Kael's POV Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakayuko. Katatapos lamang namin kumain kaya naman bumalik sa itaas si Hana habang umalis rin ang kanilang lola dahil may gagawin pa raw ito. Napatingala ako habang inaalala ang itsura ni Hana kanina habang masaya itong nagkwekwento sa harap ng pamilya niya. Wala sa sariling napangiti. Maya-maya ay awtomatikong nawala ang ngiti sa mga labi ko nang may mapansin akong bulto ng tao na nakasandal sa pader. Agad akong napatingin rito at nakita si Professor Dex na masama ang tingin sa akin. Oh s**t! Kanina pa ba siya d'yan? Dahil sa gulat ay agad akong napaayos ng upo saka napatingin sa kaniya. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa akin saka inilagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa. Seryoso pa rin ang tingin nito sa akin habang nanlilisik

