Chapter 9

3693 Words
"Good morning!" Bati ni Abby sa mga nakakasalubong niya habang naglalakad patungo sa opisina. "Good morning!" Pumasok na sa silid si Abby at nagtataka ito na wala pa ang boss niya. Napatingin na lang siya sa kanyang orasan sa kaliwang pulso. It was 7:45 already. "Dumating na ba siya o hindi pa?" napapaisip si Abby at nagtataka ito. Nakasara pa ang pinto ng opisina ng boss niya at madilim pa ang loob na tanaw niya mula sa salaming dingding. Lumabas si Abby at napatanong sa ibang empleyado kung nakita ba nilang dumating si Sir Kristoff. "Nakita niyo ba si sir?" tanong ni Abby. "Hindi Miss Abby!" "Hindi ko rin siya nakita.." "Baka late lang!" sabi nong isa. "Hmmm.. ganoon ba." Hindi mapanatag si Abby sa mga oras na iyon. As his secretary, kailangan na alam niya kung nasaan ang boss nito. "By the way, may numero ka ba ni Sir?" tanong ni Abby sa isa. "Huh? Meron.. wala ka ba?" "Ah, eh, bago kasi ang cellphone ko kaya wala pa.." pagpapaliwanag ni Abby na medyo nahihiya. "Okay!" Dumating ang isang empleyado na proud na proud sa bagong cellphone nito. Nagmamayabang ito sa kanila. "Tingnan ninyo may bago akong cellphone! Brand new at talagang new model! Kakalabas lang ito sa market." pagmamayabang niya sabay taas sa cellphone. Napalingon nalang si Abby sa kaniya at ang iba. "Wow! Reaction ng mga empleyadong naroon. "Ang ganda! Pa groufie naman!" "Sure!" Nagpapicture sila gamit ang cellphone. Si Abby naman ay nanatili sa kinatatayuan niya at nanood lamang sa kanila. May nagtanong, "Binili mo ba o binigay iyan?" "Bigay lang!" "Really sino?" Abby tried to call Kristoff at nagring ito. Sumagot ang empleyado. He was very proud, "Binigay ito ni sir kahapon. Si Sir Kristoff ang nagbigay." ((The number you have dialed is either unattended or out of coverage area.. please try again later!)) Di niya macontact si Kristoff. Sa kabilang cubicle naman ay nag-uusap ang dalawang empleyado. "Ang lakas ng ulan kahapon, buti nalang may payong ako." "Oo nga!" Dali -daling pumasok sa silid si Abby at medyo nag-aalala sa binata. "Hindi naman siguro siya magpapaulan kahapon!" Kinakausap nito ang sarili. "Haist!" napabuntong -hininga nalang ito. Lumipas ang ilang oras at alas 9 na ng umaga. Hindi pa rin dumadating si Kristoff. "Saan kaya siya? Late na siya! Di lang late, absent na talaga!" Nagsimula ulit ang pag-aalala nito sa binata. "Dapat sinabihan niya ako kung saan siya pupunta. Paano nalang kung may maghanap sa kanya... anong sasabihin ko!?" Hanggang, may kumatok sa pinto. Nagulat si Abby at napatayo ito. Pumasok ang isang lalaki, ang ama ni Kristoff. "Where's Kristoff?" striktong pagkasabi ng lalaki. "Good morning sir!" bati ni Abby sabay yuko.  Napatingin ang lalaki kay Abby. "You are his secretary?" Napatingin ito mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo sa dalaga. Inangat ni Abby ang ulo at sumagot. "Yes sir!"  "Ahh.." Napilitang ngumiti si Abby pero di niya maiwasang hindi makaramdam ng kaba. "Where is Kristoff?" "Po?" "Di ba siya pupunta rito?" "Patay.." sambit ni Abby na di alam anong isasagot. "Uhmm.. kasi po sir.." "Hindi na naman siya pumasok! Pabigla bigla nalang na walang pasabi! Tinatamad na naman!" galit na wika ng ama nito na para bang disapointed. Nakikinig nalang si Abby sa mga pinagsasabi ng ama ng boss niya. "Paki sabi nalang kay Kristoff na dumaan ako rito!" "Opo sir.." "Sige!" pamamaalam nito at umalis na siya. Nabunutan ng tinik si Abby at talagang kinabahan siya sa pagdating ng ama ni Kristoff. "Wheew!" Napabuntong - hininga nalang ito. Akala niya ay mapapagalitan siya nito dahil sa pagiging walang kaalam alam sa boss. "Nasaan na ba talaga si sir?" At may naisip bigla si Abby. Naisip niya ang mga sinabi ng ama nito na baka tinatamad ngayon at walang pasabi na aabsent. "Tama! Baka nasa bahay lang siya!" Naisipan ni Abby na puntahan ang boss nito sa bahay niya.  ---------- Pumunta si Abby sa bahay ni Kristoff. Tahimik ang paligid at mukhang walang tao. Walang pasabing pumasok na ito agad sa gate at pumunta sa pinto. Kinakabahan siya na baka may aso o di kaya mapagkamalan siya na magnanakaw pero nilakasan niya ang loob.  "Narito kaya siya?" Palinga - linga niyang sabi.  Pagkarating niya sa harap ng pinto ng bahay ay agad siyang nagdoorbell at sumigaw, "Sir! Sir Kristoff nariyan po ba kayo?" Paulit ulit itong nagdoorbell at sumigaw  pero walang sagot.  "Wala yata siya rito.." Tatalikod na sana si Abby ng biglang may kakaiba siyang naramdaman.  "Teka.." At bumukas ang pinto. Laking gulat niyang makita ang boss niya. "Sir! Narito lang po pala kayo!" Biglang sumaya si Abby nang makita ang boss niya pero napansin niyang matamlay ang mga mata ng binata at nakasuot pa ito ng pantulog. "Sir?" Humakbang si Kristoff pero bigla siyang nahimatay pero nasalo naman ni Abby. Napasandal ang ulo ng binata sa balikat ng dalaga. "Sir!!" Walang malay na ang binata. "Sir! Gumising po kayo!" Medyo mabigat ang boss niya kaya nahihirapang tumayo ng tuwid ang dalaga na ang ulo ng boss niya ay nakasandal pa sa balikat niya.  "Sir?" Sinuri ng palad niya ang noo ni Kristoff at napakainit nito. "Naku naman... Nilalagnat po kayo sir!" -------- Nasa dressing room si Maggie at nag-aayos para sa photoshoot ng mga denim dress. Kasama niya ang kanyang Personal assistant roon. Nakaupo si Maggie sa upuan na nakaharap sa salamin. May kumatok sa pinto. Binuksan naman ng PA ni Maggie. Naroon sa labas si Harry na may dalang bouquet. "Sino ang dumating?" tanong ni Maggie sa PA. "Si sir Harry po.." Napalingon si Maggie at mukhang di inaasahan at di welcome ang pagdating ni Harry roon. "Maggie!" bati ni Harry na nakangiti sa dalaga at humakbang papasok ng silid.  Napatayo si Maggie at sinabing, "Bakit ka narito?" "Gusto lang kitang batiin ng congratulations!" pilyong sagot ni Harry na kinaiinisan ni Maggie. Inutusan niya agad ang PA niya na iwan muna sila. "Iwan mo muna kami saglit.." "Opo Ms. Maggie." Umalis naman agad ang PA niya. Naiwan nalang ang dalawa sa dressing room. "Ano ba talaga ang kailangan mo, Harry?" seryosong tanong ni Maggie na di nagpahalata na kinakabahan tuwing nariyan si Harry. "Gusto lang talaga kitang batiin. Nabalitaan ko kasi na malapit na kayong i-engage ng pinsan ko. Ang I'm happy for you!" "Iyon lang ba talaga?" "Yes! Ano pa pala ang gusto mo na dahilan ko?" Hamon ni Harry. "Harry, hindi ko alam ang takbo ng isip mo. Kaya kapag gumawa ka ng hindi maganda ay talagang pagsisisihan mo iyon!" "Huh? What do you mean Maggie?" "Alam mo na kung ano iyon?" Umarteng nag-iisip si Harry sa harapan ni Maggie. "Hmmm... Ano ba iyon?" Inaasar ni Harry si Maggie hanggang mainis ang dalaga sa kanya. "Kalimutan mo na ang sinabi ko at umalis ka na!" Pero mas inasar pa ni Harry si Maggie. "Ahh, iyon ba iyong nangyari sa atin at ayaw mong ipagsabi sa iba lalong lalo na sa pinsan ko?" "Harry!" sermon ni Maggie na namumula sa galit at hiya. "Don't you worry Maggie, iba na ang gusto ko. " "What do you mean?" "Kung noon ay pumayag ako dahil sa gusto kita and may nangyari sa atin. Now, it was fine with me. May gusto na akong iba! And I don't have a reason para agawin kita sa pinsan ko... So I congratulate you both."Paliwanag ni Harry na pangiti - ngiti pa. "Fine with me! That is good Harry!" Nabunutan na ng tinik si Maggie. She's confident na ililihim ni Harry ang lahat tungkol sa nangyari sa kanila. "Masaya ka na ba?" "Definitely!" -------- "Kailangan niyang magpahinga, uninom ng gamot, at kumain ng masusustansiyang pagkain," payo ng doctor na tinawag ni Abby para pumunta sa bahay. "Salamat po Doc!" Inihatid ni Abby ang doctor palabas ng bahay. Nasa kwarto naman si Kristoff at natutulog sa kama nito. Pagkatapos niyang ihatid ang doctor ay pumunta siya sa kusina para magluto. Iniisa isa niyang binuksan ang mga cabinet at ang refrigerator. Napakarami ng laman sa ref at mukhang hindi man lang ginagamit. Hindi naman expire. Lahat yata ng kailangan niya ay naroon na. "Ang mayayaman talaga.. buti pa sila." Nagsimula ng magluto si Abby sa kusina. Napapaisip ang dalaga. "Wala ba siyang katulong dito? Ang yaman nila pero ni isa wala siyang katulong! Nagtitipid ba siya?" Pagkatapos magluto at ihain ang pagkain sa plato bumalik si Abby sa kwarto ng boss niya. Mahimbing ang tulog ng binata. Pinagmasdan ng dalaga ang binatang natutulog.  "Paano kung hindi ako pumunta rito, sino ang mag-aalaga sa iyo? Nasaan mga kapamilya mo, busy ba talaga kapag mayayaman na gaya mo?"  Inilapag ni Abby ang tray na may pagkain sa mesa. Napaupo nalang siya sa silya malapit sa kama at kinuha ang bimpo na nasa noo nito. Binasa ulit niya ito at inilagay sa noo ulit ng binata. Medyo humuhupa na ang lagnat ni Kristoff sa mga oras na iyon. "Bakit ka ba nagkasakit? Ano ba ang ginawa mo?" tanong ni Abby sa natutulog na Kristoff. Napabuntong - hininga nalang ang dalaga. Lumipas ang ilang oras at pati si Abby ay nakatulog rin sa kababantay sa binata. Ang ulo niya ay napahiga na sa kama habang nakaupo sa silya. Unti -unting idinidilat ni Kristoff ang mga mata nito. Napapalibot ang kanyang paningin sa buong kisame. "Anong nangyari?" malumanay na tanong nito sa sarili. Dahan -dahan siyang bumangon at nahulog ang bimpo mula sa ulo nito. "Ano ito?" Paglingon niya sa kanan niya ay naroon si Abby at natutulog. Nagulat siya ng makita niya ang dalaga roon. "Anong ginagawa niya rito?" Mahimbing na natutulog ang dalaga kaya napatitig ito saglit. Nagtataka talaga si Kristoff at mukhang nakalimutan na kung ano ang nangyari. Napatingin siya sa mesa ay naroon ang pagkain,gamot, thermometer, baso ng tubig at basin na may tubig. Bumalik ang tingin nito sa dalaga at tinitigan pa niya ng husto. Tinitigan niya ang mga pilik mata, patungong ilong ni Abby hanggang sa mga labing pula. Habang tinititigan niya ay biglang kumabog ng napakabilis ang puso niya. Napahawak siya tuloy sa dibdib niya. Hanggang nagising si Abby at nagmadaling umiwas ang tingin ni Kristoff sa dalaga. Kinabahan tuloy siya na baka mapansin ni Abby na tinitigan nya ito. "Mabuti naman at gising ka na!" masayang sabi ni Abby sa boss niya. Seryoso naman ang sagot ni Kristoff at nakakunot noo itong humarap sa kanya. "Anong ginagawa mo rito!?" "Huh?" "Bakit ka narito?" "Nandito ako kasi may sakit po kayo sir! Nag-aalala po ako sa inyo sir." "I am fine now!" "Mabuti naman sir!" "You can go!" Napadilat ang mata ni Abby sa di inaasahang utos ng boss niya.  "Teka, bago ninyo ako paalisin, dapat siguro magpasalamat kayo sa akin kasi kung hindi ako dumating, baka ano na po ang nangyari sa inyo.." "Pwede ka ng umalis!" utos ulit ni Kristoff. "Sir? Pero.." "You see, I am fine now!" pagmamatigas ni Kristoff. "May I see!" wika ni Abby at agad inilapat ang kamay sa noo ni Kristoff para tingnan ang temperatura nito. Medyo nabigla si Kristoff at hindi niya inaasahan iyon. "Hmm..medyo hindi ka na mainit di gaya kanina.." "So makakaalis ka na!?" Napatingin si Abby sa boss niya na seryoso talagang pinapaalis na ito. She was just worried for him at wala itong malisya. Habang tumatagal ay lumalakas ang kabog ng dibdib ni Kristoff habang nakikita si Abby kaya gusto na niya itong umalis. Pero kumulo bigla ang tiyan ni Kristoff ng napakalakas na nagpatigil sa kanila. Natawa si Abby at ang binata naman ay medyo nahihiya. "Gutom ka na siguro. Sakto at may niluto ako. Sigurado hindi ka pa kumakain ng agahan." Tumayo si Abby at pumunta sa may mesa kung saan naroon ang pagkain. Napasandal si Kristoff sa unan niya at napabuntong -hininga ito. Bumalik naman agad si Abby ng makuha na niya ang pagkain. Ang inihanda niya ay kanin at gulay na may sabaw.  "Heto, kumain ka na!" wika nito sabay upo sa silya. "Ano iyan? Gulay?" "Yup!" "Ayoko niyan!" "Ano ka ba, masarap iyan! Ako ang nagluto niyan. May isda naman pero nakahalo nga lang." "Magorder nalang tayo!" "No! Dapat ang kainin mo ay gulay. Kaya pala marami pa ang mga stock mo sa ref dahil palagi kang kumakain sa labas o di kaya nagoorder." "My mom put it all." "Kaya madali kang nagkakasakit!" sermon ni Abby. "Huwag mo na akong pilitin! Boss mo ako kaya ako ang masusunod!" "Oo boss nga kita at secretary mo ako kaya kailangan na alagaan mo ang sarili mo!" "Huh? Ano ba ang pakialam mo?" "Syempre, paano na ako kung wala ka? Mawawalan na ako ng trabaho kung wala ka!" Napatigil si Kristoff at napatingin ito sa dalaga. Abby prepared the spoon and nilagyan ng kanin, "Kaya kumain ka na!" Napangiti si Abby na humarap sa binata. "Aalis ako, iyon ang gusto mo diba? Aalis ako kapag tapos ka ng kumain!" dagdag ng dalaga. Hindi na sumagot si Kristoff at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya sumunod sa dalaga. Sinubuan pa ni Abby si Kristoff ng pagkain. "Kaya ko ang sarili ko!" wika ng binata na medyo nahihiya. "Okay lang iyon. Huwag ka ng mahiya.." Nakangiti si Abby habang sinusubuan niya si Kristoff at ang binata naman ay nakatitig sa kanya. "Trabaho ko ang paglingkuran kayo sir.." Napatanong si Kristoff kay Abby, "Ilang taon na kayo ng boyfriend mo?" "Po?" Nagulat si Abby sa tanong nito. "Bakit naman ninyo naitanong?" Payuko-yuko si Abby na halatang nahihiya. Hindi pa nakakasagot ay may tanong ulit ang boss, "Ika ilan mo na siya na boyfriend?" "Huh?" Iwas tingin agad si Kristoff at nagpaliwanag, "Ang totoo, kailangan ko rin malaman ang tungkol sa mga background ng mga empleyado ko. Especially sa iyo na secretary ko." Sasagot na sana si Abby ng nagsalita ulit siya, "Huwag mo ng sagutin. Keep it private!" "Po?" Nakakalito itong si Boss. Natapos na rin sa pagkain si Kristoff kahit palagi itong nagsasalita. "Salamat naman at natapos rin ninyo. Uninom na po kayo ng gamot!" "Thanks!" mahinang sabi ni Kristoff nahalatang nahihiya. "Mas mapapanatag po ako sir kung may kasama kayo rito. Mas mabuti po kung narito ang girlfriend niyo para alagaan kayo..." Napatayo si Abby at handa na itong umalis ng biglang pinigilan siya ni Kristoff. "Wait!" "Hmm, sir?" "Just stay here!" utos ni Kristoff. "Pero..." "Di ba secretary kita at kung nasaan ako, nariyan ka." "Yes sir.. pero.." "You need to stay here!" Humiga siya sa kama at tinakpan ng kumot ang buong sarili. "Magpapaghinga na ako.." Napangiti si Abby. Hindi niya maintindihan kung bakit masaya siya. "Okay!" Samantala, may hinihintay si Paul sa park. Lunch break niya kaya naroon ito para makipagkita sa isang tao na nagpadala sa kanya sa messenger ng kanyang larawan na natutulog sa kama. May kasama siyang babae na balikat lang ang nakita sa larawan at kung sino ito ay gusto niyang malaman. "Nasaan ka na at magpakita ka na!" naiinis na pagkausap niya sa sarili. Hindi na siya makapaghintay na malaman kung sino iyon at gustong magblackmail sa kanya. Someone send a picture before lunch break kanina and may message: "Remember mo pa ba ito, Paul?" Nagreply naman si Paul: Sino ka? Naaalala ni Paul na nakatulog siya sa isang hotel pero hindi niya alam kung sino ang kasama niya roon! Iyon ang panahon na nag-inuman sila ng mga co-workers niya. Nagreply naman ulit: I know you since then. At siguro sa daming mga tao ay di mo ako kilala. Gusto ko magkita tayo ulit! Nagreply si Paul: Sige, magkita tayo sa park. Lunch break. Hindi maiwasang hindi mag-alala si Paul at baka ano ang sasabihin ng babae at iblackmail siya nito. "Pupunta kaya siya?" ---------- "Nakabili na ako Abby. Nabili ko na ang mga prutas na sinabi mo. By the way kumusta si sir?" wika ni Meimei sa cellphone na nasa kabilang linya si Abby. Naglalakad ito sa daan habang nag-uusap ang dalawa at dala ang pinamiling mga prutas. "Okay na siya. Sa ngayon ay nagpapahinga.." sagot ni Abby. "Ahhh mas mabuti.. Sige, update mo nalang ako. Sa opisina ko nalang ito iiwan para bukas." "Sige, kung magiging okay na si sir, baka papasok na siya bukas." Ibinaba na ni Meimei ang tawag at inilagay ang cellphone sa bag. Nagpatuloy ito sa paglalakad pabalik sa opisina. Dala dala niya ang paperbag na may lamang mga prutas. Napadaan si Meimei sa may park at sa kalayuan ay nakita niya si Paul na boyfriend ni Abby. "Si Paul iyon ah.. si Paul nga!" Napatigil ito at mas lalong napatingin sa binata, "Anong ginagawa niya roon? May hinihintay yata siya.." Panay tingin sa cellphone at orasan si Paul. Hanggang, aalis na sana si Meimei ng napalingon siya sa kinatatayuan ni Paul dahil may dumating na babae na kumuha sa atensyon nito. "Hi Paul!" bati ni Lala. Nakaayos si Lala. Nakamake up, nakadress at boots. Iba ang aura niya nang humarap siya kay Paul. Natahimik si Paul at napatingin lang ito sa babaeng kaharap. "Bakit hindi ka makapagsalita Paul?" Ang sagot ni Paul ay hindi inaasahan ni Lala, "Sino ka ba?" "Huh?" Natawa ito, "Hindi mo na talaga ako nakikilala Paul. Bakit kaya? Dahil ba iba ang itsura ko noon kesa ngayon? Ganoon ba ?" "Sorry miss pero hindi kita kilala.." "Sabihin nalang natin na fan mo ako noong nag-aaral ka pa!" "Huwag ka nang magpaligoy ligoy at sabihin mo na kung sino ka at ano ang gusto mo?" napipikon na reaction ni Paul. Naging mataray si Lala at nainis na rin sa binata, "Okay fine, ipapaalala ko sa iyo!" Then inabot ni Lala ang mga labi ni Paul. She suddenly kissed the guy. Namilog ang mga mata ni Paul at hindi niya inaaasahan iyon. Nagulat rin si Meimei ng makitang hinalikan ng babae si Paul. Pagkatapos nito ay niyakap pa nito si Paul. Nakatalikod ang babae sa kanya kaya hindi niya alam kung sino ang babaeng iyon. "Naku! Omg!" reaction ni Meimei. Nagmamadali itong umalis sa kinatatayuan. Naitulak ni Paul si Lala na hawak ang mga balikat nito. "Ano ba!?" galit na sabi nito. "Namiss lang kita.." "Bakit mo ako hinalikan?" "Para maalala mo. Naalala mo na ba kung sino ako?" "Naloloka ka na! Wala na akong pakialam kung sino ka.." "Ayaw mo ba talaga malaman kung sino ako?" "Pakidelete nalang ang picture na sinend mo!" "I will think about it.." pang-aasar ni Lala. "Haist.." asar na asar na si Paul. "Ikwekwento ko muna kung ano ang tungkol sa picture.." "Tama na! Kung ayaw mo na idelete, akin na ang cellphone mo at ako ang magdedelete.." "Tsk tsk tsk! Desperado ka talaga Paul.. edi habulin mo muna ako at baka ibigay ko!" "Asar! Ano ba ang kailangan ng babaeng ito!" Bulong ng isip ni Paul. Nagsimulang maglakad si Lala at mukhang magpapahabol talaga sa binata. "Sundan mo ako!" Palingon -lingon ito sa binata na nasa may likuran at nakatayo. "Bibigay ka rin!" Pero hindi sumunod si Paul bagkos ay umalis siya sa park at bumalik na sa trabaho nito. "Bakit ako susunod sa iyo!?" Paglingon ni Lala ay wala na roon si Paul sa kinatatayuan nito. Nakakunot noo ang dalaga at di mapigilang di mainis. Napapadabog pa ang mga paa nito sa lupa. "Nakakainis!" ---------- "Salamat naman at wala na siyang lagnat." mahinang sabi ni Abby habang pinupunasan ang pawis sa mukha ng boss niya na mahimbing na natutulog. Panatag na si Abby na magaling na ang boss niya at wala na itong lagnat. Nanatili sa may balcony si Abby at minamasdan ang mga bituin sa langit. Malamig na ang gabi pero mas ninais niyang manatiling nakaupo sa upuan sa may balcony. Nagising na rin si Kristoff at bumangon sa kama. Nakapagpahinga talaga siya ng matagal. Ang unang hinanap niya ay ang dalaga na alam niyang nanatili pa sa bahay niya. "Ang lamig na.." wika ni Abby na nagsisikap na haplusin ang sariling mga braso. "Wheew!" Napapahikab rin ang dalaga. Bumukas ang pinto sa balcony at lumabas si Kristoff at pinuntahan si Abby. "Anong ginagawa mo rito? Gabi na at malamig pa.." seryosong tanong ni Kristoff. Napalingon si Abby at nakita ang boss niya na umupo katabi niya. "Huh? Uhm.. gising na po pala kayo.." Napatingala rin si Kristoff sa mga bituin. "Okay na po ba kayo sir?" "Better na.." "Mas mabuti pong sa loob na po kayo at baka sipunin kayo. Kailangan pa rin kayong mag-ingat." "Ok na ako.. may suot naman akong jacket.." Napatingin si Abby sa suot nitong jacket. "Oo nga.." "Ikaw dapat ang pumasok dahil baka sipunin ka.." Napatingin si Kristoff sa dalaga at gayundin si Abby. Nagkatitigan ito na tumagal ng ilang segundo. Hanggang umiwas una si Abby at nakita ang shooting star. "May shooting star!" sigaw niya at napapikit ito agad. Napalingon si Kristoff at tumingin rin sa kalangitan. Nakita rin niya ang shooting star. Pagdilat ng mga mata ni Abby ay napatanong si Kristoff sa kanya, "Ano ang hiniling mo?" Napangiti si Abby at sinagot niya ito, "Sa mga oras na ito, isa lang ang nasa isip ko at iyon po ay tuluyan kayong gumaling para makabalik na kayo agad sa opisina..mahirap kapag nagkakasakit.." Hindi man tumitingin si Kristoff kay Abby ay talagang halata sa kanyang expression sa mukha ang pagkabigla sa sinabi ng dalaga. "Bakit hindi para sa sarili mo ang hiling mo?" "Iyon lang ang gusto ko.."sagot ni Abby. "Eh, ikaw sir ano ang hiniling niyo?" "Ako?" "Yup!" "Isa lang rin ang gusto ko at matagal ko na itong gusto.." seryosong umamin si Kristoff at napapatingin siya sa mga bituin. Si Abby naman ay panay hikab na sa tabi nito. "Ano iyon sir?" Unti - unti ng napapapikit ng mga mata si Abby. "May gusto akong makita.. " "Hmmm? Si-sino naman po?" nakapikit na tanong ni Abby. "Hiniling ko na sana makita ko na iyong batang babae na noon ko nakilala. Gusto ko siya makita ulit. Gusto ko siyang tanungin kung kumusta na ba siya.. gusto kong..." nagkwekwento pa si Kristoff ng napasandal na ang ulo ni Abby sa balikat niya. Nakatulog na pala ang dalaga. "Tinulugan ako!? Hay naku!" Di maiwasang mapangiti ang binatang napapasulyap sa dalaga. Hanggang tumayo si Kristoff ng dahan - dahan na buhat ang dalagang nakatulog at pumasok sa loob. To be continued..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD