Nanatiling nakatingin si Kael at Honey kay Zane. Sa hindi malamang dahilan ay para bang may nabuong tension sa pagitan nil at ramdam nilang tatlo iyon. Naguguluhang ipinagpalit palitan ng tingin ni Honey ang dalawa na para bang may malalim na usapan gamit ang mga tinging iyon. Inosenteng nakatingin si Kael kay Zane at nagtataka kung bakit masama ang tingin nito sa kanya, habang si Zane naman ay para bang nawala sa sarili at hindi na niya napansin ang matalas niyang tingin rito. Ilang saglit pa ay namagitan na sa kanila si Honey at pinagpalit-palitan ng tingin ang dalawa. Agad na napakamot ng ulo si Kael. Habang si Zane naman ay para bang natauhan at napaayos ng atyo. “Oh! Sorry, akala ko kasi kung sino, kayo pala. Anong ginagawa niyo dito? Akala ko ay umuwi na kayo?” sunod-sunod na samb

