakaraming tinulong sakin ni maam kaya hindi ko magawang maka-hindi sa kaniya, ilang sandali lamang ay may naalala ako, kaya kaagad kong tinanong si maam para malinawan narin ako "Ah maam? yung kumakalat po sa campus totoo po ba yun? totoo po bang binabayaran niyo yung principal para lang po hindi mapatalsik si ken sa paaralan na iyon?" Saglit lang natahimik si maam at huminga ng malalim sabay tumingin sakin "Oo juls totoo yun, pinipilit ako ni ken na ayaw niyang mapatalsik sa paaralan na iyon dahil gustong gusto niyang mag-aral don, Hindi mo ako masisisi dahil sobrang mahal ko ang anak ko... nagiisa ko lang kasi siyang anak eh kaya ganon ko nalang inispoiled yung bata, pasensya kana kung isa ka sa nabully ng anak ko ha? hindi ko ba alam sa batang yan at bakit biglang nagiba yung ugali, hindi naman siya dati ganiyan, Alam mo kasi juls sayo ko lang ito ikukwento pero sana tama na pinagkatiwalaan kita, juls.... sa tingin ko nagsimula ang lahat ng pagbabago ni ken nung namatay yung daddy niya, tinorture kasi yung daddy niya at natagpuan nalang namin sa office nito na wala ng buhay, puno ng saksak at may hiwa sa leeg, marami ring pasa kaya sa tingin ko tinorture yung asawa ko kasi limang araw din siyang hindi umuwi sa amin non" Halata sa itchura ni maam na nagpipigil lang siya sa luha na maaring lumabas sa mata niya, dahil ayaw niyang makita kong nasasaktan siya, kahit ako masasayang ako habang kinukwento sakin ni maam ang mga panyayari, habang ako hindi parin ako makapaniwala na sa likod ng mabangis at matapang na pagkatao ni Ken nakakubli don yung lungkot at galit "Kaya nung nalaman ni ken yung nangyari sa daddy niya, sa una ayaw pa niyang tanggapin na wala na ang daddy niya tapos pagkaraan ng ilang araw nakita ko na ang mga pagbabago sa kaniya, ibang iba na siya sa dating ken, nandun yung gabi na umuuwi, laging may pasa sa gilid ng labi at sugat sa kamao, laging lasing at palaging nasasama sa away, alam mo yung mas masakit doon juls?" At doon ay pumatak na nga yung luha na kanina pa gustong ilabas ng mga mata niya, bigla nalang akong nakaramdam ng awa kay maam at mostly kay ken "Yung... wala akong magawa para pigilan yung anak ko sa mga bagay na ikakapahamak niya, hinayaan ko nalang na napasama na sa gang yung anak ko at gumagawa siya ng masasama dahil hindi ko na siya kayang kontrolin pa, ayoko namang pati sakin magalit siya, kaya hinayaan ko nalang.... " Lumapit ako kay maam para yakapin ko siya ng mahigpit, Dama ko yung sakit na nararamdaman niya, ngayun alam ko na kung bakit ganito nalang kalupit sa ken sa mga tao, pero hindi parin tama ang ginagawa niya. "Pasensya po maam, dapat po pala hindi ko nalang tinanong, ganon pala kasakit ang mga nangyari sa mga nagdaan niyo, sorry po" Kumalas ako ng yakap kay maam at pinunasan ko yung luha niya at napangiti ako para mapagaan yung loob niya, at nag tagumpay nga ako at napangiti rin siya sa akin. Ngayon nandito ako sa kwarto, Hindi parin maalis sa isip ko yung mga kinwento ni maam, medyo nakaramdam ako ng boring, mga alas dyis na ng gabi noon, Nauhaw din ako kaya bumaba muna ako para kumuha ng maiinom, pagdating ko sa baba ay nakita ko si ken na nanonod ng horror, malakas talaga ang oob ha? ako kasi matatakutin eh Kaya dahan dahan ako naglakad para hindi nya ako mapansin pero talagang malakas ang pandama ng lalaking to at naramdaman niya ako. "Juls!" Napatigil ako sa kinatatayuan ko at tumingin sya sakin. "Akala mo ba hindi ko alam na nandiyan ka?" Nakangisi niyang sabi sakin. "Matulog kana, aakyat na ako sa taas, matutulog na ako goodnight" Lalakad na sana ako ng magsalita siya "Hindi maupo ka dito sa tabi ko, nood tayo horror" Hindi ako makasagot at hindi ko alam ang isasagot ko sa lalaking ito, dahil ayoko sa lahat ng genre horror tsk. "Ayoko ng mga horror, natatakot ako" "Tignan mo? Ang tapang tapang mo sakin tapos duwag ka sa mga horror movies Hahahahahaha" Nakakainsulto siya ha? "Anong duwag ka diyan, syempre joke lang yon, favorite genre ko kaya ang horror" Pagmamayabang ko para lang hindi niya ako maliitin "Wehhh? hindi nga? Kung hindi ka nga takot umupo ka nga dito sa tabi ko, manood ka kasama ko" "Okay sige hays!" Naupo ako sa sofa, pero hindi ibig sabihin nun ay tatabihan ko sya, May malawak na pagitan samin, ayoko siyang tabihan, hindi bali ng mamatay ako dito sa takot basta ayoko tabihan ang lalaking yan! "Oh? Ayan ka nanaman eh, ang lawak nanaman ng pagitan oh, dito ka nga sa tabi ko" Sabi niya pa na seryoso ang mukha, basta kahit anong ipilit niya hindi ako tatabi sa kaniya "Ayoko nga!" Sabay irap ko pa "Sige... Ikaw din" Sabay tawa niya pa at bumaling ang tingin sa TV "Ano bang horror yan?" pasimple kong tanong sa kaniya "The Grudge" maiksi niyang sabi pero bigla akong nagulantang sa sinabi niya "Theeeee Grudgeeeee!!!!" gulat kong sabi sa kaniya "Oh baket?" Hindi na ako nakapag salita at napalunok nalang ako Ng laway ko, The grudge talaga papanoorin niya nasisiraan na talaga siya ng bait, ayoko panoorin yan, May pobya na ako dyan eh, Ayan yung horror na talagang ayaw na ayaw kong panoorin, Paano niya natitiis panoorin yan ng ganitong oras? gusto kong umalis pero ayokong ipakita na duwag ako! Baka pag pinakita ko na duwag ako yan ang maging way nila para kaya-kayanin lang ako, nanood lang kami ng biglang gumapang na nga si Grudge, Papalapit sa TV na animoy lalabas sya anytime, Putek hindi ko na kinaya kaya, napalapit ako kay ken at niyakap siya ng mahigpit habang nakapikit sigaw lang ako ng sigaw Ken POV Nabigla ako ng yakapin niya ako, Hahahahahhaha hindi pala takot ha? Huli ka ngayon, napangiti lang ako habang pinag mamasdan sya, ang.cute niya matakot, ay wait! No! yan ka nanaman ken eh, Nahuhumaling ka nanaman dyan kay nerd tsk "Ahyyyyyyyyy!!! Patayin mo na nga yan! Patayin mo na ken sige na! ano ba yannnn eh!!" Nakayakap niyang sigaw sakin habang ako ay Natatawa sa kaniya. Unti unti nya akong nilingon at kakaunti lang ang pagitan ng mga muka naming dalawa, Nagkatitigan kami pero agad nya akong pinalo ng kamay nya ng mahimasmasan sya "Hoyy ken! Sinadya mo ito no!" "Anong sinadya? Eh ikaw lang naman natakot diyan hahahaha" "Ayoko manood ng mga ganyang palabas! May pobya na ako dyan eh, Okay lang kung ibang horror, wag lang yung The Grudge, Sadako, kayako, The ring, wag lang yung mga ganong horror, natatakot ako kasi talaga don" Nakabusangot niyang sabi sakin "hahahahahaha akala ko ba hindi ka natatakot?" "Iba na lang wag nayan, sigee naaa" Aba nagpapa cute si juls ha? Pero imperness ang cute niya naman talaga "Okay fine, ano bang gusto mo panoorin?" nakangiti Niyang tanong sakin "Thai siries, Meron kaba?" mabilis kong sagot. "Ay! Thai ka? k-drama kasi ako eh paano ba yannnn" Pang-aasar niya pa sakin hindi pa talaga na Kuntento at bubwisitin niya pa ako "Ewan ko sayo!" "Meron akong cd dito, Lovestory siya? Gusto mo mapanood?" Offer niya sakin na halata sa mukha na seryoso na siyang kinakausap ako. "Bahala ka, siguraduhin mo lang maganda yan" At kinuha na nga niya yung cd at nakita ko sa mukha niya kung paano siya ngumiti kaya napangiti rin ako. To be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD