"Hoy Honey," biglang tawag ni Zane sa dalaga dahilan upang mapaharap ito sa kaniya. " Oh?" Napaharap ito sa binata nang makita na may iningunguso ito sa labas ng store. Agad naman siyang napalingon rito at nakita si Jazz na nasa labas ng pintong salamin. "Akala ko ba hindi ka na niyan susunduin ngayon?" tanong ni Zane sa kaniya at halata ang pagseselos sa boses nito. Napanguso naman si Honey. Hindi naman kasi niya alam na susundan ulit siya ng binata kahit na sinabi niyang my trabaho siya ngayon. Napatingin na lang rin si Kael sa pinto nang mapansing nakatingin roon ang dalawang kaibigan. "Wait a sec," paalam ni Honey sa kanila saka naglakas palapit sa pinto. Nakangiti namang pumasok rin si Jazz at sinalubong ang dalaga. Nanatiling nakakunot noo si Zane habang pinagmamasdan ang k

