Third Person's POV Pagkabalik ni Kael sa klase ay hindi mawala ang ngiti sa mga labi nito. Maging si Honey ay nagtataka rito gayumpaman ay tla walang pakialam si Kael rito. Pagkapasok na pagkapasok niya ay isang pares ng mga mata ang agad tumambad sa kaniya at nanatiling masama ang tingi sa kaniya. Hanggang sa kaniyang pag-upo ay nanatiling nakatingin si Indigo sa kaniya. Sa hindi malamang dahilan ay biglang nagngitngit sa galit ang binata at napahigpit ang pagkakahawak sa kaniyang bag saka napaupo. Habang si Kael ay walang kamalay malay sa masamang tingin na ipinupukol sa kaniya ng binata. Sa halip ay napatingin na lamang siya sa labas ng bintana saka napasapo ng baba gamit ang braso. Maya-maya pa ay biglang lumapit sa kaniyang tabi si Annie habang may bitbit ito na mga notebook.

