Jazz’s POV FLASHBACK A FEW YEARS AGO CONTINUATION… Naka-ilang araw na ang nakalipas nang mangyari iyon ngunit hanggang ngayonay wala pa rin ako sa mood. Maging si Rogue ay nagtatak na rin dahil kadalasan ay hindi na ako nito nakakausap ng matino. Napatingin na lamang ako sa kanya nang bigla ako nitong kalabitin. “Hoy! Kanina pa kita tinatawag ah, ayos ka lang?” nag-aalalang tanong nito. Agad naman akong nahiya rito saka napayuko. “Hmm, oo may iniisip lang,” sagot ko naman rito saka napatulala ulit. Tahimik lang ako sa isang sulok nang bigla ako nitong binatukan. “Hoy! Lutang ka na naman eh, ano ba ‘yang iniisip mo?!” tanong nito napuno ng pagtataka. “Ahh, wala ‘to…” sagot ko lamang rito saka akma na sanang ibabalik angtingin sa sahig nang bigla na naman itong magsalita. ‘’Psh! Sino

