Napalingon si Honey kay Kael nang makalapit na siya rito. Patuloy naman ang binata sa paglingon sa paligid na animo’y may hinahanap. “Uy!” tawag rito ng dalaga kaya agad na napalingon rito si Kael. “Oh---Honey, ikaw pala ‘yan,” gulat na bati sa kaniya ng binata. Napangiti na lamang siya saka tumabi sa inuupuan ng kaibigan. Sandaling katahimikan pa ang namagitan sa kanilang dalawa nang maisipan ni Honey na kausapin ito. “Kamusta pala? Wala ka raw sa bahay niyo kahapon ah,” banggit ng dalaga na ikinalingon ng binata. Sakto namang napatingin rin sa kaniya ang dalaga kaya agad siyang napayuko. “May nangyari ba?” nagaalalang tanong sa kaniya. Mabilis naman siyang umiling. “Wala naman, may pinuntahan lang ako kahapon,” sagot niya rito. Hindi naman maiwasang ma-curious ng dalaga sa kani

