LMS 95

1157 Words

Natahimik ang lahat nang dahan-dahang naglakad si Rogue palapit kay Kael. Alam na kasi nila ang sunod na mangyayari rito kaya karamihan sa kanila ay nagpatuloy na lamang sa paglalakad habang ang iba naman ay nakiusyoso pa sa mangyayari. Habang si Kael naman ay nanatiling nakatingin sa binata hanggang sa huminto na ito sa kaniyang harapan. "Long time no see, Kael..." sambit nito. Sa hindi malamang dahilan ay hindi na nakaramdam ng takot o anumang kaba si Kael matapos marinig ang boses nito. Unti-unti na lamang siyang napayuko habang naguguluhan naman si Rogue sa kaniya. Nasanay na kasi itong makitang nanginginig sa takot si Kael kaya naman hindi niya alam kung bakit nakatingin lang sa kaniya ang binata na para bang walang bakas ng pagkatakot sa kaniya. Ilang segundong nanatiling

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD