Nasa opisina sina Mrs. Park at Abby para salubungin ang boss nila na si Kristoff. Halatang kinakabahan si Abby pero kailangan niyang harapin ang kanyang kaba.
"Laban lang!" bulong ni Abby sa sarili.
"May binubulong ka ba?" tanong ni Mrs. Park na katabi lang niyang nakatayo.
"Wala po!"
Kitang - kita na sa dingding na gawa sa salamin na papalapit na ang boss nila.
"He is here. Just be ready. Huwag mong kalimutan ang mga sinabi ko sa iyo," wika ni Mrs. Park.
"Yes maam!"
Pinagbuksan ng isang empleyado si Kristoff ng pinto at pumasok na siya sa silid.
"Good morning sir!" bati ni Mrs. Park sabay yuko ang ulo
Humarap si Kristoff sa kanila. "Good morning!"
At..
Laking gulat ni Abby sa kaharap niya. He looks familiar. Hindi siya nkapagsalita bagkos tinitigan niya ang binatang kaharap.
Flashback..
"Okay ka lang ba?" tanong ni Abby sa nasaktang binatang si Kristoff. "May sugat ka!"
Hindi pinansin ni Kristoff si Abby at tumayo lang ito ng dahan-dahan.
"Teka lang!"
Binalewala lang niya ang dalaga na siyang tumulong sa kanya.
"Tulungan na kita!" Sabay hawak sa braso ng binata pero inalayo nito ang braso na nagpagulat kay Abby.
Tahimik si Kristoff at hindi pinansin ang dalaga.
Naglakad lang ito ng dahan - dahan papalayo.
"Teka lang, wala bang thank you?" nakasimangot na ani ni Abby sa binata.
Napatigil si Kristoff sa paglalakad at napalingon.
"I don't have a cash right now kaya pumunta ka nalang sa opisina ko!"
Pagkatapos niyang sabihin ay nagpatuloy ito sa paglalakad patungo kung saan niya pinark ang sasakyan nito.
Nainis naman si Abby sa sinabi ng binata. "Aba't, anong akala niya sa akin..mukhang pera!!?"
End of flashback
"OMG!" Napatakip ng bibig si Abby at namilog ang mga mata. "Siya iyon!!"
Seryosong nakatingin sa kanya ang binata.
Sinermunan ni Mrs. Park at sinabing, "Greet our boss. Si Mr. Kristoff Walter!"
"Uhmm.." medyo nauutal sa pagsasalita si Abby. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking tinulungan niya na napakasuplado ay ang magiging boss niya.
Sa isip ni Abby: "He is really a rich man kaya pala hinabol siya noong mga tambay."
"Ms. Abby, hindi mo ba babatiin ang boss natin?"sermon ulit ni Mrs. Park.
"Huh? Ah, eh.."
Seryoso pa rin si Mr. Kristoff na nakatayo sa harapan nila. Hinihintay niyang batiin siya ng bagong secretary niya.
Yumuko agad ang ulo ni Abby at agad nagpakilala.
"Uhmm.. good mo- morning sir.. I'm Abegail Mau-maureen.." inabot niya ang kanyang kamay para makipagshakehands but..
But hindi iyon pinansin ni Kristoff at binalewala lang niya ito.
"Okay, you work now!" Wika niya na napakaseryoso at pumunta siya sa loob ng kanyang office.
Inangat ng dalaga ang kanyang ulo at napatango nalang. Napatingin siya sa binata na pumasok sa kanyang opisina.
"By the way Ms. Maureen, dito ang opisina mo at iyan ang mesa mo. Sa loob naman si boss. May telephone na konektado sa loob kung saan maaari ka niyang tawagin anytime.
"Okay po!"
"You stay here."
"Yes maam!"
"Goodluck!"
Lumabas na si Mrs. Park at naiwan nalang si Abby roon.
Napabuntong - hininga nalang si Abby.
Biglang tumunog ang telephone na nasa mesa nito. Medyo nagulat si Abby sa pagring nito. Nagdadalawang -isip siya na sagutin but naalala niya na trabaho niya ito.
Sinagot niya ang tawag.
"Hello?" sagot ni Abby na mahinahon.
"Come to my office!" Utos ni Kristoff.
"Huh?" Nabigla ito. Napalingon siya sa may bintana kung saan kitang kita si Kristoff kahit may venetian blind na curtain.
"Narinig mo ba? Come to my office now!"
"Uhmm.. yes sir!"
Ibinaba ni Abby ang phone at dali-daling pumuta sa loob ng office ni Kristoff.
Pumasok siya agad sa loob.
"Yes sir?"
Seryosong nakatingin sa kanya ang binata. "Siguro na briefing ka na ni Mrs. Park sa mga gagawin mo at di mo pwedeng gawin. Tama ba?"
"Ye-yes sir!"
"So ngayon, you start your work. May gagawin tayong mga report and I need this urgent."
"Huh?"
Sa isip ni Abby: " Nakikilala kaya niya ako? Naalala kaya niya iyong gabing tinulungan ko siya sa mga lalaking iyon? Mukhang okay naman ang mga sugat niya sa mukha at di na halatang sinuntok siya."
Inilapag ni Kristoff ang mga folders and papers na kailangan nilang gawin.
"Heto!"
"Po?"
"You need to make a presentation out of this reports!"
"Ah, okay po."
Kinuha ni Abby ang mga folders. Nang paalis na siya sa office ni Kristoff, napaisip ito.
"Hindi yata niya ako naaalala. Buti naman!" pangiti itong lumabas sa office.
-----
Habang nag-aayos ang mga tauhan ni Jerick sa coffeshop para sa surprise birthday celebration para kay Lala ay siya naman paupo-upo lang niya sa couch. Nakahawak ito ng magazine at nakatitig sa isa sa picture ng isang model.
"Ang ganda mo talaga!" wika ni Jerick na pahalik halik pa sa magazine. Pinapanood naman siya ng mga tauhan niya na kinikilig habang nakatingin sa magazine.
"Tingnan ninyo si sir, naghuhugis puso na ang mga mata!" sabi ng isang tauhan na lalaki.
"Titig na titig siya sa kanyang idol!" sabi pa ng isa.
Nagsalita naman si Wendy, " Kahit anong gawin ni sir, di naman niya makukuha ang babaeng iyan. Hanggang sa magazine lang ang mga ganyang crush."
"I agree!"
"Ako nga may crush rin na artista.." sabi noong isang tauhan.
"Tumigil na nga kayo. Huwag na kayong mangarap. Dapat nakatingin lang kayo kung sino ang nasa malapit at abot ninyo," dagdag ni Wendy na medyo naiinis sa sinsabi ng mga kasamahang lalaki.
Nagpatuloy pa rin si Jerick sa pagtitig sa picture. "Kung nasa malapit ka lang, talagang hahalikan kita My Lady Maggie! Idol na idol talaga kita! Mwahh!"
--------
Naghahanda na si Paul na umuwii. He is fixing his things para makauwi na.
" Nagmamadali ka yata Paul?" tanong ng isang kasamahan ni Paul.
Sagot niya," Magkikita kami ng girlfriend ko. Birthday niya kasi ngayon. We will celebrate together."
"Wow! Nice!"
"Paki greet nalang din sa girlfriend mo... Happy birthday!" sabi pa ng isa.
"Sure!" nakangiting sagot ni Paul.
Pagkalipas ng ilang minuto ay umalis na si Paul sa opisina. Bago siya pumunta sa kainan na sinabi niya ay pumunta muna siya sa isang boutique para bumili ng regalo para kay Abby.
"Hmmm.. ano kayang magandang regalo sa kanya?" tanong niya sa sarili.
Habang naglalakad, nakasalubong niya ang kanyang mga kaklase noong highschool.
"Paul? Paul David?" tawag ng isang lalaki na nakasuot ng leather jacket. Tatlong lalaki na kaklase ni Paul noon ang nakita niya.
"Yoh! Paul!" Tawag ng isa.
Napatingin si Paul at narecognize kung sino sila. " Mga bro! Kumusta?"
"Kumusta?"
"Heto, okay lang naman!" sagot ni Paul.
"Saan ka ngayon? Matagal ka na naming gusto makita. Salamat naman nakita ka namin.."
"Sama ka, inuman tayo!!" Yaya noong isa.
"Huh?" Reaction ni Paul.
"Ngayon lang ulit tayo nagkita, magkwentuhan naman tayo!"
"Mga bro, kasi birthday ng girlfriend ko ngayon.."paliwanag ni Paul.
" Kahit saglit lang.."
"Nangako ako sa kanya ."dagdag ni Paul.
" Minsan lang to bro..
"Eh kasi.. this is her special day.."
"Isama nalang natin siya.." suggestion ng isa.
"May pupuntahan kami na kainan." wika ni Paul na nagpapaliwanag sa kanila.
"Saglit lang.."pilit nila.
--------
"Happy birthday Maggie!" bati ng soon to be mother- in law niya. Nag beso- beso ang dalawa ng bumati ito kay Maggie.
" Thanks tita. Salamat naman po at nakadalo kayo sa simpleng dinner na ito.," wika ni Maggie. She was wearing a black long dress with elegant silver design.
Nasa isang Five star restaurant si Maggie at inanyayahan niya ang mga magulang ni Kristoff. Hindi makakadalo ang mga magulang ni Maggie kaya mga soon to be in-laws nalang ang naroon.
"Tumawag na ba si Kristoff? Di ko kasi siya ma-contact." tanong ng mom ni Kristoff.
"Hindi pa po. Di ko kasi rin siya ma-contact. But I already texted him na dito ang celebration ng birthday ko and you are here too."
"That's good. Baka may surprise siya sa iyo. So do not worry too much."
Napangiti naman si Maggie ng marinig ang sinabi ng mom ni Kristoff.
Samantala, hindi na nakatanggi si Paul.
Sumama ang binata sa kanyang mga highschool friends.
"Sige, sasama ako pero saglit lang," wika ni Paul na medyo nag-aalangan.
"Sure, no problem Paul. Saglit lang tayo!" sabi ng isa sa kaibigan ni Paul at sabay akbay sa kanyang balikat.
"Tara!"
Pumunta sila sa isang bar. Sa stage ay may sumasayaw at pumapalibot ang mga ilaw.
"Tara doon tayo sa mesang iyon!" aya nong isa.
Pumalibot ang paningin ni Paul sa paligid at naalala ang babaeng sumasayaw noong araw na nagpunta sila ng mga officemate niya. Natahimik ito at para bang nag-iisip.
"Umupo na kayo!"
Umupo sila at nag-order ng mga alak.
Sa may backstage, naroon si Gigi at napatingin sa grupo nila Paul.
"Ang cute ng mga boys. Tingnan mo Lala!" Excited na sabi ni Gigi. Hinablot niya ang kamay ni Lala at pinakita ang mga lalaking nakaupo.
"Ang gwapo nila noh?" wika ni Gigi na pangiti-ngiti.
Nagulat si Lala ng makita ulit si Paul sa bar. "Anong ginagawa niya rito?"
"Huh? May sinasabi ka ba?"tanong ni Gigi.
Nakatitig lang si Lala kay Paul na nakaupo kasama ang mga kaibigan nito.
Inalok ng mga binata si Paul na uminom sa nakahandang mga alak sa mesa.
"Sorry mga bro, pass muna ako. Magkikita pa kami ng girlfriend ko."
"Sige na, kunti lang Paul. Sayang naman. One shot lang."
Inabot niya ang isang shotglass kay Paul. Tinanggap naman nito ni Paul pero nagdadalawang isip ito.
"Sige na. Isa lang naman. Para sa amin!"
Napatingin si Paul sa shotglass na may lamang alak.
"Sige, isa lang!" napilitang ininom ni Paul ang alak. Masaya naman ang mga kaibigan niya sa ginawa nito.
--------
Maggie tried to call Kristoff pero hindi niya macontact ito.
((The number you have dialed is either unattended or out of coverage are please try again later))
Gumagabi na at hindi pa rin dumadating si Kristoff. Nauna ng kumain ang mga magulang ni Kristoff.
"Kumain ka na hija." wika ng ama ni Kristoff.
Nagsalita naman ang ina, "Hay naku, ito talagang si Kristoff parati nalang nagiging VIP. Hindi nag-iisip na may naghihintay sa kanya."
"May ginagawa siguro sa opisina. May report iyon na dapat tapusin.." dagdag ng ama. Napatingin sila rito.
"Kailangan ba talagang tapusin ang mga iyon?" tanong ng ina.
"Work is work!" sagot ng ama.
Medyo tahimik lang si Maggie at nakikinig sa kanila.
Napatingin ang ina ni Kristoff kay Maggie at nakitang malungkot ang dalaga.
"Hija, pagpasensyahan mo na si Kristoff. Napaka-workaholic talaga non. Tuloy, wala pa siya rito para icelebrate ang birthday mo."
"Okay lang po." sagot ni Maggie na napipilitang ngumiti.
"Ang bait mo talaga Maggie. Napaka-understanding mo!" sabi ng ina ni Kristoff na natutuwa sa soon to be Daughter in law niya. "Hindi na ako makapaghintay na maikasal kayo."
Napangiti naman si Maggie.
"Thanks tita at tito sa pagpapaubaya ninyo sa inyong anak sa akin."
"We are so happy na ikaw ang magiging daughter-in law namin. Tama lang talaga na ipinagkasundo namin kayo ni Kristoff."
"We are also happy po!" sabi ni Maggie na medyo nahihiya.
----------
Nasa loob ng opisina si Kristoff at busy sa kanyang laptop. Si Abby naman ay nasa mesa nito at nakaharap rin sa computer at gumagawa sa presentation. Nag-oovertime ang dalawa para matapos ang report. Medyo tahimik na ang gusali at sila nalang ang naroon except sa mgA guards na on duty.
Habang gumagamit sa laptop ay napapasulyap si Kristoff sa dalaga na kitang kita niya mula sa kanyang opisina. Napapahikab na si Abby sa kaka-computer.
"Tsk tsk!"
Inaantok na si Abby pero tiniis niya ito para makauwi na.
"Haist, kailangan ko talagang matapos ito. Ayoko namang magcecelebrate ng birthday ko na paperworks ang kaharap ko. Geez!" Kinakausap niya ang kanyang sarili.
Matiyagang ginawa ni Abby ang mga reports.
Hanggang, tumunog ang phone.
"Hello?" Sinagot niya ito. "Hello sir?"
"Make two coffees!" utos ni Kristoff.
"Huh?"
"Narinig mo naman ako di ba, I said, make two coffees."
"Okay po!" Sagot niya. Agad tumayo si Abby at pumunta sa kitchen ng office nila kung saan naroon ang coffee maker.
"Two coffees..two coffees.." sabi ni Abby habang gumagamit sa coffeemaker. Pero biglang napaisip ito. "Bakit two coffees? Hmmm.. may darating kaya?"
Kahit na may bumabagabag sa kanya, gumawa siya ng dalawa. Habang gumagawa ay napapakanta ito. "Happy birthday to me.. happy birthday to me.. happy birthday to me..happy birthday to me!"
Sa pagkanta niya ay naririnig pala siya ni Kristoff sa loob dahil na rin sila nalang ang nag-iingay sa gabing iyon.
"Birthday?"
Na-curious ang binata at tiningnan ang resume ni Abby. Kinuha niya ang folder at binasa ang nakasulat roon. Nakita niyang ngayon pala ang birthday ng dalaga.
Pumasok na si Abby at dala ang dalawang basong kape.
"Sir narito na po ang inutos ninyo.." wika ni Abby na mahinahon.
"Thanks!"
Nagulat si Abby ng marinig niya ang salitang pasasalamat. "Marunong pala siya magpasalamat?" gulat na reaction ng kanyang isip.
Inabot ni Abby ang isang kape sa boss at kinuha naman ng binata ito. Dahan-dahan siyang umiinom ng kape.
"Uhm, sir may darating po ba?" tanong ni Abby na hawak pa ang isang baso.
"Huh?" Napatigil ito.
"Uhm, kanino po ito para maihatid ko? May darating po ba? Saan ko po ito ilalagay?"
"That's yours!" seryosong sabi ni Kristoff.
"Po? Sa akin?" Hindi inexpect ni Abby na sa kanya ang isang kape.
"Yes, tayo lang naman ang narito kaya sa iyo ang kapeng iyan."
Natahimik lang si Abby at napayuko na medyo nahihiya. "Thank you po.." mahinang sabi nito.
"Pagkatapos mong uminom, you can go now!" Utos niya.
"Huh?" Nabigla si Abby sa narinig. "Pero paano po iyong ginagawa ko. Hindi pa po ako tapos."
"Narinig mo naman ako di ba? If you are done drinking, you can go now."
Pero seryosong humarap si Abby at sinabing, "Aalis po ako kung matatapos ko na po." She was so determine.
Nagulat si Kristoff sa sagot ng dalaga. Hindi niya inaaasahan ito.
Bumalik na sa kanyang mesa si Abby at mas determinado siyang matapos iyon sa gabing iyon.
"Baka isipin niya madali lang akong sumuko. Never!"
Hindi niya bibiguin ang boss niya.
-------
Lumipas ang ilang oras.
It's 10:30 in the evening. Lumalalim na ang gabi.
Tumatakbo si Abby patungo sa kainan na sinabi ni Paul na magkikita sila. Masaya itong tumatakbo patungo roon. Excited siyang makita ang bf nito. Happy rin siya na matapos ang gawain sa opisina.
She pushed the door at tumunog ang bell. Simpleng kainan lang ang lugar kung saan sila magkikita. Kaunti nalang ang tao roon dahil 11 ng gabi ay magsasara na ito.
"Paul?"
Pumalibot ang paningin ni Abby sa buong kainan. Hinanap niya si Paul.
Lumapit ang isang waiter, "Yes, maam. May maitutulong po ba ako?"
"Uhm, kasi.. no thanks."
Umupo si Abby sa isang upuan. Palingon -lingon siya at patingin tingin sa pinto pero walang Paul na dumating.She tried to call him. Sa simula ay tumunog ito pero kalaunan ay di na niya macontact.
"Bakit hindi niya sinasagot!?" naiinis na sabi nito sa sarili. "Nakakainis siya! Nangako siya na magcecelebrate kami na magkasama!"
Napatingin si Abby sa orasan na nasa dingding. " Isang oras nalang at matatapos na ang birthday ko." Naiiyak na sabi nito. "Nakakainis ka!"
It's 11 already at nagsara na ang kainan. Lumabas na si Abby na malungkot.
Naglalakad siya sa lansangan na matamlay. Mukhang nanghihina na ito at walang gana.
Hanggang may dalawang kalalakihan na sumusunod sa dalaga.
----------
Samantala, nakatayo sa labas ng coffeshop si Jerick at naghihintay kay Lala.
"Nasaan na ba si Lala? Ang sabi niya dadaan siya rito. May sorpresa pa naman ako." wika ni Jerick. "Tsk tsk. Nasaan na ba siya? Darating pa ba siya o dumiretso na sa kanila. Hay naku... Naku naman!"
-------
Habang naglalakad si Abby ay may sumusunod na dalawang lalaki. Mukhang may binabalak sa dalaga..
"Miss!" tawag nila kay Abby.
Napahinto si Abby at napalingon.
"Hi Miss!" bati ng lalaki na nasa likuran nito.
Kinabahan bigla ang dalaga at unti-unti siyang napapaatras.
"Pwede bang makipagkaibigan?" tanong ng isang lalaki na nakangiti sa kanya.
Mas lalo siyang kinabahan. Habang umaatras ay hinihila niya ang maikli niyang skirt.
"Can we ask your number?"
"No!" matapang na sagot ni Abby.
"Tsk tsk..Ang tapang ng babaeng ito!" reaction ng isa.
At hindi na nagdalawang -isip si Abby na lumayo sa dalawa. Tumakbo siya sa abot ng kanyang makakaya kahit na nakasuot ng high heels. Sumunod naman ang dalawang lalaki at tumakbo rin sila para maabutan ang dalaga. Nakangiti sila at tuwang -tuwa sa ginagawa nila.
"Run baby!" sigaw ng isa.
Tumakbo lang si Abby at napapasigaw ito," Tulong!"
Sa mga oras na iyon, tahimik na ang lugar at bihira nalang ang mga sasakyan na dumadaan. Muntik na siyang madapa pero sa kasamaang palad ay natapilok talaga ito. Nakatayo pa rin naman kaya pilit niyang makahakbang. Sumakit ang paa niya pero tiniis niya para lang makalayo sa mga lalaking iyon.
"Mabilis rin pala ang babaeng iyon!"
Dahil sa nangyari sa paa niya ay humina ang takbo nito at naabutan na siya ng mga lalaki.
"Huli ka!"
Nagulat si Abby ng hawakan ang kamay niya ng lalaking humahabol sa kanya.
"Let me go!" Pagpupumiglas niya.
"Pinapahirapan mo pa kami!"
Ang isa naman ay humawak sa balikat niya.
Pinilit ni Abby na makawala sa mga lalaking iyon. Sa pagpupumiglas ni Abby ay napunit ang damit niya sa may balikat na siyang hawak noong isa.
Namilog ang mga mata ng dalaga ng makita ang napunit na damit nito. Kitang kita na ang balat niya sa may balikat na siyang tinititigan ng dalawa.
"Weew, ang puti!"
"Tulong!" sigaw nito.
"Tara!"
Hinihila nila si Abby patungo sa may tagong lugar. Patuloy naman sa pagpupumiglas ang dalaga at sumisigaw.
"Tulong! Tulong!!"
"Ang ingay mo!"
Sinampal nila si Abby sa kaliwang pisngi.
"Ahh!"
"Ang ingay mo!"
Tinakpan nila ang bibig ni Abby ng isang kamay.
Abby's pov
Hindi ko akalain na mahuhulog sa ganito ang birthday ko. Ang akala ko na masaya ay ganito pala. Hindi nagpakita si Paul... hindi niya tinupad ang pangako niya tapos ganito ang mangyayari! Hawak ako ng dalawang lalaking di ko kilala. Hinihila nila ako patungo sa lugar na medyo madilim. Ano ba ang balak nila? Ganito nalang ba ang magiging birthday ko? Magiging ganito na ba? Isang .. isang napaka--
Napaluha ako. Napapikit ang mga mata.
Hanggang may sumuntok sa lalaking nakahawak sa akin. Nabitawan niya ako at naitulak ako sa may lupa. Sumugod rin ang isa sa lalaking dumating. Nanginginig ang buo kong katawan pero pilit kong idilat ang aking mga mata. May dumating nga? Sa mga oras na iyon, isang tao ang nagligtas sa akin.
Nagsuntukan ang tatlo. Isa laban sa dalawa. Mga anino lang nila ang nakikita ko. Mga hugis lang nila na nagsusuntukan malapit sa akin. But I prayed na matalo niya ang dalawa.
Habang pinapanood ko sila ay mas lalo akong kinakabahan. Gusto kong tulungan siya pero paano?
Napatingin ako sa sapatos ko na may mataas na takong kaya may bigla akong naisip. Hinubad ko ang sapatos at itinapon ko sa lalaking kasuntukan niya. Natamaan naman ang isa.
Nagkaroon ng pagkakataon na gumanti ang lalaking dumating sa dalawa.
Hindi nagtagal ay tumakbo ang dalawang lalaking may masamang balak sa akin.
Huminga ako ng malalim at napaupo. Pinagmasdan ko ang lalaking nakatalikod na nakatayo sa may harapan ko.
Likod palang niya ay mukhang napakakisig nito. Sino ba siya? Nakasuot siya ng black suit at mukhang mayaman dahil sa aura nito from head to shoes.
Si Paul ba ito? Impossibleng si Paul.
Humarap ang lalaki sa akin at laking gulat ko kung sino siya.
"Sir?"
"Nasaktan ka ba?"
Lumapit ito sa akin at hinubad niya ang kanyang suit. Ipinasuot niya sa akin iyon. Nakita siguro niya na nasira ang damit ko.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Napaiyak ako dahil na rin siguro sa kaba, lungkot at takot.
"You are safe now!"
Napatango lang ako.
Inalalayan niya ako na makatayo.
"Aray!" sigaw ko ng maramdaman ko ang sakit ng isa kong paa.
Seryoso lamang ang boss ko at hindi gaanong nagsasalita. Hindi ko inaasahan na siya ang magliligtas sa akin.
"Kailangan magamot ang paa mo!"
"Huh?"
Bigla nalang niya akong binuhat.
"Teka teka lang!"
Napahawak nalang ako sa kanyang batok. Binuhat niya ako paalis sa lugar na iyon. Napakalapit ng mukha niya at nakikita ko na may mga pasa siya sa mukha. Di ko maiwasang tumitig sa kanya.
"May mga pasa po kayo sir!" sabi ko. Pero hindi sumagot si boss at nagpatuloy lang ito sa paglalakad na buhat ako.
"Uhm..saan niyo po ako dadalhin sir? Kaya ko naman po ang sarili ko!"
Hindi ulit siya sumasagot.
Hanggang nalaman ko nalang na patungo pala kami sa kanynag kotse na nakaparada malapit doon. Pinasakay niya ako sa kanyang kotse. It was so awkward.
Pagkatapos niya akong pinaupo katabi ng driver seat ay pumunta na siya sa driver seat.
"Thank you po sir.."
"It means fair na tayo. You save me last time and I save you now." ani niya.
Nagulat ako sa kanyang sinabi. Naaalala niya pala ako. Alam pala niya na ako iyon!
Omg!