"S-Si Alicia nga ito! Dylan, bakit may picture ka niya?" Nanginginig ang mga kamay ni Cory. Napatayo si Fin para tingnan ang picture frame. Ang Mama nga niya! "Kanina ko lang din po nalaman nung nabasa ko ang isip ni Papa. Na si Mommy Alice at ang Mama ni Fin ay iisa. Wala po akong idea kung ano ang nangyari, pero inuwi siya ng Papa ko sa bahay no'ng bata pa lang ako. May amnesia po siya." "N-Nasaan na si Alicia?" "Bumagsak po ang eroplano na sinasakyan niya no'ng magpapa-check up siya sa Maynila. B-Buntis po kasi siya, kay Papa." Napatayo si Arnulfo. "A-Ano kamo? Buntis siya?" "Sandali lang, saka na natin isipin 'yan," awat ni Cory. "Wala pa bang balita kung nasaan si Ate Alicia?" "Wala pa po. Sumasama po si Papa sa search and rescue operation para mahanap ang katawan ni Mommy Alic

