Napasimangot na lamang si Kael habang naglalakad sa hallway. Gusto niya sanang pumasok sa isang booth kaso mukhang sikat ito sa nga couple kaya naman minabuti na lamang niyang umalis sa lugar na iyon. Masyado na rin kasing masikip roon gawa nga ng maraming tao na gustong pumasok. Habang naglalakad ay inilinga-linga niya ang paningin upang maghanap kung saan pwedeng pumunta. Karamihan kasi sa mga booth na nakikita niya ay punuan na ng tao kaya nahihiya na siyang sumingit pa sa mga ito. Alas-nuwebe pa lang naman ng umaga kaya naman minabuti na lang rin niya na magtungo sa isang booth na may pagkain. Habang bumibili rito ay panay linga pa rin si Kael hanggang sa mahagip ng kaniyang mga mata si Hana-sensei. Bahagya pa itong natigilan dahil nakatingin rin ito sa kaniyang direksyon habang k

