09 Liam Mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas simula nung huli kong nakita sina Malia at Sabrina habang kami naman ni Anastasha ay nagkaayos na and we’re actually doing good. Napatingin ako sa mini calendar na nakapatong sa table ko. Today is Sabrina’s birthday pero hanggang ngayon hindi ko pa din sila nakakausap at hindi pa kami nakakapag-ayos nina Rina, mukha naman okay lang kay Malia si Anastasha pero sina Rina and Sabrina, they are having a hard time to accept her. “Why don’t you go and visit them?” Rinig kong sambit ni Tasha while she’s sitting at the couch facing my office table eating her breakfast and drinking her morning coffee. “Is it okay to you?” Mausisang paniniguro ko pa pero ngumiti lang siya. “Sinabi ko naman sa’yo di ba? I won’t stop you from being close w

