Chapter 10

3567 Words
Nagising na si Abby pagkatapos ng mahimbing niyang tulog sa kama ng kanyang boss. Napa-unat ito ng kanyang braso na nakapikit pa ang mata. "Ang sarap ng tulog ko!" Dahan -dahan niyang idinilat ang mga mata. "Hmm?" Bakas sa mukha niya ang pagtataka. Hanggang tuluyan na siyang magising sa katinuan at nagulat siyang naroon siya sa kama. "Teka? Bakit ako narito?" Pagtataka niya. Napaisip si Abby at napatingin sa sariling katawan sa ilalim ng kumot nito. Napabuntong -hininga nalang siya at gumaan ang pakiramdam ng makitang may saplot pa ito. Wala naman siyang naramdamang kakaiba. Hindi maalis sa isip niya na baka may mangyari ulit na hindi niya alam. Napatingala si Abby sa kisame at maraming gumugulo sa isip nito. "Anong ginagawa ko dito? Bakit ako narito sa kwarto ng boss ko? Bakit ako narito sa kama niya?" tanong niya sa sarili. "Haist!" Napakamot nalang siya sa kanyang ulo dahil wala talaga siyang maalala na pumunta siya sa kama ni Sir Kristoff. "Naku naman! Ano ba ang ginawa ko?" Napakagat nalang si Abby sa kumot na hawak. Nakakahiya. Lumabas si Kristoff sa banyo na nakatapis lamang sa ibabang bahagi niya. Walang saplot ang pang-itaas niya at kitang-kita ang malatinapay na abbs nito. "Gising ka na pala!" wika ni Kristoff. Napalingon si Abby sa boss nito. "Sir!?" Namilog ang mga mata ni Abby ng makita ang abbs ng binata at napapatitig ito mula sa katawan pababa na may mga butil pa ng tubig dahil sa katatapos lang nitong maligo. Napauwang saglit ang bibig nito pero nanaig ang kaba at gulat na nagpukaw sa kanya. Nataranta naman agad ang dalaga at nagmadaling bumangon mula sa kakaupo at tumayo. Napakunot noo si Kristoff na pinagmasdan ang dalagang natataranta. "Salamat naman sir at magaling na kayo," wika ni Abby na nakayuko pero pinapawisan. Halatang nahihiya at natataranta. Aalis na sana si Abby ng matapilok ito at matumba patungo sa binatang nakatayo. Nagulat si Kristoff pero nahawakan niya ang dalaga para alalayan. Napahawak siya sa balikat at braso ni Abby ng masalo niya ito. "Dahan lang!" "Sorry!" Napahawak rin si Abby sa braso ng boss niya. Hindi sinasadyang nahulog ang towel na gamit ni Kristoff na nakatapis sa ibaba nito. Omg! Wala siyang brief sa mga oras na iyon! Napatingin sila pareho pababa at laking gulat ni Abby na makita ng kanyang dalawang mata ang alaga ng boss nito. Napatakip ng bibig ang dalaga at napatayo ng tuwid agad. Lumunok muna siya bago umiwas tingin at lumayo sa binata. Ang binata naman ay agad kinuha ang towel sa sahig at nahihiyang tinakpan ulit ang sariling ibabang bahagi. "Sh*t!" Tumakbo agad si Kristoff sa banyo na halatang nahihiya sa nangyari. Tumakbo rin si Abby palabas ng kwarto at pumunta sa guest room. "Naku naku naman! Ano ba ito!" namumulang mukha ang puminta kay Abby. "Gosh! HIndi ko inaasahan iyon ha!" Pagkapasok niya sa kwarto ay agad napaupo sa kama si Abby. Hindi maalis sa isip niya ang nakitang alaga ng boss nito. "Bakit kasi naka-towel lang siya? Alam naman niyang pwede siyang mahubaran sa ginagawa niya!" naiinis na wika ni Abby. Naalala tuloy ni Abby na may nangyari sa kanila ni Kristoff noon. Napatingin siya sa gitna ng hita niya. "Did we have s*x before?" Naging seryoso ang mukha ni Abby at sinabi sa sarili na, "Walang nagyari sa amin! Wala! Wala akong nakita! Wala!" Pero kahit pilit na kinakalimutan, gumugulo pa rin sa isipan niya ang nakita. "Malaki pala ang kanya.. ilang inch kaya iyon? Ganon pumasok sa akin noon!?" Napatakip ng bibig si Abby. "Oh my!" Samantala, lumabas ng banyo si Kristoff na may damit na. Nakasuot siya ng sando at shorts. Hindi maalis sa isip ng binata na nakita ni Abby ang ibaba niya. May kumakatok ng pinto sa kwarto ni Kris at alam ng binata na si Abby iyon. "Pasok!" sigaw ni Kristoff. Pumasok si Abby pagkatapos marinig niya ang sagot ni Kristoff. Seryosong pumasok si Abby na nakataas ang noo. Matapang itong humarap kay Kristoff. Nagsalita ito agad ng direkta ng makaharap na sila. "Wala akong nakita! Tandaan mo ito sir, kalimutan mo na narito ako sa inyong bahay. Kalimutan ninyo na narito ako sa kwarto niyo natulog. Kalimutan mo ang mga nangyari." Tumalikod si Abby pagkatapos. Aalis na sana siya pero napatigil ito sa may pinto ng magsalita si Kristoff. "Tama! Wala kang nakita. Walang nangyari! Hindi ka pumunta rito! Wala ka rito! Hindi mo ako inalagaan noong nagkasakit ako." "Yes sir!" Napangiti si Kristoff at nagtaka. "Pumunta lang siya rito para sabihin iyon?" -------- Nasa opisina na si Abby at nakatulala itong nakaupo sa upuan niya. Hindi pa dumadating si Kristoff sa mga oras na iyon. "Wheew!" Buntong -hininga ni Abby. Kumakatok si Meimei sa opisina kung saan naroon si Abby. "Pasok!" Nakangiting pumasok si Meimei. "Besh!" "Ikaw pala Meimei!" Isinara ni Meimei ang pinto at pumunta sa may mesa ni Abby. Napatingin rin siya sa silid ng boss. "Nariyan ba si sir?" Sumagot si Abby, "Hindi pa siya dumadating!" "Ganoon ba. Okay na ba siya?" "Oo okay na siya.." "Salamat naman!" Wika ni Meimei sabay upo sa upuan na nasa harapan ng mesa ni Abby. Medyo nakatulala talaga si Abby at wala sa mood. "May problema ba?" usisa ni Meimei. "Okay lang.." "Medyo matamlay ka!" "Okay lang ako!" "Hay naku.. sa aura mo ngayon mukhang buntis ka!" Nagulat si Abby sa sinabi ni Meimei. "Huh?" Napatawa ng malakas si Meimei.."joke lang!" Kumunot ang noo ni Abby at hindi nagustuhan ang sinabi ng kaibigan. "Hindi magandang biro iyon!" Sermon nito. "Sorry na.. sorry Abby. Nagbibiro lang talaga ako." humingi ng patawad si Meimei. Medyo naiinis si Abby. Naiinis na nga siya sa mga nangyayari ay dumagdag pa si Meimei sa iisipin niya. "Sorry talaga Abby. Nagbibiro lang talaga ako. Alam ko naman na hindi iyon mangyayari dahil.. di ba sabi mo magiging v*rgin a hanggang sa kasal mo." Napatulala si Abby at natahimik lang ito. Nagpatuloy sa pagsasalita si Meimei, "Paano ba mabubuntis ang isang v*rgin na gaya mo?" "Paano ba?" tanong ni Abby na naging seryoso. Dumating na si Kristoff sa opisina at binuksan ang pinto. Sa pagbukas niya ng pinto ay narinig niya ang mga sinabi ni Meimei sa dalaga. "Syempre, hindi ka na v*rgin sa oras na iyon. Mabubuo iyon. Mabubuntis ka kapag nagtalik kayo! "You will have s*x!" Napatingin si Kristoff sa dalaga at gayundin si Abby sa boss nito na nakatayo sa may pinto. Napalingon si Meimei at binati ang boss nila. "Hello sir, good morning!" "Kakaiba ang inyong pinag-uusapan.." "Uhmm.. hehe.. girl talk sir," paliwanag ni Meimei. Medyo nagkahiyaan ang dalawa; sina Abby at Kristoff. "Ahh, ganun ba.." ------- Palihim na bumili ng pregnancy kit si Abby at ginamit niya ito sa comfort room para tingnan kung tama ba ang hinala ni Meimei sa kanya na siya ay buntis. Nababahala ang dalaga sa possibleng mangyari. Fortunately, hindi siya buntis. Nabunutan siya ng tinik. Kinabahan tuloy siya. Break na at sabay kumain sina Meimei at Abby sa canteen ng kompanya. Seryosong sumusubo si Abby at pabilis ng pabilis ito. Napatingin nalang si Meimei sa kanya at nagulat sa kinikilos ng dalaga. Sa isip ni Abby ay pilit niyang kinakalimutan ang mga nangyari. Patuloy itong sumusubo ng walang tigil. "Okay ka lang ba Abby?" tanong ni Meimei na hindi na nakakakain dahil panay itong nakatingin sa kaibigan. Napatango lang si Abby na ibig sabihin ay okay lang. "Masaya lang ako!" sagot nito na puno ang bibig. Sa isip ni Abby:"Masaya lang ako dahil hindi ako buntis." Pangiti ngiti na itong kumakain hanggang nabalaukan ito. Napaubo ang dalaga at agad namang inabot ni Meimei ang isang basong tubig. "Uho uho!!" sabay patama ng kanyang kamao sa dibidb nito. Kinuha ni Abby ang baso na inabot ng kaibigan. "Dahan dahan lang kasi Abby. Para ka kasing hinahabol!" sermon ni Meimei. Napangiti lang si Abby kay Meimei, "Salamat!" "Bakit mo naisipang kumain dito? Diba every lunch ay sabay kayo ni Sir Kristoff.." pagtataka ni Meimei. Nagpaliwanag naman si Abby, "Gusto ko lang kumain rito. Gusto kong matikman ang mga luto nila rito." "Ahh.." Napilitan nalang na ngumiti si Abby pero sa totoo ay iniiwasan niya ang kanyang boss dahil ayaw niyang maaalala ang nangyari. Uminom ulit ng tubig si Abby. Pagkatapos niyang uminom ay napatingin siya kay Meimei na may seryosong mukha. "Bakit ganyan ang itsura mo Meimei? Napakaseryoso!" Natatawang reaction ng dalaga. "May sasabihin ako sa iyo,!" Pabulong ni Meimei na napakaseryoso. "Ano iyon?" "Huwag kang mabibigla.." "Okay." "Nakita ko si Paul.." "Si Paul? Anong ginawa ni Paul?" Kalmadong sagot nito. Pabulong na naman ito, " Nakita kong may kasamang babae si Paul at naghahalikan sila.." Medyo napatigil si Abby at nagulat. Nagpatuloy si Meimei na may mahinang boses. "Napadaan ako sa park at nakita ko sila.." Natawa ulit si Abby. "Baka hindi si Paul iyon o di kaya kamukha lang niya." "Siya iyon! Sigurado!" "Sorry Meimei pero hindi ako naniniwala." Walang magawa si Meimei at hindi na niya pinilit si Abby na maniwala. Nagpatuloy nalang siya sa pagkain. Samantala, nakipagkita ulit si Lala kay Paul sa park. Walang ibang tao ang naroon at tahimik ang kapaligiran. "Ano ba ang pinagsasabi mo?" galit na reaction ni Paul. "Totoo ang sinabi ko na may nangyari sa atin! Naaalala mo ba noong pumunta kayo sa bar ng mga co workers mo at nag-inuman. Lasing na lasing ka noon ng umuwi ka.." paliwanag ni Lala. Naalala ni Paul na nagising nalang siya na nasa isang kwarto ng isang hotel. Wala siyang saplot pagkagising niya. Magulo man ang isip ng binata ay hindi pa rin siya naniniwala hanggang sa may ipinakitang ibedensya si Lala sa kanya. "Hindi ka naniniwala? Heto!" Ipinakita niya ang larawan nilang dalawa na nasa kama. Hubad si Paul at siya ay nakakumot. "Paanong.." nanlaki ang mga mata ng binatang nakatigin sa larawan. "Hindi ito maaari!" Hindi siya makapaniwala na may nangyari sa kanila. Naiinis si Paul at nanginginig sa galit, "Hindi ito maaari!" "Maniwala ka o sa hindi ay nangyari talaga iyan! You got my v*rginty!" Nakakunot-noong tumingin si Paul kay Lala na halatang hindi gusto ang nangyari. Ang nasa isip niya ay kung ano ang sasabihin ni Abby kapag nalaman niya ito. "You seduced me!?" wika ni Paul. "Pinagsamantala mo ang kalasingan ko!" Natawa si Lala sa mga sinasabi ni Paul, "Ako pa ang may kasalanan? Eh ikaw ang pumilit sa akin na makipags*x!" Nagalit si Paul at dinelete ang picture. "Dapat mawala ito!" "Teka teka lang!" Inaabot at pinipigilan ni Lala so Paul sa ginagawang pagdelete sa picture. .... Delete!.. Nakuha ni Lala ang cellphone sa kamay ni Paul. Nang tingnan niya ito, nainis si Lala ng makitang nadelete na ang picture nila. "Anong ginawa mo?" "Walang dapat makaalam sa nangyari!!" utos ni Paul kay Lala. "Huwag ka ng magpapakita sa akin." Ang hindi alam ni Paul ay may back -up si Lala sa mga larawan. Galit si Lala at naiinis. Hindi niya inexpect na ganito ang reaction ni Paul sa mga nangyari. "Ano ba ang kinatatakutan mo Paul?" "Stay away from me!" "Bakit? Natatakot ka na malaman ng girlfriend mo?" Nakalimutan na ni Paul na magkaibigan sina Lala at Abby. Nawala sa isip niya ang tungkol sa nakaraan noong nag-aaral pa sila. "Huling pagkikita natin to! Dont you ever try to reach me!" demand ni Paul. Tumalikod na ang binata at umalis na siya sa kinatatayuan niya. Napangiti -ngiti naman si Lala habang piangmamasdan ang binatang naglalakad paalis. "You will never know.. we will still meet again!" Nakangiwing ngiti ng dalaga -------- Bumalik na si Abby sa opisina kasama si Meimei pagkatapos nilang kumain. Sa malayo ay nakita ni Abby na may kasama si Sir Kristoff na isang babae na nakatalikod. She's sexy at blond ang hair. Napatigil sila habang pinagmamasdan ang dalawa na nasa may pinto ng office ni Kristoff. "Sino iyon?" tanong ni Abby. "Hindi mo ba kilala?" "Hindi.." "Fiancee iyan ni Sir.. " Napalingon si Abby kay Meimei. "Huh?" "Ang ganda niya diba kahit nakatalikod? She's pretty! Model na model ang beauty." Nagising sa katotohanan si Abby na may fiancee na si sir Kristoff at ayaw niyang may masirang relasyon ng dahil sa kanya. Muntik na niyang makalimutan na may boyfriend rin siya kaya kailangan talagang umiwas na siya sa boss niya at baka umabot pa sa sitwasyong hindi dapat mangyari. "Pupunta na ako sa office ko," wika ni Meimei. "Teka lang, sasama ako sa iyo!" Nagulat si Meimei, "Bakit?" "Wala lang, gusto ko lang makita ang mesa mo!" "Huh? Ano!?' reaction ni Meimei. Hinablot agad ni Abby ang braso ni Meimei at hinila ito. "Tara!" "Hindi ka ba babalik doon?" "Punta muna ako sa office mo!" Walang magawa si Meimei at sumama si Abby sa kanya. Bakit kaya? Umalis na ang fiancee ni Kristoff na hindi man lang nakita ni Abby ang mukha. Sino ba siya? ---- "Goodmorning!" Bati ng waiter sa mga taong pumapasok sa cafe. Naroon sa sulok si Lala at umiinom ng kape. Panay titig kay Jerick na nasa may counter. Pasulyap sulyap naman ang binata at pangiti -ngiti sa nobyang nakatingin sa kanya. Ngumingiti rin si Lala sa kanya pero may malalim pala itong iniisip. Lala's pov More than a year na kami ni Jerick. Naaalala ko pa ang panahon na una ko siyang nakita. Flashback.. Hindi pa kami magkakakilala noon ay nakikita ko na siyang may mga nililigawang mga babae. He was always wearing his big circular eyeglasses at nakashorts pa. Napakaweirdo niya talaga at iba ang style ng fashion ng lalaking ito. Napadaan ako noong araw na iyon na nakatayo siya sa may poste na may dala siyang mga bulaklak at kinakausap ang isang babae. Nanliligaw yata siya pero binasted ito. Itinapon ng babae ang bulaklak. Napakaganda pa naman ng mga bulaklak na iyon na kahit ako ay hindi pa nakakatanggap ng ganyan. I am single and no boyfriend since birth. Naramdaman ko ang sakit na mareject. Sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko ulit siya sa isang restaurant. Napadaan lang naman ako roon at nakita kong may kausap siyang isang babae. So classy ang restaurant at mukhang mamahalin. Pinanood ko sila. May ibinigay siyang regalo. Mukhang masaya siya na tinanggap ng babae ang regalo pero pagkatapos ay tumayo ito. Akala ko ay okay na pero umalis ang babae na dala ang regalo. Para bang may sinabi ang babae na napayuko si Jerick. He was basted again. Paglabas ng babae sa restaurant ay may sumalubong sa kanya na isang lalaki. Nainis ako sa ginawa nong babaeng iyon. Swerte nga niya at may nakakagusto sa kanya. Sa pangatlong pagkakataon ay nakita ko ulit siya. May dala siyang bulaklak at box ng cake. Nakatayo siya sa park at mukhang may hinihintay. Binalewala ko lang at umalis ako. Dumaan ulit ako sa park papauwi at umuulan sa oras na iyon. Nagulat ako nang makita ko siya roon sa mismong kinatatayuan niya kanina. Basang basa siya ulan. Ako naman ay may dalang payong. Naaawa ako sa kanya habang pinagmamasdan ko siya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at nilapitan ko siya. Inabot ko ang sarili kong payong sa kanya. Napatingin si Jerick sa akin. Napakalungkot ng mga mata niya sa mga oras na iyon. Ang kanyang luha ay tila patak ng ulan na dumadaloy sa kanyang pisngi. "Gamitin mo na ito!" wika ko. Nagulat siya at hindi na nakapagsalita. Tinitigan lang niya ako. Medyo nahiya ako kaya noong nahawakan na niya ang payong ay agad akong tumakbo paalis sa lugar. "Teka lang!" sabi niya. Hindi ako lumingon at nagpatuloy ako sa pagtakbo. Kinabukasan, pumunta ako sa isang cafe para uminom ng kape. Sinisipon ako sa mga oras na iyon dahil na rin siguro sa ulan kahapon. Bahing ako ng bahing. Nakaupo ako sa may sulok malapit sa bintanang salamin. Habang umiinom ako ay may lumapit na waiter at ibinigay na ang resibo ng kape ko. Nagulat ako ng makita ko na bayad na ito. "Paid? Paanong?" Napatingin ako sa matabang waiter na nag-abot ng resibo sa akin. Ngumiti siya. May gusto ba itong lalaking ito sa akin. "Bayad na po ang kape ninyo maam!" sabi niya. "Huh?" nagulat ako. May inilagay pa siya sa mesa na mga gamot sa sipon. "Pinabibigay ng boss ko.." "Huh? Boss mo?" gulat talaga ako. Sino ba ang boss nito? Bakit niya binayaran ang kape ko at binigyan ng gamot. May dumating pang isang waiter na lalaki at inabot ang isang payong. "Thank you raw sabi ni boss.." Nagulat ako at hindi ko inaasahan ito. Pamilyar ang payong.. ito iyong payong na pinahiram ko sa lalaking iyon. "Paanong.." Napatingin ako sa may counter at naroon siya. Siya pala ang may ari ng cafe. Ngumiti siya sa akin at ito ang unang beses na nakita ko siyang ganoon kasaya ang mga ngiti niya. Napakagaan ng loob ko sa mga oras na iyon. Doon nagsimula ang aming pagkakaibigan. Lumalabas kami at nililibre niya ako. Para sa kanya, napakahalagang kaibigan niya ako. Hindi ko na rin sya nakikitang nakikipagkita sa babae. Sabi nga niya, "Ang mga babae ay panlabas lamang ang tinitingnan at hindi ang sincerity! Manggamit rin at pera lang ang habol!" May hinuhugutan yata siya. Hindi ko siya mapipilit kong ganoon ang kanyang paningin at pinaniniwalaan. Nasasabi niya iyon dahil sa mga naranasan niya. Sabi rin niya, "Mas mabuti ka pa Lala at naiintindihan mo ako. Kahit wala akong girlfriend basta nariyan ka lang ay okay na ako." Napagsasabihan ko rin siya sa aking problema. Ayokong humingi sa kanya ng tulong kapag tungkol sa pera dahil baka isipin niya ay ginagamit ko sya pero siya na ang kusang bumibigay. Alam rin niya na minsan na rin akong nabasted sa isang lalaki noong nag-aaral ako. Iyon ang panahon na nilakasan ko ang aking loob para umamin sa lalaking iyon pero sa huli ay basted ang nangyari. Masakit at mukhang naging malaking sugat ang umukit sa puso ko. Hindi ko makakalimutan ang sakit na dinulot ng lalaking iyon. He comforted me. Talagang same situation ang naranasan namin. Kung siya ay binasted, ako rin naman so we know the feeling. Wala rin nagattempt na manligaw sa akin. Bakit kaya? Dahil ba pangit ako noon? Hmm.. Isa lang ang hindi alam ni Jerick at iyon ay nagtratrabaho ako sa bar kapag gabi. Iba ang suot ko kapag naroon sa bar at ito ay puro sexy. Hindi gaya ng pang-araw araw na sneakers with jacket at maong pants. Ang simpleng mukhang ito ay umiiba paggabi na. I like Jerick dahil sa pagiging inocente niya. He is kinda weirdo but unique. Maalalahanin siya, mabait at mapagbigay. Ang swerte ng magiging girlfriend niya. No label! No label kami. We were friends. Masmabuti daw kung ganito lang but we treasure each other. Kaya ako na ang gumawa. Napaisip ako,"bakit di natin bigyan ng label ang relationship natin?" I asked him. Sa una ay natameme ito at hindi makasagot. "Baka gusto mong maging girlfriend ako at maging boyfriend kita?" straightforward kong tanong. "Huh!?" Namumula ang pisngi nito. Tinawanan ko nalang para magmukhang joke. "Biro lang!" Pero naging seryoso siya at hinawakan niya bigla ang aking balikat para humarap sa kanya. "Let's try!" wika nito. Ako na naman ang na tameme. "Ang a-alin?" nauutal kong tanong. "Can you be my girlfriend?" "Uhmm.." hindi ako nakasagot agad. Napayuko siya at mukhang nalungkot. "Okay lang.. you dont need to answer." And I said , "Yes!" Ano ba ang feeling kapag may boyfriend? "Anong sabi mo?" "I said yes! I accept it." Niyakap niya ako at kinarga paikot. Ang saya niya. Nakakatuwa rin. Ganito pala ang feeling. Masaya rin ako. ..End of flashback.. Nakaupo ako ngayon kung saan ako nakaupo noon. "Bukas na ba iyong pagkikita ninyo ng mga kaibigan mo?" tanong ni Jerick. "Yes, bukas na at pupunta ka rin!" Napangiti si Jerick, "Syempre naman!" ---------- Kinausap ni Jasper si Sir Kristoff para sa gaganapin nilang team building at pool party ng kanilang sub-department. Kasama ni Jasper si Meimei na makikiusap sa boss nila. "Sir.." dahan - dahang nagsasalita si Jasper. "Ano iyon?" Nakatayo si Abby sa may gilid ng mesa ni Kristoff at nakikinig lang ito. Si Kristoff naman ay seryosong naghihintay sa request ng dalawa. "Sir, pwede po ba kaming doon nalang sa inyong private inland resort kami magteam building and pool party?" Nakakunot noo bigla si Kristoff na nagpakaba sa dalawa. "Uhmm.. sorry sir. Kasi po, naisip lang po namin iyon para makatipid.." dali daling pagpapaliwanag ni Jasper. "Pero kung di po kayo payag, hahanap nalang kami." "Maghahanap nalang po kami sir.." dagdag ni Meimei. "Kailan nga ba iyan?" Tanong ni Kristoff. "Mamaya po. Overnight rin po.." sagot ni Meimei. "Invited po kayo." "Okay!" wika ng binata na pumayag sa hiling nila. "Really sir?" "Narinig naman ninyo di ba.." Napangiti at masaya sina Jasper at Meimei. "Ilan nga kayo sa sub department?" "15 po kami." sagot ni Jasper. Nagpatuloy sa pagsasalita si Meimei, "By the way sir, invited rin po si Ms. Abby, kung okay lang sa inyo?" Napasulyap si Kristoff saglit sa dalaga at pumayag ang binata. "Okay!" Nagulat si Abby. "Abby invited ka mamaya.." masayang balita ni Meimei. "After lunch, pupunta na tayo roon.." "Pero wala akong dalang mga gamit.." "Kami na ang bahala. Do not worry!" Omg! Napilitan si Abby na sumama. ----- Oras na para umalis. "Sir, tinatawag na po tayo. Aalis na po ang grupo," wika ni Abby sa boss nito na nasa office pa. "Sumabay ka na sa kanila. Susunod nalang ako," sagot ng binata. "Sige po." Umalis si Abby sa office at sumabay sa van nila Meimei. Naiwan saglit si Kristoff doon dahil may hinihintay pa siyang isang tao. Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na ang hinihintay niya. Ang hindi alam ni Kristoff ay hinintay pala siya ng team ni Jasper na sakay sa isang van. Nakatayo pa ang iba sa labas at hinihintay si Sir. Hindi kasi sila sakto sa isang van kaya kailangan nila pa ng isang sasakyan. Kaya naisip ni Jasper, ang head ng team na baka sakali ay pwedeng makisakay ang iba sa kotse ni sir Kristoff. "Miss Abby, pwedeng pwede po kayong sumabay kay Sir Kristoff. Sasabay rin ako sa kanya," mahinahong sabi ni Jasper. "Huh? Akala ko ba.." Napatingin at binilang ni Abby ang lahat at may apat na di makakasakay dahil hanggang 12 lang ang pwede sa van. Napapangiti nalang si Jasper sa kanya. "Sinong gustong sumabay sa amin kay sir?" Agad itinaas ng mga babae ang kanilang kamay at excited sila. Crush kasi nila si Boss. "Dalawa nalang!" "Dapat kasama ako!" wika ni Meimei. Napalingon si Abby sa kaibigan. Para kay Abby ay mas gusto pa niyang sa van nalang at hindi na sasabay sa boss nito pero wala siyang magawa. Ang tanong, papayag kaya si Boss? -------- May dumating sa opisina na siyang hinihintay ni Kristoff. "Sir, narito na po ang resulta sa aming imbestigasyon. Nariyan na po ang babaeng hinahanap ninyo," wika ng lalaking may inabot na folder kay Kristoff. Medyo kinabahan pero excited ang binata na malaman kung nasaan ang batang babaeng iyon. "Salamat!" Dahan dahan niyang binuksan ang folder. Laking gulat niyang makita ang larawan ni Abby sa unang papel. "Paanong.." "Ang babaeng iyan po ang hinahanap ninyo. Sa mga detalye na ibinigay ninyo ay siya ang inadmit sa mismong hospital sa araw na iyon. Nakadischarge na po siya noong mga araw na sinabi ninyong wala na siya sa hospital. Sa description po ninyo sa edad ay talagang tugma sa edad niya noon." "Abby.. si Abby?" -------- Bumaba na si Kristoff at pinuntahan ang grupo. Kinausap agad ni Jasper si Kristoff tungkol sa kotse. "Okay lang po ba sa inyo na sasabay kami sa inyo?" tanong ni Jasper. Sina Meimei at ang isang babae na crush si sir ay kinikilig at excited na sumakay sa kotse ng boss nila. Tahimik lang naman si Abby na nakatayo katabi ng dalawa. Napatingin si Kristoff kay Abby na seryoso. "Can you drive Jasper?" tanong ni Kristoff. Sumagot ito, "Ye - yes sir!" Itinapon niya ang isang susi kay Jasper. Sinalo naman ito agad ng binata. "You can use my other car. Nasa parking lot. Just ask sa guard." "Po? Okay sir." Narinig nilang tatlo ang pag-uusap nila Jasper at Kristoff. Ang akala nila ay sasakay sila sa kotse ni Kristoff. "Aie!" Medyo nalungkot ang dalawang babae pero si Abby ay masaya. "Yes!" Tuwang tuwa naman ang dalaga na ibang kotse ang ipapagamit. Umalis muna si Jasper para kunin ang kotse sa parking lot. "Kinabahan talaga ako," bulong sa sarili ni Abby na umiiwas sa boss kung maaari. Lumakad patungo sa kanila si Kristoff. Pagkalapit niya ay hinawakan ng binata ang kamay ni Abby. "Huh?' nabigla ito. Nabigla sila. Hinila niya ang kamay ni Abby at lumakad sila. "Tara!" "Teka lang!" reaction ni Abby na sumunod sa binatang hawak ang kamay niya. Nagulat ang dalawa na akala nila'y hindi siya magpapasakay ng kung sino pero isinama ni Kristoff si Abby sa kotse niya. Pinapasok ni Kristoff si Abby sa loob ng kotse sa may tabi ng driver seat. "Teka lang sir, akala ko ba..." "You are my secretary kaya you should be with me.." Nakapasok na rin si Kristoff at naupo na sa driver's seat. Tutulungan sana niya si Abby sa pagkabit ng sestbelt pero pinigilan ng dalaga ang binata. "Ako na po!" Bumalik nalang si Kristoff at napasandal nalang sa upuan. Medyo nahihiya si Abby sa mga oras na iyon. Sinimulan na niyang paandarin ang makina ng kotse. Habang nasa biyahe ay maraming gustong itanong si Kristoff sa dalaga. Gusto niyang malaman kung totoo ang mga sinabi ng imbestigador. "May itatanong lang ako..." "Po? Ano po iyon sir?" "Na-experience mo na bang ma-admit sa hospital?" "Hmm?" "Ano ba ang feeling na maadmit?" Hindi diretsong makasagot si Abby at nagdadalawang isip itong magkwento. Panay tanong si Kristoff pero hindi pa sumasagot si Abby. Kaya medyo naguguluhan na ang binata na baka mali ang lahat ng impormasyon. Nagtanong ulit siya, "May naging kaibigan ka bang batang lalaki noon o nakilala man lang." Sa isip niya, "Siya ba talaga ang batang iyon? Bakit di siya sumasagot sa tanong ko?" Sa isip naman ni Abby, "Bakit niya ako tinatanong sa mga bagay na ganito? Ano ba ang gusto niyang malaman?" Nakasunod naman sa kotse nila Kristoff ang van at ang kotse nila Jasper. "Haist!" Napabuntong -hininga nalang si Kristoff. Sa isip niya ay nagsasabi na hindi siya ang bata. Hanggang nagsalita na si Abby, "Naadmit na po ako noon. Bata pa po ako non. Ilang araw rin na nasa hospital ako kaya ang lungkot kapag mag-isa at napakaboring." Napapasulyap si Kristoff kay Abby na katabi niya. Nakinig siya sa kwento ng dalaga habang nagmamaneho. "Kung tinatanong ninyo kung anong feeling,.. hmm.. hindi maganda dahil malungkot sa hospital." Napakalakas ng kabog ng dibdib ni Kristoff habang nakikinig sa dalaga. Siya na ba talaga? Naghihintay si Kristoff na banggitin ang batang lalaki na nakilala niya. "Pero naging memorable rin ang araw na iyon." "Bakit?" "Kasi may nakilala akong batang lalaki.. " Napahinto bigla ni Kristoff ang kotse. Nagulat si Abby at medyo napaurong sa inuupuan. Ang kabilang kotse rin at van ay napahinto Nagulat rin sila sa biglaang paghinto ni Kristoff na siyang sinusundan nila. "Anong nangyari?" tanong nila Jasper. Pinagmasdan at tinitingnan nila ang kotse ni Kristoff sa unahan. "Bakit sir?" tanong ni Abby. Seryosong humarap si Kristoff sa dalaga. Mas lumapit pa ito sa kanya, "Anong nangyari? Nakikilala mo pa ba ang batang lalaki? Naaalala mo pa ba siya?" "Uhm.."napapaisip si Abby na medyo kinakabahan sa mga reaction ng boss nito. "Hindi ko makakalimutan ang batang iyon dahil..." "Dahil.." naghihintay si Kristoff sa sasabihin ni Abby. "Dahil..." Biglang nag-ring ang cellphone ni Kristoff. Napalayo ang binata sa dalaga at sinagot ang tawag. "Sir, okay lang po ba kayo? May nangyari po ba?" Nag-aalalang boses ni Jasper. "Haist!" gigil na reaksyon ng binata sa pag - antala. ------ Pumunta na ang grupo nila Jasper sa private inland resort nila Sir Kristoff. Kasama nila ang boss nila at ang secretary nitong si Abby. Pagkarating nila roon ay talagang namangha sila sa ganda ng resort. "Wow!" May swimming pool at cabins sa resort. May maliit na resto at mga kwarto para doon matulog kapag overnight. Maganda rin ang landscaping ng mga halaman na nagmumukhang paraiso. Talagang makakapagrelax ka sa lugar na solong solo ang resort sa buong team. "Magandang lugar talaga ito! Swak na swak!" wika ni Jasper. "Salamat sir." Seryoso lamang ang mukha ni Kristoff na pasulyap sa dalagang si Abby na kasama si Meimei. Hindi pa nagsisimula ang kanilang teambuilding ay nagseselfie muna sila at grufie sa mga nice spots sa resort. Habang tinititigan ni Kristoff si Abby ay naaalala niya ang batang babae. He is sure now na siya ang batang babae na noon niya nakilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD