Lifelong Responsibility.
Prologue
Malia
***Flashback***
“Basta ayoko pa magkaanak noh, bukod sa alam kong hindi ko pa kakayanin ang responsiblidad eh ayoko namang lumaki siya na nararamdaman niyang may kulang sa kaniya. Siguro mag aanak lang ako kapag successful na ko sa buhay at masasabi ko na sa sarili kong kaya ko na at handa na kong gampanan ang pagiging isang ina habang buhay.” Giit ko kina Liam at Trisha, paano ba naman kasi ang kukulit nila, kanina pa nila ako tinatanong kung gusto ko raw ba mag kaanak.
Syempre gusto ko. Pero hangga’t hindi pa ko stable sa buhay at ready sa responsibility hindi ko gagawin na bumuhay ng isang batang wala namang kamuwang muwang sa mundo, ayokong lumaki siiyang nafe-feel niyang nane-neglect ko siya o kaya may kulang sakaniya dahil sa hindi pa ko handa at marami pa kong ibang priorities sa buhay. Gusto ko siya lang ‘yung priority ko pagdating ng araw na yo’n.
Lumingon ulit ako sa dalawa kong kaibigan na nakabusangot ang mukha. “Okay na ko maging tita ninang ng mga anak niyo, ii-spoil ko sila, at least magkakaroon ako ng anak na returnable. Puwede ko isuli sainyo pag umiiyak na.” Pabiro kong singhal sakanila kaya sinamaan nila akong tingin.
“Ang sama kamo ng ugali mo, paiiyakin mo ‘yung bata tas pag umiyak isasauli mo samin, aba.” Reklamo ni Liam.
“Titang ina things.” Biro ko sakaniya tapos ay sabay kaming naghalakhakan.
Pare-parehas naman kaming mahilig sa bata eh, yo’n nga lang alam namin sa mga sarili namin na hindi pa namin kaya ang pang habang buhay na responsibilidad ng pagiging isang magulang, isa pa hindi naman kami nag mamadali dahil malayo layo pa ang tatahakin namin, kaka-graduate pa lang naman namin nung nakaraang buwan kaya siguro magsusumikap muna ako sa buhay para pagdumating ang oras na magkakaanak na’ko eh secured na ang future niya!
***End of Flashback***
Napapangiti na lang ako habang inaalala ko ‘yung conversation namin nina Liam at Trisha months before she had Sabrina. I was silently looking at Baby Sabrina while she is peacefully sleeping in my arms. “I hope Trish will make it so she could take care of Sabrina, Sabrina is too young to be orphaned, Liam.” Sambit ko kay Liam na busy sa may mini kitchen dito sa condo ko habang nagluluto siya ng kakainin namin.
Inako na muna namin ang responsibilidad ma alagaan si Sabrina. Sabrina is the 4 months old daughter of my other best friend Trisha. It’s been three weeks since Trisha got in to a car accident, at hanggang ngayon unconscious pa din siya at walang kahit sinuman maging ang nga doktor ang nakakaalam kung kailan siya magigising o kung magigising pa ba siya. Walang kasiguraduhan ang lahat sa mga puntong ito.
“It’s been weeks na Malia pero hanggang ngayon hindi ko pa din ma-kontak ‘yung papa ni Trisha, I don’t think may paki pa siya sa anak niya.” Rining kong sambit niya habang naghahain siya ng pagkain at ako naman ay bitbit ko si Sabrina. Napairap na lang ako sa sinabi niya. Wala namang bago do’n dahil simula nung namatay ang nanay ni Trisha nung unang taon pa lang namin sa kolehiyo, ay nagimg malayo na ang loob ng papa niya sa kaniya na para bang nung nawala yung asawa niya eh nawalan na din siya na responsiblidad sa anak niya.
Nakakalungkot lang na ang malas na nga ni Trisha sa papa niya pati ba naman sa naging tatay ng anak niya, he left Trisha when Trisha needed him the most. Hindi niya pinanindigan si Trisha at itong bata kaya walang choice si Trisha but to continue with her life. Oo, may choice siya kung itutuloy niya ba ‘yung pregnancy after all, it is her body, her rules but chose to the child and she wanted this. She wanted Sabrina so she continued and became a single mom and now that something bad happened to her, nobody will take care of her daughter so Liam and I decided na kami muna ang mag-aalaga kay Sabrina habang hinihintay namin na magising si Trisha. Para na din kasi naming anak itong batang ‘to. Simula nung pinanganak siya ni Trisha, we promised to be her second parent figure na din. At ‘yung tatay ni Sabrina? Parang tatay din ni Trisha na nawala na lang na parang bula, ni hindi namin alam kung ano nangyari sa kanila o kung anong balita, kung buhay pa ba sila.
Nandito kami ngayon sa condo ko para kumain at kumuha ng mga gamit, nagsasalitan kasi kami ni Liam sa pagbabantay kay Trisha sa hospital at pagbabantay kay Sabrina dito sa condo ko. Ako ang nakatoka ngayon sa pagbabantay kay Trisha sa hospital at si Liam naman ang magbabantay kay Sabrina ngayon.
Magsisimula na sana kaming kumain nung narinig kong nag-ring ‘yung cellphone ni Liam at may tumatawag, tumayo siya at sinagot niya ang tawag. Sinundan ko siya ng tingin at halata ko sa ekspresyon niya na kung anuman ang sinabi sa kaniya nung kausap niya sa kabilang linya eh hindi yon maganda.
“What happened?” Tanong ko sa kaniya pero isang panandaliang katahimikan ang ang bumalot sa amin.
“Si Trisha.” Sambit niya at kita ko sa mga mata niya ang pagkabigla.
“She’s gone.” Parang gumuho ‘yung mundo ko nung narinig ko yo’n napahigpit na lang ako ng hawak kay Sabrina.
I look at Sabrina with so much pity, she’s too young to lose her mother.
“Just stay here na lang, ako na ang mag aasikaso sa lahat.” Para akong nabingi at hindi makagalaw, hindi ako nakasagot sa sinabi ni Liam.
Masakit mawalan ng kaibigan pero mas nag-aalala ako ngayon dito kay Sabrina, ano nang mangyayari sa kaniya?
“Liam.” Mahinang tawag ko kay Liam at paglingon ako ay nakatayo na si Liam sa tapat ng pintuan ng condo ko. Huminto siya at nilingon niya ang gawi ko.
“I will adopt Sabrina.” Bakas sa mukha ni Liam ‘yung gulat sa sinabi ko hindi ko alam pero given the situation of Sabrina right now, hindi sigurado kung kaninong custody siya mapupunta and worst baka mapunta siya sa ampunan at ang mahala sa’kin ngayon at maging maayos ang kinabukasan ni Sabrina Sabrina dahil alam kong yo’n din naman ang gugustuhin ni Trisha. Alam kong biglaan pero hindi ko naman pababayaan na mapunta si Sabrina sa isang ampunan at maramdaman niyang may kulang sakaniya.
Lumapit muli si Liam sa’kin at niyakap ko. “I will support whatever your decision will be and I will do my best to help you raise Sabrina, hindi kita hahayaan mag-isa, Malia.” I can feel the sincerity in Liam’s words.
Kung nandito si Trisha malamang ay magiging masaya rin siya sa desisyon namin. Pagkabitiw ma pagkabitiw ni Liam mula sa pagkakayakap saamin ni Sabrina ay isang puting isang paru-paro ang bigla na lamang dumapo kay Sabrina at ramdam namin na parang biglang lumakas ng bahagya ang simoy ng hangin kahit na kulob na kulob namin dito sa loob ng condo ko at nakapatay lahat ng aircon at electric fan. Nagkatinginan na lang kami ni Liam at napangiti na lang kami sa isa’t isa bago siya tuluyang umalis para asikasuhin ang burol ni Trisha.
Trisha, guide us while we raise your beloved daughter, Sabrina.” I whispered through the wind as if I am talking to someone in front of me. Nung napalingon ako kay Baby Sabrina ay napansin kong gising na siya at unlike any other days na lagi siyang umiiyak kada nagigising siya mula sa pagkaka-idlip eh this time she was all smiling.