Ilang araw na rin ang nakakaraan mula noong unang beses na nag-date sina Honey at Jazz at habang patagal ng patagal ay mas lalong napapalapit ang binata sa dalaga. Si Honey naman ay hindi magawang iwasan ang binata dahil panay ito sunod sa kaniya. Kung minsan pa nga ay inihahatid sundo rin siya nito sa kaniyang trabaho at sinisiguradong nakakauwi siya sa gabi ng ligtas. At sa tuwing ginagawa ito ng binata ay halos walang katumbas ang pagkakakunot ng noo ni Zane. Para kasi sa kaniya ay hindi na kailangang ihatid sundo pa ang kaibigan lalo pa at palagi naman niyang kasabay umuwi si Honey. Napapairap na lang tuloy siya sa ere sa tuwing makikita ang dalaga na kasama si Jazz. Ngunit kahit anong inis niya rito ay hindi naman niya magawang makapagreklamo kay Honey dahil alam niyang ipagta

