Nakaupo si Cassey sa gilid ng gymnasium building. Kakabigay lang ng verdict sa kanya. Kicked out na siya. Tinraydor siya nung dalawang bruhang kaibigan niya. Tinakot lang daw niya sila kaya gumagawa sila ng di maganda. Galit na galit din ang mama niya, isa daw siyang malaking kahihiyan para sa kanya at sa reputasyon niya sa school. Ayaw sa kanya ni Jacob, at tinik sa lalamunan niya ang babaeng yon. Galit na galit siya sa mundo. May lumapit na anino sa kanya. Nakapamulsa ang anino. "Ano'ng nangyari? Hindi ba inutusan kitang guluhin ang grupo ng Dylan na 'yon? Bakit ikaw ang nagmumukmok dito na talunan?" Tumingin si Cassey dito. Blangko ang expression. "Patawad panginoon. Hindi ako nagtagumpay sa plano n'yo." "Kulang pa yata ang matinding inggit, galit at pagkamuhi na ibinigay ko sa'yo. D

