"Pumasok muna tayo sa loob, Reg ... este, Fin." Aya ni Rain sa kanila. Itinuro nito ang malaking kubo. Namangha lalo si Fin pagpasok nila. Hindi ito isang ordinaryong kubo sa loob. Kumpleto ito sa furniture. Mula sa sala, sa dining, at may isang pintuan sa dulo sa kanan na mukhang papunta sa kitchen. Mayroon ding dalawang pintuan sa kaliwang bahagi ng sala. Sa pinakagitna naman ay hagdanan. Tanaw mula sa taas ang sala at ang main door. "Pwedeng malaman kung ano ang mga kapangyarihan ninyo para doon tayo magfocus sa training natin? Susubukan din nating buksan ang iba n'yo pang kapangyarihan." Tanong ni Delfin. "Errr ... Medyo komplikado. Aunt Nitz said my mom blocked our powers when we were kids to protect us from that evil witch. Pag nag-16 na daw kami, saka namin magagamit ang buong po

