Kael's POV Halos nakikinood lamang ako sa kanila habang abala sa paggawa ng kung ano-ano. Minsan ay nauutusan ako ni Honey na kumuha ng ilang gamit at tamang sunod lang ako sa mga ito. Habang nakamasid sa kanila sa malayo ay unti-unti ko nang napagtanto ang nais nilang gawin. Isa itong malaking banner na gagamitin sa pagtatapos ng shuffle class week. Sa totoo lang ay hindi ko ramdam na nagkaroon ako ng mga kaklase na hindi naman ka-section. Ilang araw ba naman akong absent at tanging si Honey lang ang kilala ko sa mga ito. Pati rin pala si Rogue. Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaki. Speaking of... Masama ang tingin nitosa akin na para bang may malaking galit sa binata. Hindi ko naman magawang labanan ang titig nito kaya ako na lang rin ang nauna

